KAHIT SANDALI 1

627 19 12
                                    

SHEN'S POV**
-
-
-
-
-
Unang araw ko ngayon bilang isang ganap na estudyante ng Villa International Academy. 4th year college na ako at sa Allegria Institute ako nag aral nang elementary hanggang 3rd year college, kaso sa kasamaang palad kailangan namin lumipat dito sa manila dahil nandito ang trabaho ni mama at papa. Nasa dugo na nang pamilya namin ang pagiging business person, kaya naman di na ako nagtataka kung bakit pati ako etong Business course ang kinuha. Halos lahat kasi ng propeties namin sa Allegria e may mga taong humahawak at pag dating naman dito sa Manila sina mama at papa na ang nag aasikaso. Mga busy silang tao, sa sobrang busy nila halos umaga na lang sa almusal kami nag kikita. Kung uuwe naman sila sa gabi tulog na ako. Pero close kami ng parents ko di nga lang ganon ka halata kasi halos di na kami nag kikita.
-
-
-
Papasok na ako ng school at tulad din nang ibang studyante na transferee, naka casual lang ako. Maong skirt and Yellow lousy t-shirt then a Filla brand white shoes. Malapit na sa parking lot ang kotse at marami na din akong nakikitang mga students na tuloy tuloy ang pasok sa campus.

"Shen iha handa kana ba? Good luck sa first day mo ha!" anang tatay Tino. Si tatay Tino ay ang driver na talaga ng family namin, asawa ni Tatay Tino si Nanay Gloria na syang namumuno sa mga gawain sa bahay, Silang dalawa na halos ang nag palaki sakin dahil nga sa wala lagi sina mama at papa kaya naman close na close ako sakanilang dalawa.
-
-
-
" Hmm opo tay! Hehehe sige ho tay bababa na ako't baka mahuli pa ako sa unang klase"  sabi ko dito " Aba sige sige at pag bubuksan na kita sandali lang ha" bumaba si tatay Tino at pinagbuksan nga ako ng pinto. " Sige iha itext o tumawag ka na lang kung susunduin na kita ha" ani tatay Tino. " Sige ho, una na po ako ingat kayo sa pagmamaneho tay ha!

Pagtapos magpa alaman, agad akong pumasok sa campus. Napakadaming estudyante at tunay na mas malaki ito kumpara sa Allegria Institute. Habang nag lalakad at nag hahanap ng room e unti unti ko na din sininsin ang bawat room na madaanan ko at kamangha manghang ang school na to ay may sariling music room, dance room, swimming pool, at higit sa lahat may malaki silang court literal na malaking court, hindi din naman nag patalo ang quadrangle na pagka laki laki't pagka haba haba, yung tipong halos mag sigawan kayo para marining ang isa't isa kung nasa dulo kayo ng bawat hall way. Ganon kalaki!. Hindi din nag padaig ang laki at lawak ng Caffeteria dito, kung susukatin ito'y maaring mga tatlong room itong pinagdikit-dikit. Nakaka mangha ang laki at lawak yung tipong di na kailangang mag siksikan ang mga estudyante para lang maka order nang pagkain. Sosyalin pa ang bawat estudyanteng namimili maging sa mga pagkain ay mukhang masasarap naman.
-
-
-
Maya maya pa'y narating ko ang room-4A (Bussiness), tiningnan ko ang hawak kong schedule kung saan nakalagay ang room floor and room letter ko. Ito na yun, ito ang room ko sa wakas. Di ko naman naramdaman ang pagod dahil natuwa ako sa mga gusali at rooms na nakita ko.
-
-
-
Pumasok ako sa loob at parang walang nakapansin sa presensya ko dahil panay ang usap ng mga estudyante maaring matagal na sila dito dahil naka uniform na sila. Nakatayo lang ako sa likod at nag hahanap ng upuan hanggang sa madako ang paningin ko sa isang silyang walang nakaupo kaya naman pinili kong don na lang maupo pangalawa sa unahan ang bangkong napili ko ayos dito dahil kitang kita at tiyak na maririnig ko nang ayos ang guro kapag nag leleksyon. Inayos ko ang sarili ko't ang gamit ko.
-
-
-
Tuloy ang daldalan nang mga estudyante, kanya kanyang topic ako naman eto mag isang naka upo at kung ano ano ang tinitingnan sa social media. Maya maya pa'y biglang nagtilian ang mga kababaihan—. Napatingin ako sa likudan ko at nakita ang isang grupo nang tatlong lalaki, sila yata yung tinitilian.
"Hi Wan!"
"Ang gwapo ni Troy"
"Jusko ang bango ni Caleb"
"Basta akin si Wan"
tuloy ang sigawan nang mga babae. Nako may mga heartrob dito at yun ay  ang grupo nang tatlong to, jusko baka naman mala F4 ang bugahan nito ano sila mga bad boy din? Hay nako wag ko na lang sila pansinin hmm tutal di ko naman sila kilala e baka mga tropa nang bad boy yan aba e ako pa mapasama delikado 😂.
-
-
-
Nag tuloy tuloy ako sa pag scroll up and down sa social media nang biglang may tumigil sa gilid nang bangkong inuupan ko. unti unti akong nag taas nang paningin at nag tama ang paningin namin nang lalaking GWAPO? Hahahaha Oo jusko gwapo sya mga bes kapal ng kilay, matangos ilong, matangkad at mapula pula ang labi. Isa sya sa mga tinitilian kanina di ko lang alam sino sya don.
-
-
-
Nang magka bangga ang paningin namin lintik naman sa kaba ang puso ko baka ito na yung simula nang pang bubully nila, Baka papa alisin nila ako dito dahil upuan nya ang naupuan ko o di kaya ay ipapahiya ako, bubuhusan ako ng pagkain sa ulo? , o baka itapon ang gamit ko!!  ito na nga ....

"Ah Hi!" bati sakin nitong lalaki sa harap ko!    e???  "Ah hello, sorry upuan nyo ba to sige aalis na ako wag nyo lang ako pagtripan kasi wala akong balak makipag away sa school nato nais ko lang makapag aral nang maayos! " Tatayo na sana ako nang bigla nya akong pigilan "Nako hindi hahaha 😂 Oo may upuan kami jan sa hilera ng parteng inuupuan mo pero don kami"  ani ulit nang lalaki sabay nguso nya sa tatlong upuan na katabi ko na ngayon ko lang napansing wala din palang naka upo. "Ah hehehehe ganon ba sorry ha!"  saad ko " Ok lang yon"  nakangiti syang naglalakad  papalapit sa upuan na katabi ko at tabi tabi silang umupo don, katabi ko yung lalaki na nasa gilid ko kanina na akala ko aawayin ako. HEHEHEH OA ang lola nyo sorry 🤣
-
-
-
"Transferee ka?"  tanong ulit nung lalaki pero tango lang at  saradong ngiti ang ginanti ko " Ako nga pala si Wan " sabay abot nya nang kamay nya para makipag shake hands napatingin naman ako sa kamay nya iniisip ko kung dapat bang makipag shakehands ako baka kasi biglang may mean girls pala dito tapos awayin ako kasi hinawakan ko ang kamay ng lalaking gusto nya.  Saradong ngiti ang tango lang ang isinagot ko sakanya" Ah hehehe bungi ka ba? bakit di ka na nag sasalita at bakit puro saradong ngiti ang ginaganti mo sakin? " ani ng lalaki gulat akong napatingin sakanya dahil sa sinabi nya " Woaaah! hahahaha hindi ako bungi "   sabi ko dito  at humarap pa sakanya. " Joke lang hahaha pinapatawa lang kita, Mas maganda ka pala pag naka ngiti at tumatawa." aniya
-
-
-
Napatingin ako sakanya, yung tipong ("What are u talking about look!")
Ngumiti lang sya at halos di ko na makita yung mata nya sa sobrang pag ngiti nya. Jusko ang pogiii teeee!!!!  "Oh hahaha alam ko ang tingin na yan, let me guess akala mo siguro bad boy kami no? kasi madami sumisigaw nang pangalan namin kanina ?"   Aniya gulat akong napatingin lalo sakanya ... Anak nang nababasa nya ba laman ng utak ko? " Wag ka mag alala di kami ganon hehehehe"  aniya " Ako nga pala ulitsi Wan, Ito naman si Troy at Caleb kaibigan ko" ani Wan "Hello kumusta ka? " Si Troy sabay ngiti nang matamis. Makapal din kilay nito pogi din may laban. " Hi I'm Caleb" ani nang lalaking nasa dulo na makapal din ang kilay at sobrang pogi din naman. Sa tingin ko’y halos lahat ng itsura nang tatlong to e may laban pwedeng artista.  " Oh Hi I'm Shen Lew nice to meet you all guys! " sabay ngiti kong labas ang ngipin yung natural na ngiti ko para naman di ko masabihang bungi. Nagtawanan kami. "A.U.K.W.A.R.D!"
-
-
-
Dumaan ang mag hapon at halos pag papakilala lamang ang nang yare sa buong maghapon namin sa school.
Dahil sa pagpapakilala halos masaulo ko na ang pangalan nung tatlong lalaki, Si Wan Jedi Montesanto ang kinikilalang leader nang grupo nila pinaka pogi na din siguro kasi sakanilang tatlo talaga sya nag sstand out ang itsura (FOR ME) 😍. Then yung lalaking katabi ni Wan ay si Troy Fedelin napakalakas ng boses kalalaking tao but never mind pogi naman ok na yon 😍. Last is George Caleb Amanzano napaka lakas nang amoy nang pabango nya bench amp! Ang layo namin sa isa't isa, imagine dalawang tao bago sya pero hanggang dito sakin e amoy ang pabango. Pogi points bruh!! 😍 totoo nga na sikat sila kasi kada tatayo sila nilalapitan sila nang mga babae. Nakaka tuwa lang kasi napaka approachable nila halos lahat ng tumatawag pinapansin nila. Hindi na ako nag tagal pa sa room kaya tumawag na din ako sa bahay at nag pasundo kay Tatay Tino.

°°°°°
UPNEXT: KAHIT SANDALI 2

KAHIT SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon