HULOG, TALO

5 1 0
                                    

Pag-ibig ay laro,

Pag hulog, talo,

Pag sinalo, swerte mo,

Pero malay mo, manloloko.

Nahulog ka,

Sinalo niya,

Ang tanong?

Totoo ba?

Baka naman niloloko ka na,

Hulog na hulog ka pa,

Hindi ka pala kayang mahalin,

Eh pinatagal pa niya!

Ikaw naman na sabik,

Naging marupok sa pag-ibig,

Akala mo minahal ka pabalik,

iiwan ka pala at di na babalik.

Para kang mangga. Siyempre mahuhulog ka,

Pag hinog ka, pag-aagawan ka,

Pag hilaw ka, walang papansin ni isa,

patunay ang mangga, na ang pag-ibig ngayon, binabase sa sarap at lasa.

Ang galing magpahulog,

Di ka naman sinasalo,

Ang galing manloko,

akalain mo ikay nagoyo.

Pag-ibig ay laro,

May panalo, may talo,

pero sa marupok na gaya mo,

Ang hulog, talo.

CAPTAIN'S POEMS AND STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon