KAHIT SANDALI 17

84 5 0
                                    

SHEN'S POV**
-
-
-
-
-
“Shen anak! Baby wake up! ” pag gising sakin ni Papa nang makabalik kami sa Manila. Nakatulog ako sa byahe.

“Sorry to disturb you honey but were here na” ani Papa habang hinahawakan ang pisngi ko.

“it’s ok Pa! let us go inside” aniya ko sabay baba ng kotse napansin kong wala na si Zee sa sasakyan siguro ay nasa kwarto na nya.

Agad kaming sinalubong ng mga taong naiwan namin sa bahay at agad nilang kinuha ang mga gamit namin. mabilis akong pumanhik sa aking kwarto para mas makapag pahinga, bitin ang tulog ko dahil panay ang gising ko sa byahe.

Namiss ko ang kama ko kaya agad akong tumalon don at dinama ang lambot ng bedsheet na mukhang bagong palit na. Nang biglang tumunog ang cellphone ko.

“Hello babe! ” si Wan nasa kabilang linya.

“Hi babe we just arrived, Imissyou! ”

“I missed you too babe. hows the trip?”
“Ok lang kaso medyo puyat ako e di kasi ako nakatulog ng maayos sa byahe, nasa apartment ka ba? ”

“Yeah I’m here doing some lil stuff”

“Oh so ur busy babe?”

“not really babe, anyways u said that ur lack of sleep why don’t you take a rest first ?”

“is it ok?”

“ofcourse babe! I’ll see you soon Iloveyou! ”

“see you babe! Iloveyoutoo! bye”

nang maibaba ko ang tawag ay agad gumuhit sa labi ko ang isang matamis na ngiti dahil sa wakas ay makikita ko na ulit si Wan.

Alas tres na nag hapon nang magising ako mula sa pagkakatulog kanina, bumaba ako ng kwarto upang makakain, nakaligtaan ko ang kumain ng tanghalian dahil sa pagod.

Nang bumaba ako’t napadpad sa kitchen ay agad kong nakita si Zee na naghahanda na din ng pagkain nya, siguro’y kagigising nya lang din magulo pa kasi ang buhok pero kahit ganon lumilitaw ang ganda nya.

“you’re awake, u want to eat ?” ani Zee

“Yes please. Kagigising mo lang din? ”

“oo e” ani Zee habang nilalapag ang pagkain sa lamesa.

Sinigang na baboy ang ulam kaya nagsimula na kaming kumain ni Zee.

“Balik school na ulit tayo bukas, excited ka na? ” ani Zee habang nginunguya ang pagkain

“oo i really want to see Wan and ofcourse the squad.”

“Yeah. Ilang araw linggo na lang graduation na hays.”

“Oo nga e parang kelan lang katatransfer lang natin”

“Balita ko bago daw ang graduation ipapakilala ang owner ng school sa mga gagraduate— ibig sabihin makikilala na natin ang may ari ng VIA”

“Kaya nga e hays sampong buwan din ang nilagi natin sa VIA at hindi manlang natin nakilala ang may ari tanging pangalan lang nila.”

“Ang saya saya kasi kahit isang taon lang tayo dito  sa VIA madami naman tayo naging kaibigan. ”  si Zee

“Tama ka! anyways asan nga pala si Mama at Papa?”

“Hmm sabi ni nanay pumasok daw sa trabaho. Alam mo naman yun sobrang sisipag mukhang di uso pahinga sa dalawang yon”

“Always! hahahaha”
-
-
-
-
Nagtuloy tuloy ang kwentuhan namin ni Zee.

Kinabukasan... maaga kaming nakarating ni Zee sa skul di na kami hinahatid ni tatay dahil may sarili na kaming mga kotse at minsan naman at sinusundo ako ni Wan at sinusundo naman ni Caleb si Zee.

“Good Morning babe! bati sakin ni Wan nang nagkita kami sa cafeteria sa school.

Masyado pang maaga kaya naman hindi pa nagsisimula ang klase.
Tumakbo agad ako sa mga bisig ni Wan, na kanina pa naka dipa na tila nag iintay sa yakap ko.

“Baaaaaabbeeee!” ani ko.

Mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay Wan. Grabe miss na miss ko na yung taong to. Hindi ko alam sa sarili ko kung anong nangyayare sakin sa tuwing nahaharap ako kay Wan.

Parang lahat tumitigil at sumasang ayon saming dalawa.
Habang yakap ko si Wan dahan dahan kong iniangat ang aking ulo agad nagtama ang aming mga mata.

Nakangiti sya kasabay ng pag ngiti ng kanyang mga mata.

Hayss. I really love this man. Even imagining something that was imposible to happen e naiimagine ko. Tsss hahahaha
Kelan pa ngumit ang mata???

Siguro nga dahil ang ating labi at bibig ay parte ng ating mukha, at ang pag ngiti sa bibig ang paraan upang ipakita physically na masaya tayo. At Ang mata naman natin na parte din nang ating mukha ay ang isa sa mga ginagamit ng puso natin upang i-express ang kasiyahang nararamdaman natin emotionally. At ang saya sa puso na may kasamang kaba na ating nararamdaman sa tuwing pumupuri tayo sa diyos ay ang kasiyahang nais ipahiwatig nang ating utak, puso, at kaluluwa kung gaano tayo kasaya spiritually.

Lahat ng bagay sa mundo ay tunay ngang nakakahanga ang bawat saya na ating nararamdaman at ginawa ay may kanya kanyang kahulugan, iba iba man ito’y alam natin na iisang KASIYAHAN ang nais lang nating maramdaman.

Ang mga matang to na tinitingnan ko ngayon  ay tila kumakausap sakin. I wonder if Wan also feel the same way, just the way how I felt this beautiful feelings inside me.

“I love you!” iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko nang nagtama ang aming mga mata.

“I love you most, babe!” sabay halik nya sa aking labi.

Namiss ko ang malambot na labi nang lalaking to, halos ilang buwan din kaming hindi nagkita at sobrang miss na namin ang isa’t isa.

“Ang SPG giiiirrrl!” ani ni Zee na kanina pa pala nakatayo sa gilid namin mag isa.

“Asan si Caleb?” tanong ko.

“Hinahanap ko nga, kaya napadpad ako dito, nagbabaka sakali na kasama ni Wan. ” sagot nya.

“Try to look in—music room, maybe he’s there doing some stuff with his guitar ” si Wan.

“yun na nga yung unang pinuntahan ko, kaso wala naman.” si Zee.

“Hindi ba sayo tumawag?” tanong ko.

“Hindi e' , ah Wan wala bang sinabi sayo?”

Nagkibit balikat lang si Wan.

matapos ang usapan ay umalis na din si Zee at naiwan kami ni Wan sa caffe.

KAHIT SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon