KAHIT SANDALI 6

121 2 0
                                    

SHEN’S POV**
-
-
-
-
-
Bago matapos ang ikalawang linggo ko bilang estudyante ng VIA ay dumaan kaming tatlo nila Aella at Zee sa BDC byernes nang hapon para kumuha nang room number para sa booth na sasalihan namin ngayon. Mahal ko ang pag sasayaw simula bata pa lang ako kaya kahit sa AI e yun na talaga ang sinasalihan ko, Room #103 (Dance Troupe Audition) yun ang nakalagay sa papel. Ibig sabihin bago ako makasali sa booth ng Dance Troupe e kailangan ko munang pumasa sa Audition. Room #105 naman si Zee (Paintings Audition), mahilig sa paintings si Zee kaya sa Art Gallery sya sa sumali, si Aella naman ay sa swimming dahil since nandon daw si Troy e don na sya sasali. 
-
-
-
Lunes ngayon at walang klaseng magaganap naghiwa-hiwalay na kaming tatlo at nag pasyang pumunta sa bawat room nang booth na sasalihan namin.
Malayo pa lang ako sa Room 103 e rinig ko na ang ingay nang music mula doon, mukhang nag sisimula na,pag pasok ko sa room nakita  ko ang malawak nitong itsura kahoy na makintab ang sahig mukhang madulas at meron din malaking salamin kung saan kitang kita mo ang bawat galaw mo pag sasayaw ka. Katatapos lang nang sumasayaw nang dumating ako. May mahabang lamesa sa gilid ng salamin sa harap, nandon ang tatlong upuan pero dalawa lang ang naka upo, bakante ang nasa gitna. “Thank you for that wonderful and sexy dance audition m, Miss Bea ” ani nang lalaking estudyante lang din dito sa VIA pero sya ang judge.
“Nanjan na si Waaaan!”  sigaw nang isang estudyanteng babae mula sa likuran ko, dahan dahan akong napatingin at nakita ko si Wan na papalapit na din sa tatlong lalaki sa unahan, Mag aaudition din yata sya.  Pero laking gulat ko nang umupo sya sa gitnang upuan na kanina pa bakante.
“Sorry I'm late. hehehe! ” nasa dulo pa ako nang dance floor kaya imposibleng makita nya ako dito sa laki ng loob nito.
“So who will be next?” tanong nang isang lalaki sa kanan ni Wan
“Meee!” sigaw nang isang babae mula sa gilid ko. Si Trixie. Nagtama ang paningin namin ni Wan nang mapatingin sya kay Trixie, hindi kasi ganon kalayo ang pagitan namin ni Trixie pero nakakapag takang di namin napansin ang isa't isa. Ngumiti lang si Wan sakin at saka sya nag simulang tumingin ulit kay Trixie habang sumayaw ito. Hanggang sa matapos. Magaling sumayaw si Trixie pero may ibang part ng music na hindi sya sumasabay sa beat., over all ok naman hahahah feeling judge.
“Trix bakit lumipat ka nang booth, hindi ba't sa modeling booth ka? ” ani nang lalaking nasa kaliwa ni Wan
“Yeah don pa din naman ako gusto ko lang talaga makita si Wan!” sagot ni Trixie
“Wooooooooohhhh!” sigawang pang aasar nang mga tao sa dance room.
“Hahahaha ganon ba para sakanya ba iyang sayaw mo kung ganon?” tanong nang nasa kanan na lalaki
“Parang ganon na nga. So pano ba yan Byee!” si Trixie
Lumapit muna sa kay Wan at kinindatan ito bago tuluyang umalis. Iiling iling namang nakangiti si Wan. Inlab na inlab sa kanyang FUTURE GF! tsss! 😏
“Ikaw! your turn” napatingin muli ako sa nagsalita at tama nga akong si Wan yon at sakin sya naka tingin at naka turo.
Lumingon pa muna ako sa kaliwa’t kanan ko baka kasi may iba syang tinuturo pero maging sila sakin din nakatingin. Ako nga yata.
Pumunta ako sa unahan at nagsimula na silang magtanong.
“Name?”  ani nang lalaking nasa kanan
“Shen Lew!” sagot ko
“She’s my classmate oh my sitmate also” sabay ngiti sakin ni Wan.
“Ah ok! do you have your music Shen?” ani nang lalaki sa kaliwa
“Ha? Sorry wala di ko kasi alam na need pala non”  sagot ko. Wala naman kasing nakalagay na bring your own music sana nakapag handa ako, pag poprotesta ko sa isip ko.
“Ok lang, ano bang alam mong kanta nang sayaw? ” sabi nang lalaking nasa kanan ulit
“Carl, makapag papili ka naman kala mo may music list ka” ani nung nasa kaliwa.
“Hahahaha” napuno nang tawanan ang buong dance room
“Sorry hahahaha. Ahm Mike ano bang nanjan?”  tanong nung Carl
“Kaso baka di nya alam yung music paano nya yon masasabayan? ” si Mike
“Ahh— Shen alam mo ba yung Don’t Start now ni DL?” tanong ni Wan.
“Hindi pero naririnig ko naman na kanina iyon ba yon, yun na lang ba music nyo jan? ”
“Oo e!”  si Carl
“It’s fine I can dance along as long as it's music! ” ani ko
“Wheew!  That's my girl! ” ani Mike
at maya maya lang ay tumugtug na ang Don't Start now na music ni DL
-
-
-
If you don't wanna see me
Did a full 180, crazy
Thinking 'bout the way I was
Did the heartbreak change me? Maybe
But look at where I ended up
I'm all good already
So moved on, it's scary
I'm not where you left me at all, so”

Hindi ko talaga alam kung paano ang kantang to kasi hindi naman ako ganon ka focus sa mga bagong music pero naririnig ko na ito kaya masasabayan ko na siguro kahit papaano.

“If you don't wanna see me dancing with somebody
If you wanna believe that anything could stop me

Don't show up, don't come out
Don't start caring about me now
Walk away, you know how
Don't start caring about me now”

Inaral kong mabuti habang kumikilos ang beat ng music, at napapansin kong ulit ulit lang ito kaya naman hindi na din ako mahihirapang gawan ito nang step sa utak ko.

“Aren't you the guy who tried to
Hurt me with the word "goodbye"?
Though it took some time to survive you
I'm better on the other side
I'm all good already
So moved on, it's scary
I'm not where you left me at all, so

If you don't wanna see me dancing with somebody
If you wanna believe that anything could stop me”
-
-
-
Tulad nang ibang sumasayaw, hinaluan ko nang sexy, moderno, at nababagay na indak ang sayaw at maging ako sa sarili ko’y namangha nakabuo ako ng maayos na step.
Nang matapos ang music ay sabay sabay nagtayuan ang mga tao sa loob nang music room maging ang tatlong judges sa  unahan ay nag palakpakan  na din.
“Talaga bang di mo alam yung music sa lagay na yan?” si Carl
“Ang galing mo, Shen!!” mangiyak ngiyak na ani ni Mike
Napatawa na lang ako sa mga reactiob nila at saka tumingin kay Wan, na kanina pa maganda ang ngiti sakin
“From now on I am your fan!”   si Wan
Matinding hiyawan ang kumain sa buong dance room.
“Wan! Sample sample!” sabay sabay na sigaw nang mga tao.
Tawa-tawang tumayo si Wan at mamalay ako’y nasa tabi ko na sya at muling tumugtog ang Don’t start now ni DL.
Sa bawat lyrikong binibitawan ni Dl ay may ibat ibang step si Wan. Talagang napaka talented nang lalaki na to 😍, Sumasayaw, kumakanta, matalino, mabait, Kaya di na nakapag tataka kung bakit gustong gusto kita e 😍😍😍
Bawat beat ng music ay kita sa bawat galaw ni Wan ang pitik At swabeng galaw nito. Ito ang mananayaw na sa tingin ko’y di ko pag sasawaan tingnan at panuorin.
Ilang minuto lang din at malapit na at matapos ang swabeng sayaw ni Wan. Pero bago yon ay unti unting lumapit sakin si Wan...

“If you don’t wanna see me dancing with somebody......”

Hinila ako nang loko at sinenyasan nya akong sabayan ko sya sa paraang pa chacha na step.  Nakakatuwang nakuha ko agad ang gusto nyang mangyare sa step kaya habang papatapos ang kanta ay nagkaka gaanan kami ng loob sa pagsasayaw.

“If you wanna believe that anything could stop me”.....

Sa pagtatapos ng music hinila ako ni Wan at unti unting inilapit sakin ang mukha nya bilang katapusang posisyon sa pag sasayaw.  Halos isang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa at dahan dahan akong napalunok dahil sobrang bango pa din nya kahit na puro pawis na sya haysaa sarap! 
“Ang pogi mo!” . mahinang usal ko
“Ha?” nakangiting tanong nya
“Wala wala hehehe” buti na lang di nya narinig dahil sa lakas ng hiyawan at kantyawan nang mga tao sa loob ng dance room.
“Grabe bagay na bagay kayo!” aniya ng isang babae
“Isa pa! Isa pa! ” patuloy na sigawan nang ibang tao na nandon
“Aba e tama na hahaha yaan nyo kasi alam ko naman na pareparehas kami ng desisyon sa performance ni Shen. ” si Carl.
“Pero ang desisyon at resulta ng pasok sa Dance troupe ay bukas nyo pa malalaman naka paskil naman sa bulletin iyon bukas” si Mike
“Gusto na namin malaman ang kay Shen ngayon na! ” sabay sabay na sigaw nang mga tao sa loob.
“Opo pasok si Shen Lew sa Dance troupe!!” pag aanunsyo ni Wan habang nasakin ang paningin at hingal na hingal habang naka ngiti.
“Yeeeeeyyy!!!” sigawan nang lahat sa loob ng dance room.
“Ako ang magiging partner mo sa groupings man sa klase at maging sa dance floor. Miss Shen Lew!” sabay kindat nya at iniwan akong kilig na kilig sa mga ngiti nya.
Juuskooo  😍😍😍

°°°°°
UPNEXT: KAHIT SANDALI 7

KAHIT SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon