KULUNGANG DELUBYO

7 1 0
                                    

Tayo ngayo'y bantay sarado,

nang dahil sa isang delubyo,

Delubyong pumatay ng maraming tao,

Binabawasan ang populasyon ng mundo.

Kabi-kabila ang bantay sa bawat daan,

Nang dahil sa isang karamdaman,

Karamdamang hanggang ngayoy hindi malunasan,

Kailan kaya ito malulutasan?

kailan kaya tayo makakalaya?

Sa sakit na pahirap ang dala?

Kailan kaya mawawakasan?

Kailan ito matatapos?

Sana ito'y maagapan na,

Upang tayo'y lumaya na,

Sa tila kulungang delubyo,

Na nakaposas ang buong mundo.

CAPTAIN'S POEMS AND STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon