KAPWA GINOO

2 0 0
                                    

Sa bilyon-bilyong tao sa mundo,

Napaibig ako sa kapwa ko ginoo,

Hindi man tama sa paningin ninyo,

Ngunit ito ang sinisigaw ng puso ko.

Hindi man ito ang nasa isip ng iba,

Si Eba ay kay Adan, at si Adan ay kay Eba,

Ngunit hindi na madidiktahan ng iba,

Ang pagmamahal ko sa kanya.

Mali man ito kung ituturing,

Sana'y maintindihan ninyo,

Dahil ako ay tao rin,

Nagmamahal lamang ako.

Tinuturing ko siyang isang prinsesa,

Kahit pareho kaming may espada,

Ituturing ko siyang binibini,

Kahit pareho kaming lalaki.

Sa dinami-dami ng pechay sa gulayan,

Sa talong din ako nasiyahan,

Kahit sa dagat ay may dalagang bukid,

Sa sirena ako'y napaibig.

Siya sa akin ay namumukod tangi,

Kahit pareho kaming nakatayo kung umihi,

Siya ang aking pinili,

Kahit pareho kaming tinuli.

Siya lang ang gusto kong makapiling,

Kahit pareho kaming may saging,

Siya lang ang gusto kong makasama,

Saan man kami dalhin ng tadhana.

Siya lang ang gusto kong mayakap,

Kahit parehong may tumutusok sa aming harap,

Siya lang ang gusto kong mahagkan,

Kahit humantong ito sa espadahan.

Mahirap man ang aming sitwasyon,

Mamahalin ko pa rin siya sa bawat panahon,

Minamahal ko siya ng tapat at totoo,

madalas mang kutyain ng maraming tao.

Darating ang araw na kami'y tatanggapin,

Ng mga taong nakapaligid sa amin,

Dahil hindi sukatan ang kasarian,

Kung sino ang dapat ibigin.

Para naman sa mga katulad ko,

Huwag na huwag kayong magpapatalo,

Sa pangungutya ng maraming tao,

Dahil nagmamahal lamang tayo.

Sa mga magbabasa ng tulang ito,

Nais ko sanang malaman ninyo,

Na ako ay isang ginoo,

Na nagmamahal ng kapwa ginoo.

CAPTAIN'S POEMS AND STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon