THE MOON IS BEAUTIFUL, ISN'T IT? (ONE SHOT)

0 0 0
                                    

Me and Oshi were childhood friends, since we were 7 years old hindi na kami mapaghiwalay, sa paglalaro gusto niya kami lang lagi magkasama, and same as me.

He's a half Japanese and lagi niya ko tinuturuan on how to speak Japanese language.

He's so sweet, charming, and cute bata pa lang kami, kaya lagi ko siyang kinukurot sa pisngi when we were young.

~

Were still friends... Bestfriends hanggang ngayon na graduating kami ng grade 12, we took the same track and strand dahil pareho kami ng hilig... Sa Arts.

Madalas rin kaming mapagkamalang magkarelasyon dahil sa sobrang closeness naming dalawa, marami ring nagseselos sa kanya na mga schoolmates naming boys dahil hindi naman sa pagmamayabang, maganda raw ako.

Hindi ko rin naman ikakaila na may itsura si Oshi, kaya maraming nagseselos sa kanya.

Tinatawanan lang namin ni Oshi lahat ng sinasabi nila about sa friendship namin.

Then one day, mas lalo siyang naging malambing sakin, mas sweet, inaalala ako lagi, dinadalhan ng food, and he treats me like a girlfriend na pinagtaka ko naman kung bakit.

~

One time nagyaya siya na kumain kami sa rooftop nila, maliwanag yung buwan at sobrang ganda nito...

"Gwen, the moon is beautiful, isn't it?" Biglang tanong ni Oshi

"Hmmmm, yeah." Tipid na sagot ko.

Saka ko naman siya nakitang ngumiti na parang tuwang-tuwa sa sagot ko.

"Anong meron, Oshi?" Tanong ko naman ngayon sa kanya

"Wala, ang ganda mo lang kasi" saka niya ko sinubuan ng kinakain naming kwek-kwek, medyo mainit pa yung kwek-kwek kaya napaso pa ko,

"Aray naman Oshi, dahan-dahan" saka kami tumawa ng tumawa.

~

Ilang araw naman matapos non nagkaayan kaming mag-art jam kami together with our classmates sa track namin, nasa bahay kami ng isa naming kaklase, kanya kanya kami ng ginagawa pero nakikita ko yung ginagawa ni Oshi dahil magkatabi lang kami.

Nagpepaint siya ng dalawang tao na naglalakad sa gabi sa maliwanag na buwan.

Parang nahihilig ngayon sa buwan si Oshi,

Idol niya kaya si JK? Haha.

Then after namin mag-art jam, naisipan naming maglakad pauwi, gabi na non at maliwanag na maliwanag yung buwan.

Naalala ko bigla yung ginagawa ni Oshi kanina habang nag-a-art jam kami.

'Dalawang taong naglalakad sa gabi sa maliwanag na buwan'

"The moon is beautiful, isn't it Gwen?" Tanong na naman sakin ni Oshi,

"Yeah" sagot ko,

At nakita ko na naman yung ngiti niya.

"Ano bang meron diyan sa tanong na yan Oshi?" Pagtataka kong tanong,

"Malalaman mo rin" sagot naman niya saka nagpatuloy sa paglalakad.

~

Ilang gabi niya rin sinasabi sakin yung tanong na yun, pero di ko pa rin alam kung bakit.

~

Nasa kwarto ako nang magchat sakin si Oshi, gabi na nun.

Oshi: Gwen, tingin ka sa labas

Gwen: Nasa labas na ko, ano gagawin ko dito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CAPTAIN'S POEMS AND STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon