Andito kami ngayon sa tapat ng bahay ni Louie. Tahimik lang sya marahil siguro ay naiinis pa din sa ginawa ko kanina. Mahirap pala bitinin ang Baby ko. Hihi.
Hindi na nakapunta kanina sila Ash dahil may klase pa daw sila. Hindi daw sila pwede magcutting. Kaya ako na lang nag-asikaso sa pag discharge kay Louie. Madali ko itong naisagawa dahil bayad na din pala ng ate nya ang bill nya.
"Baby were here. Hindi ka pa bababa?" Lumingon naman agad sya sakin.
"Tss. Gentledog." Tuluyan ng bumaba. Hahaha! Not now baby. Not until you win me back. Bumaba na din ako at kinuha ko ang gamit nya sa trunk ng sasakyan. Sumunod naman ako sakanya.
5pm na ng hapon. Tama kayo. Dahil pagkadischarge nya nag-aya sya sa mall. At grabe lang sya magshopping! Kung saan saan sya pumasok! H&M, Forever 21, Top Shop, Cotton On, Aeropostale at marami pa! Hindi sya lumalabas ng wala syang pinabibili! And yes, my treat. Dahil hindi daw nya dala card nya. Mukhang gumaganti lang naman sya sa ginawa ko sakanya kanina!
Sinundan ko na sya papasok ng bahay. Nang makita naman ako ni Yaya Adelia tinulungan naman nya agad ako.
"Ma'am Louie, nagluto po ako ng Nido Soup. Diba gustong gusto mo yun pag may sakit ka? Hindi ka naman umuwi kagabi nak. Kaya naisipan ko na ngayon na lang lutuin." Tumango naman si Louie at umakyat ng hagdan.
"I'll just take a shower and change yaya." Bumaling naman ito saakin. "You. Stay for the night. And take a shower too. Sa guestroom. Yaya will take you there." Tama ba dinig ko? Gusto nya pa akong makasama ng isang gabi? My baby really misses me huh?
"Tara anak! Itong si Louie talaga hindi ka pa sinabay sa taas. Katabi lang naman ng kwarto nya." Sumunod naman ako kay Yaya Adel paakyat. Nang makarating kami ng hallway may ilan ilan akong nakitang mga picture nya na parang pictorial. Titigan ko pa sana ito. Nang magsalita si Yaya.
"Ito ang kwarto ni Louie." Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ni Louie. Galaxy ang design ng pinto nya. Ang ganda! Ano kaya itsura sa loob?
"Ito naman nak ang guestroom. Bumaba ka na lang kung tapos ka na. Maghahanda lang ako ng hapag para pagbaba nyo kakain na lang."
"Osige po yaya. Sabay na din kayo kumaen saamin." Nasanay kasi ako sa bahay. Umiling naman sya.
"Tapos na ako hijo. Okay lang." Ngumiti ito at naglakad pabalik at bumaba ng hagdan.
**
Grabe! Ang sarap talaga magshower! At mga toiletries like Shower Gel, Shampoo, Conditioner at Soap lahat Victoria's Secret. I suddenly misses Misexy. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants na ginamit ko kanina at tinawagan si Mommy. Sumagot naman agad sya at ni-loudspeaker ko muna ito ng makabihis ako ng maayos.
"Hi sexy! I miss you!" Bungad ko kay mommy.
"Damuho ka! Asan ka? Hindi ka nanaman uuwi? Sino ba yang important girl na yan ha? Girlfriend mo ba yan ha?" Tuloy tuloy na sabi ni Mommy. Natatawa ako parang nakakalimutan nya atang 21 years old na ako.
"Nope. She's my ex. And I'm staying at her house. Overnight lang. Uuwi na po ako tomorrow. How's Lianna?" Sinuot ko na ang grey muscle shirt na nabili ko din sa Cotton On and a pair of sweatpants na nabili ko naman sa H&M. Pagkatapos kinuha ko na ang phone at tinigil ang loudspeaker, tinapat ko na lang ito sa tenga ko.
"Bangasan ko na bang yang ex mo anak? Ib-break break ka tapos habul-habulin ka! Aba! Umaabuso ah! Anyway, si bunso ay nagsusungit. Dahil hindi nanaman daw sya sinipot ng tutor nya." Hahaha! I really misses my cool mom! And my sister Lianna. Dad's probably misses us too. Dahil lumipad nanaman sya papuntang U.S. to close another deal with clients. Hands on si Dad sa business nya kaya papunta't paroon sya sa U.S.
BINABASA MO ANG
Treacherous.
RomanceThere this girl who is self-centered bitch, she never wants anyones opinion,she is always right. Until he met a guy who will turn her world upside down.