KAHIT SANDALI 5

124 3 0
                                    

WAN'S POV**
-
-
-
-
-
“Bro! ano una na ako ha sa kabilang kanto ka pa naman diba? ”  si Caleb nasa kabilang linya.
Nasa byahe na ako ngayon pauwe, kahahatid lang namin kay Shen at Zee nang mag hiwalay kami Caleb. Hindi na kami bumaba pa ng sasakyan kaya sa cellphone na lang kami ng usap.
“Oh yeah yeah! Good night bro thank you!”  aniya ko.
“Basta ikaw, so paano ba yan I’ll see you tomorrow mister comethru” pang aasar ni Caleb.
Napangiti akong maalala ang itsura ni Shen kanina nung kumakanta ako. Ang ganda talaga nya lalo pag nabibigla at ngumingiti.
“Sira ulo ka bro! Sige na I’m driving. Good night! ”  
“HAHAHAHA Good night.” sabay baba nya ng linya.
Nag patuloy ako sa pag mamaneho hanggang sa marating ko ang apartment na tinitirhan ko. Malapit lng sa VIA ang apartment kaya kung minsan pag papasok ako e nag lalakad na lang.
pagkatapos kong iparada sa tapat ang kotse ko ay pumasok na din agad ako. Naglinis nang katawan saka humiga sa kama at tulalang nakangiti sa kisame.
Halos magulat akong napatingin sa wall clock sa kwarto ko matapos kong mapansin ang oras. It’s almost 3o’clock A.M and still I am awake. DAY DREAMING! haysss!  Di ko napansin na ganon katagal na pala akong nakatulala sa kisame. Pinilit kong matulog hanggang sa nagising na lang ako sa tunog ng alarm clock ko.
Tiningnan ko ang oras at alas singko na nang umaga.
-
-
-
Tulad nang araw araw kong routine maaga akong nakarating sa school at dumeretso sa music room. Maliwanag na ang Music room kaya sigurado akong nandon na sina Caleb at Troy, at hindi nga ako nagkamali ng buksan ko ang pinto.
“Eyy Mr. Comethru arrived!” ani Caleb kay Troy na busy sa pag kutingting nang kanyang drum stand.
Ibinato ko kay Caleb ang bag na bitbit ko at nasalo namn nya to.
“Ohhh! HAHAHA mukhang di maganda gising mo bro.”   ani Troy
“Hindi talaga gaganda kasi di naman ako natulog, bro!”  ani ko.
“Why ? ”   si Caleb habang nakangiti nang pagka lawak lawak.
“Are you —” naputol ang sasabihin ni Caleb nang biglang pumasok si Trixie.
“I knew it! tamang tama ang hula kong hanggang ngayon e di mag babago na ito ang tambayan nyo” si Trixie.
“Oh hello beautiful. Good Morning! ” bati ni Troy kay Trixie sabay beso, kasunod si Caleb at ako.
Kaibigan din namin si Trixie hindi lang talaga sila ok nang lubusan ni Aella dahil masyado kasi syang selosa, ayaw nya nang may dumidikit kay Troy.
“What brings you here?” masayang tanong ko
“I just want to see you guys!” si Trixie
“So ngayon na din ba ang unang araw mo as a student na muli ng VIA?”  si Caleb.
“Akala namin sa States kana mag aaral ngayon e, di ka namin nakita nitong first week of class.” ani ni Troy.
“Pwede ba naman yon? hahaha Medyo na delay lang ang flight ko kaya kararating ko lang din.” paliwang ni Trixie.
“So nursing pa din ba ang kurso mo?”  tanong ko
“Oo e. Alam mo kahit gaano kita kagusto Wan di ako mag bi-business ang hina ko kaya sa computations” si Trixie
“HAHAHAHAHAHAHAH” sabay sabay na tawanan naming apat.
“Mas gugustuhin ko pang mag tingin nang mga veins at kumuha ng dugo kesa mag compute” natatawang ani ni Trixie.
Tuloy tuloy ang kwentuhan namin hanggang sa napag pasyahan naming tumuloy na sa mga rooms namin kasi 15 minutes na lang at magsisimula na ang klase.
Kinuha namin ang mga gamit namin at sabay sabay na lumabas, si Caleb at Troy ang nanguna paglabas ng music room at sinundan naman namin ni Trixie na naka angkla ang kamay sa braso ko.
“Namiss kita, Wan! ”  ani Trixie
“Talaga? Asan pasalubong—“ putol ang sasabihin ko nang biglang sumigaw si Caleb.
“Good Morning Shen, Good morning Zee” bati ni Caleb at Troy
Dahan dahan akong nag angat nang tingin sa dalawa at ewan ko kung praning ba ako o ano dahil nakita kong sakin mismo deretsong nakatingin si Shen. Parang nag tatanong pero di ko mawari kung anong tanong ito.  Matagal bago ako makabati sakanila
“Ah— hello good morning! ”  bati ko
“G-ood Morning sainyo!” balik bati ni Shen saming apat
“By the way, Trixie this is Shen and Zee new clasamates namin” pagpapakilala ko kay Shen at Zee
“Shen, Zee this is Trixie my—” naputol ang sasabihin ko nang biglang iabot ni Trixie ang kamay nya kay Shen para makipag shake hands at...
“I’m Trixie future girlfriend ni Wan. Nice meeting tou two! ” ani Trixie
“Ah ganon ba? Hehehe” naiilang na sagot ni Shen habang si Zee naman ay naka tingin lamang kay Caleb at mukhang nag papacute.
Aabutin na sana ni Shen ang kamay ni Trixie nang biglang dumating si Aella. Lagot na!!!!
Nakataas ang kilay na hinila ang kamay ni Shen at Zee at ipinuwesto sa likod nya.
“Troy Fedelin? ”  may diing pagtawag ni Aella sa boyfriend nya.
Yare na galit na to hahahah!  lumapit si Troy kay Aella.
“Princessss! ” malambing na ani ni Troy .
Ngunit di sya pinansin at tutok na naka taas ang kilay kay Trixie.
“You don’t have to be that friendly sa mga friends ko, Trix! ” si Aella.
“Ooopss! Ok then. Nice meeting you again Shen and Zee. ” ani Trixie habang na kay Aella ang paningin.
“Waaan! hatid mo ko sa department room ko tara? ” si Trixie
Kaibigan ko naman si Trixie at halos 3 months ko syang di nakita mula nang nagbakasyon sya sa States
“Sige. Hatid ko lang si Trixie sa room nya una na kayo bro! ” paalam ko sa mga kaibigan ko para na din mapag hiwalay si Aella at Trixie.
“Sige, bilisan mo dude may quizz yata tayo kay Ms. Perez” si Troy
“Sige! ” sagot ko.
Bago pa man tumalikod sakanila ay nagtama ang paningin namin ni Shen. kaya nginitian ko sya. Ngumiti naman sya nang pabalik pero tulad kanina e di ko alam kung napapraning ba ako sa walang dahilan, dahil pansin kong ang ngiting iginanti sakin ni Shen ay hindi ganon kasaya, parang pilit.
-
-
-
Naihatid ko na si Trixie sa room nila at bago ako umalis e kinausap ko muna sya.
“Ahm- about don sa kanina Trix—” paunang salita ko
“Hahaha yeah I know! You don’t have to tell that to me, alam ko naman na hanggang friend lang talaga ako sayo”
"Yeah but I want us to be in a good state of friendship”
“Oo! naman were good friends. Nag bibiro lang ako kanina nasa kanila na yon kung papaniwalaan nila. ”
“Hehehe hanggang ngayon talaga palabiro ka pa din”
“Jan mo nga ako nakilala diba?”
“Oo nga pala. O sige pano ba yan I gotta go baka malate ako sa quizz ni Ms. Perez.”
Pagkatapos ng usapan namin ay tumungo na din agad ako sa room namin at ilang segundo lang nang maupo ako ay dumating na din ang prof.
“Ok, like what I have said yesterday we will have our long quiz and also a pre test. Some of the questions are not yet discussed but you need to answer it, nang sa ganon malaman ko kung hanggang saan na ang alam nyo. So we will start in just a second. Prepare ur things class.”  ani ng prof.
Lahat kami ay nag sikilusan at inihanda ang mga papel at ballpen, pana’y ang tingin ko kay Shen pero hindi man lang sya nag abalang tumingin sakin kahit sandali. Tsk bakit ba ako nag iintay? bakit naman sya titingin sakin diba? hayss sabi ko na lang sa sarili ko.
“Ok number 1 to 12 give the 12 characteristics of the successful entrepreneur.
Next, what are the two categories of entrepreneurship.”......
-
-
-
Nag tuloy tuloy ang pag tatanong ng prof at halos lima lamang ang naituro nya don the rest ay puro pre test na halos umabot sa 100 item ang ibinigay nya. Natapos ang quizz at nagpasya ang prof namin na kami na din ang magcheck dahil maaga pa naman at matagal pa ang oras  namin sa klase nya. Ipinalit namin ang papel namin sa bawat kaklse hanggang sa mag rumble rumble na at di na namin alam kung nakanino ang papel namin, kay Zee na papel ang nakuha ko.
Ilang minuto lang din ang nakaraan at natapos kami sa pag checheck.
“Ok the total item of the quizz is 110 so did anyone got the perfect score? ... I guess no one right?”   tanong ni prof
"But Wan Jedi got 105 Miss, I think he’s the highest.” ani ni Freya isang kaklse namin. Ipinasa ni Freya ang papel ko at nag palakpalan ang karamihan pati na din si Shen.
“ Ah miss! —” si Aella
“Yes Ms. Enrique?”
“I think Wan is not the highest.”
“Oh then how can you say that? Who?”
“Miss. the owner of the paper that I have checked got 110 score.”
“Really? very good who is that? ”
“Shen Lew Montalban, Miss”
“Woowwww! ” sabay sabay na sigawan nang lahat at palakpakan kasama na ako. Di ko akalaing kaya nya itong iperfect. Madaming humanga kay Shen lalo na ang guro namin.
Zee got 100, Caleb got 98, Aella and Troy got 95.  Halos karamihan samin ay pasado at naging masaya kami dahil kahit papaano napatunayan kong may natatandaan pa din ako sa mga binasa ko kahapon bago ako pumunta sa party ni Aella.

°°°°°
UPNEXT: KAHIT SANDALI 6

KAHIT SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon