KAHIT SANDALI 9

86 1 0
                                    

SHEN'S POV**
-
-
-
-
-
“Shen! If mag request ba ako sayo pag bibigyan mo din ako?”  ani Zee na syang bumasag sa katahimikan ko.

Napatingin sakin yung tatlo dahil sa tanong ni Zee.

“Oo naman couz!  ikaw pa ba? hehehe” sagot ko

“Then sing—”  sabay nguso nya sa mini stage na nasa harap..

“ Kumakanta ka pala Shen?”  tanong ni Caleb.

“Oo, sa banyo lang 😂”

“HAHAHAHAHAH” sabay sabay kami nagtawanan. Totoong sa banyo lang ako kumakanta, mas hilig ko ang pag sasayaw kaya naman yon lang ang madalas kong ipakita sa lahat.

“Magaling kumanta yan, Caleb!”

Mangha namang napatingin sakin ang mga kaibigan ko.

“Talaga? Sige na Shen parinig ng boses mo”  Si Aella.

“I'll play the guitar for you if you want?” suhestyon ni Caleb.

“I’ll be your drummer!” nakataas ang kamay na prisenta ni Troy.

“Shen pleaseeee!” si Zee.

“You don’t have to please me, Zee I will sing request mo e ☺”

“Yooooonn!!” sabay sabay na sigaw nilang apat.

“Di nakayo need nyan kaya niyan mag isa, trust me.! diba Shen”  ani Zee

“Hehehe siguro! ” sagot ko habang nakatingin sa entrance, iniintay ko pa din makabalik si Wan, ewan ko ba basta gusto ko syang nandito. Pumunta na si Zee sa unahan para ipakilala ako.

-
-
-
WAN'S POV**
-
-
-

“Bye Trix! Bye Tito and Tita!” paalam ko sa magulang ni Trixie.

“Just tell your Dad I say Hi ok ?”  ani Mr. Velmonte

“Opo”

Kaka alis lang ng kotse ng mga Velmonte,  nang marinig ko ang boses ni Zee sa Mic.

“Good evening again everyone! as my special request my best cousin will sing a song for us! SHEN LEWWWW! let's give her a round of applause!!!!

Nagmadali akong pumasok sa loob at naabutan kong nag papalakpakan ang mga tao. Nasa stage na din si Shen at isinusuot ang tali nang gitara sa katawan nya, umupo si Shen sa stool na nasa harapan at doon pumwestong umupo habang nasa harap nya ang gitara.

Naglakad ako pabalik sa lamesa namin,  hindi ko alam kung napansin ako ng mga kasama ko, lahat kasi ng paningin namin na kay Shen. Maya maya lang ay nag simula nang mag strum ng gitara si Shen.
Nakaka panindig balahibo di ko akalain na bukod sa pag sasayaw e marunong din sa ganito si Shen. Hanggang sa nag simula syang kumanta habang naka pikit.

“Bakit ba hindi ko mapigilan ang
Nadarama ng puso ko
Kahit pa alam kong meron kang iba
Hindi pa rin nagbabago ang damdamin ko.”

Nang magmulat nang mata ay lintik naman ang tibok ng puso ko nang biglang magtama ang paningin naming dalawa ni Shen.

“Kaya kong ialay ang lahat sa 'yo
Kahit ako'y 'di mo gusto
Nais lang na minsa'y makapiling ka
At minsa'y madama na akin...”

Parang tinutusok ang puso ko habang nakikita ang mga mata ni Shen na malungkot habang nangungusap sa akin, Alam kong walang salita na lumalabas sa parehong bibig namin pero ang puso naming dalawa ang kusang nag uusap at tila ba nagkakaintindihan ito.

KAHIT SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon