Treacherous

15 1 0
                                    

Tulog na tulog ngayon si Louie ngayon sa gilid ko, marahil napagod sa trabaho nya kanina. Alas tres ng madaling araw natapos yung gig nila at ibang banda naman ang pumalit. Halos maghiyawan ang mga tao dahil sa galing nila. Lalo na itong si Louie. Hindi ko akalain may Disk Jockey talent pa pala sya! Napakagaling nya! Ano pa kayang hindi ko alam sa girlfriend ko? Kaya marami din sigurong fans ang banda nila dahil malakas ang panghatak nya.

Ihahatid ko sya ngayon sa bahay nya, kasi wala naman daw si Ash sa condo. Nakakainis pa din isipin may condo sila at magkasama sila dun. Umuuwi lang daw sya dun pag andun si Ash or sabay sila. Eh ang hayop na Ashlee na yun walang inatupag dun sa club kundi lumandi! Asar! Ang himbing ng tulog ni Louie, kaya nang makarating kami ng tapat ng bahay nila hindi ko muna sya ginising. Tinitigan ko muna ang kabuuan nya. Ang girlfriend ko na napaka-careless sa pananamit, naka Black Muscle Tee sya na may Pink print nakalagay ng "Bow Down Bitches" buti naman at hindi Low Armhole ang suot nya ngayon. Naka-Leather Skinny Jeans sya at naka Red Vans. Rocker chick ang talaga datingan nya. Bakit kaya ang amo amo ng mukha nya pag tulog? Tapos pag gising ibang iba talaga aura nya. Hay! Napatingin naman ako sa mga labi nya. That damn kiss! Hindi ko pa din malimutan yung kanina. Gigisingin mo na sya baka hindi pa ako makapagpigil.

"Louie.." Tinapik ko ng mahina ang pisngi nya

"Hmm.."

"Wife, we're here. Gumising ka na jan at baka kung ano pa magawa ko." Banta ko. Agad naman syang dumilat at tumingin ng masama saakin. Inabot nya ang mukha ko at tinakpan ang bibig ko.

"I'm not in the mood for making out Liam." Agad ko namang napansin yung braso nya, bigla kong tinanggal ang kamay nya sa bibig ko at hinatak ng malapit sakin ang braso nya.

XI.XIX.MCMXCII

"What the fuck is this Jourdanna Louise?!!!!" Singhal kong pagalit sakanya. Wala naman ito kanina, saan nanggaling ito?

"Why the fuck are you shouting at me?! Are your you fucking stupid? Can't you see it's a tattoo!!" Sabay hablot nya ng braso at akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan. Nabigla ata sya sa pagbburst out ko.

"Louie, I'm sorry. I just wonder where'd and why'd you get that." Agad naman syang napahinto at sumandal muli sa upuan nya.

"Ash did this. But I requested it." Simpleng sagot nya parang inip na inip na sa conversation na "to.

"Ink is dirty to your skin." Tanging sabi ko, totoo naman ang panget lang ng dating pag ang babae ang may tattoo. Parang ang dumi tignan. At si Ash nanaman?!! Naririndi nako sa pangalan na yan. Bad Influence sya kay Louie.

"Well, too late for that baby. I have many." Sabay tingin nya saakin ng diretso sa mata ko. "You hate me now boyfriend? I'm against your standards."

"No. I don't even love you, but you declared me as your boyfriend. So I care. Masakit ba?" Tinignan ko ulit ang braso nya, nakapwesto ito malapit sa paniklop nya ng braso. Namumula pa ito. Pero parang nabigla sya sa sinabi ko.

"N-nope. It d-didn't hurt at all. You're not supposed to see it either, natanggal la-lang siguro yung benda hindi ko napansin." Sabay pout nya. I make her stutter! Aish! And damn those lips!

"November 29, 1993? What does it signify?" Kunot noo kong tanong. Ang tagal nyang tumahimik, napisip tuloy ako. Birthday nya ba ito? Anniversary ng parents nya? Monthsary nila ni Ashlee? Or ng mga Ex nya? NO. FREAKING. WAY!!

"Raffy's birthday." Pabulong nyang sabi pero narinig ko naman ito. Raffy? Yung minsang nabanggit sakin nung apat. Sino ba yung lalaking yun. Maybe Ash na nga may Raffy pa. Hindi ba makuntento 'tong babaeng ito sa Liam lang?

Treacherous.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon