KAHIT SANDALI 10

91 5 0
                                    

WAN'S POV**
-
-
-
-
-
Ilang araw, linggo at buwan ang dumaan at halos wala pa akong nagagawa para aminin kay Shen ang tunay na nararamdaman ko. Nasa school ako ngayon at may klase kami kay Miss Perez.

“Malapit na ang semestral break and like what I have said in the first day of school year kung sino ang partner nyo e yun na ang magiging partners nyo sa lahat, so I guess kilala nyo pa din ang partner na napili nyo that time right?” si Miss Perez

“Yes Miss!” sabay sabay na sagot naming lahat.

Napatingin naman ako kay Shen at lintik ang gulat ko nang makitang nakatingin din sya sakin sabay ngiti. Ang ganda mo talaga mahal ko. HAHAHA sabi ko na lang sa isip ko. Bakit ba natotorope ako 😔. Ganito siguro talaga pag gusto mo ang isang tao.

“Montesanto and Montalban you two work to find the meaning of  FEELINGS! ”

“Ha???” sabay naming sigaw ni Shen.

“Ha? Na saan ba ang attensyon nyong dalawa at HA ang sinasagot nyo sakin?”

Nagtawanan ang mga kaklase namin.

“Bro u ok? hahaha” si Caleb

“Shut up Caleb!”   saway ko dito.

“Dapat bang ma-involve ang feelings ng isang entrepreneur  sa bagay na gagawin nya kung sakaling naisipan nyang mag tayo ng business? ” paliwanag ni Miss Perez.

“Yes Miss” sagot ni Shen na agad naman tinaasan ng kilay ni Miss Perez.

“Well if yes or no you two work for the answer of WHY, hindi ko kailangan nang sagot nyong dalawa ngayon kaya nga tayo may groupings. Kayong dalawa —” turo saming dalawa ni Shen ni Miss Perez.

“You two are here in my class physically but where is your attention? your mind.? parehas nag lalakbay?  hmmm! ”

Napayuko lang kami ni Shen, palihim kaming nag tinginan sa isa't isa at sabay na natawa.

Kung alam mo lang na ikaw ang iniisip ko, tatawanan mo pa din kaya ako ng ganyan katamis?  tanong ko sa isip ko habang nakikinig kay Miss Perez 

Naibigay na saming lahat ang topic nang bawat isa hanggang sa matapos ang buong klase ni Miss Perez. Lahat ng subject namin ay may kanya kanyang pa-project pero kay Miss Perez lang ang partners the rest individual project na.

Natapos ang buong klase maghapon alas tres pa lang ng hapon nang matapos ang klase namin.  Sa dami ng project ay naisipan na namin ni Shen na ngayon na simulan ang project ni Miss Perez dahil iyon ang mahaba ang paliwanag. Kailangan naming magbasa at Mag research pareho.

“Shen ok lang ba kung sa bahay na lang kami ni Caleb gumawa kesa ako yung pumunta sa kanila e baka gabihin ako, medyo malayo daw bahay ni Caleb dito e. ”  pag papa alam ni Zee kay Shen.

Totoong malayo ang bahay ni Caleb dito sa VIA kaya hindi kakayanin kung ihahatid pa si Zee pabalik, baka gabihin lang ng todo si Zee sa daan lalo na at may sarili na itong kotse.

“ Sure. kung ganon Wan ok lang ba kung sa bahay na lang din tayo para may kasama si Caleb. Sabay sabay na tayo. ”   tanong sakin ni Shen.

Ako pa talaga tinanong ng mahal ko...! nakangiting aniya nang puso ko.

“Syempre naman. Oo ok lang!” seryosong saad ko pero deep inside nagtatatalon ang puso ko sa saya.

“Hmm. Aella, Troy do u guys want to join us? Sa bahay tayong anim.” si Shen

“Naku mukhang masaya nga iyon ang kaso e interview halos ang focus ng topic namin ni Troy so we need to do this without consulting the books and internet. Sariling experience ng tao ang kailangan naming makuha. ”   paliwanag ni Aella.

KAHIT SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon