KAHIT SANDALI 15

79 6 0
                                    

SHEN'S POV**
-
-
-
-
-
“Waan! u ok? —” tanong ko kay Wan ngunit wala naman akong nakuhang matinong sagot dahil puro ungol lang ang nagagawa nyang pagsagot.

“It’s ok if u can’t talk, just let me help you — yaaah!”

nasa kama naman si Wan nang maabutan ko pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sakanya ay halata ko nang may sakit sya.

Nakapikit si Wan nang binuhat ko paharap sakin ang katawan nya. Wala syang lakas dahil sobrang taas ng lagnat nya.

Wala na akong nararamdamang alinlangan dahil nagawa ko nang tangalin ang basang damit ni Wan para palitan sya, minsan tumatanggi sya pero wala din sya nagawa hanggang sa napalitan ko lahat— HAHAHA as in lahat pero duh may tulong naman na nya pag dating sa undies nya 😂.

Medyo basa ang mga damit ni Wan nang tanggalin ko yon sa katawan nya siguro’y nagpaulan ang lokong to' tsk! Matapos kong punasan si Wan ay nag luto na ako ng makakain nya, mas pinili kong lutuan sya ng lugaw kasi yun lang naman ang alam kong iluto na may sabaw ngayon kaya ok na yon.
Nakatulog si Wan matapos ang pahirapang pagpapalit nang damit nya.

Habang nag luluto ay nilinisan ko na din ang bahay nya dahil ang daming aklat na naka kalat sa buong study table at sa sofa na maliit.  Nang matapos ako maglinis ay nagpahinga lang ako ng saglit at nanunod ng TV. Nakaluto naman na ako ng lugaw ayoko lang talaga gisingin muna si Wan kasi katutulog lang nya at mukhang masarap pa ang tulog nya, dinig ko yung malalim na hinga e  😂

Nang medyo naka ilang oras na din ang tinagal ko sa panunod ng TV ay nagsandok na ako ng lugaw, good thing kasi yung lutuan ni Wan dito ay hindi basta lumalamig ang pagkain sa loob, mainit pa din yung lugaw.  Nilagyan ko ng lugaw ang isang mangkok na kulay berde, inihanda ko na din ang tubig at ang gamot na iinumin ni Wan pagtapos ko syang pakainin.

Tumabi ako sa gilid ng kama ni Wan.

“Grabe kahit may sakit ka ang gwapo mo pa din!” sabi ko.

Siguro naman tulog talaga to lakas ng hilik e. 😂 pero sana narinig mo yung sinabi ko sinadya kong wag isipin yon para mas maisip mong gusto talaga kita. Nahihiya pa akong gisingin si Wan pero ginising ko pa din sya para makakain at makainom ng gamot. 😁😂 Tinanggal ko ang bimpo na nilagay ko sa noo niya at niyugyug siya ng dahan dahan lang naman. 😁

“Wan! Wan wake up! ” ani ko.

Di naman mahirap gisingin si Wan kasi nagmulat agad sya nang mata at muling nagtama ang paningin namin. —kaso tinalikuran ako.

"I’m ok now u may leave!” si Wan.

“But u need to eat. Nagluto ako lugaw Wan para makainom ka na din ng gamot.”

“Leave it there ako na bahala” ani Wan habang nakatalikod pa din sakin.

“But—”

“I can take care of myself.  Umuwe ka na baka hinahanap kana sainyo”

“No I can stay—”

“I don’t know why ur doing this—but please iwan mo na lang muna ako. I need to be alone.”

“Wan— please kung tungkol to sa kanina pag-usapan naman natin oh!” pagmamakaawa ko pero nakatalikod pa din sya.

“Wala tayong dapat pag-usapan Shen. Narinig ko na lahat ng gusto mong sabihin kanina at ok na yon. Umalis ka na lang dito.”

“Aalis lang ako pag sinabi mo sakin lahat yan habang nakatingin sa mga mata ko, Wan!”

Gulat akong napabalikwas nang biglang umupo si Wan sa kama nya at hinarap ako. Kitang kita ang galit at inis sa mga mata nya pero ang lamlam ng mata nya dahil sa sakit ay di kayang itago nang galit nya ngayon.

KAHIT SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon