KAHIT SANDALI 16

89 4 0
                                    

WAN'S POV**
-
-
-
-
-
Umaga na nang kinabukasan nang magising ako. Ngunit ang mga mata ko’y di ko muna iminumulat, iniisip ko kung gaano kaganda ang pakiramdam ko nang matulog ako kagabi kasama si——.

Mabilis kong iminulat ang mata ko’t kinapa ang katabing higaan para tingnan si Shen, pero tulad na naman nung unang araw na nagkatabi kami’y nawala ulit sya sa tabi ko.

Kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba ay ganon din kabilis akong tumayo at agad nagsimulang ikutin ang buong apartment ko. Pero di pa man ako tuluyang nakaka ikot ng buong apartment ay nakita ko na si Shen na naghahanda nang almusal namin at masayang nakangiti sakin.

“Good Morning babe!  I cook——” hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Shen, nagmadali akong lapitan sya upang yakapin.

Hindi ko man nakikita ang mukha ni Shen dahil sa pwesto namin na magkayakap ay alam kong nagulat sya sa ginawa ko.

“I thought you leave again 😔.” ani ko.

Ramdam ko ang pag ganti ng mahigpit na yakap sakin ni Shen, sa yakap na yon ay naramdaman kong totoo ito at hindi panaginip lang at nabawasan ang kaninang kaba na pansamantalang kumain sa buong sistema ko. 
Hindi nagtagal at kumalas din sa pagkakayakap sakin si Shen at hinarap ako‘t sabay hawak sa aking pisngi at hinaplos ito. Napakasarap sa pakiramdam lalo na nang magtama ang aming mga paningin.

“Sorry babe—” panimula ni Shen, pero pinigilan ko syang magsalita.

“U don’t have to apologize babe—”

“Shhhh—just let me do this Babe. Sorry kung umalis ako nung unang araw na nagkasama tayo, alam kong natakot ka nung gumising kang wala ako tabi mo——” ani Shen habang kasunod na hinaplos ang aking mata.

“Di mo man sabihin nakikita ko sa mga mata mo at nararamdaman ko dahil sa kilos mo.”

Unti unting bumaba ang kamay ni Shen hanggang sa muling naghawak ang aming mga kamay.

“Babe——” tawag sakin ni Shen.

“Hmm!?”

“I love you!”

Napangiti ako nang muli kong marinig sa taong mahal ko ang katagang yon.

“Anong ngini-ngiti ngiti mo jan? hahaha asan sagot mo?” ani nya.

“Sagot?”

“Tsssss!” aniya habang naka nguso.

Agad kong inilapit ang aking mukha sakanya at binigyan sya nang isang mainit na halik. Tulad nang kagabi ay muling lumalim ang halik namin sa isa’t isa dahilan nang unti unting pag atras ni Shen patalikod ngunit ang mga labi namin ang syang kusang nag didikit sa aming mga katawan. Muli kong naramdaman ang init na mabilis ding dumaloy at kinain ang buong siatema ko. Mas binigyang diin ko ang mapusok na paghalik sa labi ng taong mahal ko at ang muling paglalaro ng dila naming tila nagbabanggaan ngunit walang nasasaktan.

Nang mas lalo pang lumalalim ang init nang mapusok na ginagawa namin ni Shen, kasabay nito ay ang pakiramdam nang pagkabuhay ng isang natatagong leon sa aking katawan. Hindi ko akalain na makakaya nang isang mainit na halik, buhayin ang natutulog kong leon. Mahirap pa sa mahirap pigilan ang galit nang leon na pilit bumabangon sa akin, ngunit bago ko pa man hindi tuluyang mapigilan ay ako na ang bumitaw sa labi ni Shen. Parehas kaming habol ang hiningang nakatingin sa isa’t- isa ....

“Babe—” si Shen

“I can wait my love!” 

nakangiting tumingin sakin si Shen at agad akong hinalikan muli sa pisngi.

KAHIT SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon