KAHIT SANDALI 18

84 5 0
                                    

ZEE'S POV**
-
-
-
-
-
Mabilis akong nakapag park ng kotse nang dumating ako sa school. Halos patalunin ko ang kotse ko sa bilis nang takbo nito.

Hindi ko alam kung anong naiisip ni Caleb at nasa rooftop sya ngayon. Habang papunta dito sa school kanina ay pilit kong iniisip kung meron ba kaming naging problema ni Caleb o kung meron ba syang nai-share na problema para humantong sya sa ganitong desisyon.

halos sumakit lang ang ulo ko sa kaiisip, dahil kahit anong pagbaligtad ko sa utak ko e wala naman akong matandaang problema namin o kahit na anong problema ni Caleb. Nasisiraan na ba nang utak ang lalaking yon?

Pagpasok ko sa malaking gate ng Via ay halos tanawin ko na ang buong quadrangle dahil kahit sa gate pa lang ay rinig na ang hiyawan ng mga tao sa buong quad.

Nakatingala ang lahat sa rooftop. Agad kong hinanap si Shy at di naman kalayuan ay nakita kong nakatayo sila at nakatingala sa rooftop si Shy, samantalang si Wan naman ay parang kalmadong naka sandal lang sa punong sinisilungan nila. Agad akong lumapit sakanila.

“Shyy!” napatingin sakin si Shy.

“Oh my god you’re here ”

“Anong nangyayare bakit nanjan sya? ” tanong ko.

“I should be the one asking you that damn question Zee!” ani Shy.

“Couz believe me wala kaming problema ni Caleb, for God sake!!!”

“Can you two please calm down” ani ni Wan na kalmadong
kalmado. Sya yung tipo nang tao ngayon na nasa tamang posisyon na magsabi na kumalma ang isang tao dahil talagang kalmadong kalmado sya. Ni walang bakas ng pag aalala sa mukha.

“May alam ka ba sa nangyayare Wan? ” tanong ko

“For you two to stop arguing about the suicide thing I will say YES!!!”

Laglag ang panga namin ni Shy na tiningan sya. So walang balak magpakamatay si Caleb e bakit nasa rooftop ang gunggong na yon?

“Then what the hell is he doin' up there babe?”

“Babe I told you to trust me. And Zee just please trust Caleb, he’s not the type of person na nag su-suicide pag may problema”

Medyo kumalma ang aking puso pero nandon pa din ang takot.

“I think you should get his attention, para malaman nya na nandito ka” ani ni Wan.

Yun nga ang ginawa ko. Niyaya ko silang dalawa na pumunta kami sa medyo gitnang parte ng mga tao para makita agad kami ni Caleb kung sakaling tumingin sya samin. Mabilis makikita ni Caleb ang pwesto namin dahil hindi naman ganon kadikit dikit ang mga estudyanteng nag tutumpukan dahil malaki ang quad ng Via at isa pa kasama namin si Wan na syang matangkad kaya hindi mahihirapan si Caleb na makita kami.

"I’ll call him!” aniya ko. sabay kuha ng cellphone sa bulsa ko at ni-dial ang numero ni Caleb na agad naman nyang sinagot.

“Hello baby, Where are you now? ” masayang aniya sa kabilang linya.

“What the fuck are you doing there? do u really wanna kill me in heartattack here? ”

“Hey hey. Sorry for making you worry babe.  I’m fine. just tell me where you are”

“I’m here. Tinitingnan lang kita jan sa taas. Will you please come down here?”

“Yeah baby I will. Just watch this.—” sabay baba nya ng cellphone nya.

Gusto kong magtiwala lang kay Caleb kaya naman nanuod lang ako sa taas at sa buong building para mapanuod ang ginagawa nya. Pero sana talaga e hindi sya tatalon jusko!

KAHIT SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon