KAHIT SANDALI 13

76 3 0
                                    

WAN'S POV**
-
-
-
-
-
“Wan!..... —  Wan! I—” mahinang salita ni Shen pero tulog naman sya.

Lumapit ako sa gilid nang kama na kinahihigaan nya at kinausap ko sya. Hindi ko alam kung matatandaan nya to bukas pero ito na ang chance ko para masabi ang nararamdaman ko.

“Shen I’m here!” sagot ko sa nakapikit pa din na si Shen.

“I don’t know where to start but I just want you to know that I really love you. Wala na ako paki alam kung si Trixie ba ang gusto mo o kung sino man.— hik! ” Sagot ni Shen. Nakakapag taka dahil nag sasalita talaga sya kahit ang lalim naman ng tulog nya kasi habang nag sasalita sya ay sumisinok at humihilik pa sya.

“No! Hindi ko gusto si Trixie. Ikaw! — Ikaw yung babaeng kauna-unahang nagustuhan ko Shen.” ani ko

“I love you! —hik! I—hik love you Wan Jedi.”  pahina nang pahinang ani ni Shen.

“I love you too, Babe! ” matapos kong sabihin iyon ay agad na tumulo ang luha ko. Hinawakan ko ang buhok ni Shen at unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya.

Ang kilay mong makapal ang isa sa napakaraming dahilan bakit ang ganda mo, ang pilik mata mong mahahaba at namimilantik na syang tumatabon sa maganda mong mata kapag ganitong tulog ka at ang matangos mong ilong na syang bumabagay sa manipis at mapula mong labi.

Halos isang hibla na lang ang lapit nang mukha namin ni Shen. At sa pangalawang pagkakataon ay muli kong dinampian nang halik ang labi nang taong sobrang mahal ko. Nang muling maghiwalay ang labi namin ay nasilayan ko ang magandang ngiti mula sakanyang labi.

“Alam mo Shen kung di ka lang nag hihilik ngayon iisipin kong gising ka!” sabi ko dito.

Masaya ang puso ko dahil nasabi ko ang nararamdaman ko. Kami na ba ? O liligawan ko pa lang sya? Hmmmm di na ako makapag intay ng kinabukasan para harapin ang babaeng pinaka mamahal ko.
Hindi na ako umalis nang kama hanggang sa di na ako nakalipat sa sofa at tuluyan nang nakatulog sa tabi ni Shen.

KINABUKASAN.....

Masakit ang ulo kong nagising at unti unti kong iminulat ang mata ko.  Masaya akong napatingin sa wall clock na nasa gilid ng kama ko it’s seven in the morning, may pasok kami sa school but I know that this is our last day kasi semestral break na and wala nang gagawin pa sa school.  Nakangiti na sana akong tatayo para maghanda ng almusal namin ni Shen pero nagulat na lang akong walang bakas ng SHEN LEW sa tabi ko.

Mabilis akong tumayo at hinanap si Shen sa buong bahay.

“Shen! Shen!” sigaw ko

Pumunta akong banyo, kusina at halos ikutin ko ang buong apartment ko ngunit wala si Shen, I tried to contact her but her phone is ringing inside my room. Naiwan nya ang phone at umalis na sya? Hindi na ako nagtagal tagal pa at mabilis na agad akong naligo’t pumasok sa school. Hindi ko na nagawa pang kumain nang almusal dahil sa pag aalala.

Nagderetso na ako sa music room at nandon na nga sina Caleb at Troy, ikinuwento ko sakanila ang lahat pwera sa halik syempre 😅, hanggang doon sa pag alis nya sa bahay.

“Sina Aella at Zee ba nandito na?” tanong ko.

“Hindi na sila papasok ngayon bro, you know HANG OVER!  sagot ni Caleb.

“Tawagan ko si Aella, let’s ask them if baka kasama na nila si Shen ngayon.” ani Troy at agad na nag dial ng cellphone

“Hi love. Kasama nyo ba si Shen? —.  Ah ok umalis kasi sya sa apartment ni Wan and we don’t know kung nasan na sya. — Yeah wala pa din sya dito e. Ok love. Thank you. I love you too.! Bye ——.” ibinaba ni Troy ang phone at humarap ulit samin.

KAHIT SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon