"Bestie, hindi mo ba talaga iku-kwento kung bakit kayo nagbreak? Dalawang linggo na kitang kinukulit. Sige naman na oh! Bestie!" Kumapit ng mahigpit sa braso ko si Ethan. Nasa loob kami ng sasakyan at inutusan ko na si Joey ang magdrive papuntang school.
"Joey! Ano ba nangyayari dito sa Bestie natin? Baka mamaya magulat na lang ako may asawa na din 'to kaya tatahi-tahimik! Bat ba sila nagbreak ha? Alam mo ba ha?" Inis na inis na tanong ni Ethan kay Joey.
"Hoy! Ethan Nikolai tantanan mo na kasi muna si Liam. At saka hindi ko din alam ba't sila nagbreak. Nagulat na lang ako may girlfriend pala itong isang to." Sagot naman ni Joey kay Ethan.
"Maiba usapan Joey. Kelan ka babalik sa bahay nyo? Aba! Pinandigan mo na talaga pustahan nyo ni Liam ha!"
"I never broke a promise Ethan. Nakasalalay dito ang pag-aaral ni Heaven paglaki nya. Hahahaha! Di ba Ninong Liam?" Nilingon naman nya ako at tinataas baba ang kilay nya habang nakangiting nakakaloko.
"Oo na! Basta wag mo kaming patayin! Tumingin ka sa daan at magdrive Joe Thomas!" Tumahimik na ulit ako. Pero lalo humigpit ang kapit sa braso ko ni Ethan at nilapit ang mukha nya saakin.
"Liam James." Seryosong sabi nya.
"Okay! Okay! Sasabihin ko na!" Nagwagi na sya. At ganito naman talaga sya pag hindi nya nakukuha ang gusto nya. Tinanggal naman nya ang kapit saakin at dumiresto na ng upo.
"Now spill the beans. Joey and I will listen."
Sasabihin ko ba talaga? Baka akalain nila inlove na ako kay Louie. Mas gugustuhin ko pang sabihin kesa walang kamatayan nanaman akong kukulitin neto ni Ethan.
"I.. Uhh.. Nagpunta ako sa condo ni Ash at Louie sa Vista Vera." Naalala ko nanaman. Kinuyom ko ang palad ko, nagtagis ang panga ko. Naiinis nanaman ako.
"So? What now? Get straight to point Liam James!" Tila naiinip sumagap ng tsismis itong si Ethan.
"I.. I found Louie topless on a Queen Size Bed. Smoking. Over looking through a window which you can see the whole city. And then she spoke: I told you Ash to come back to bed. Im not even starting." Ethan gasped at tinakpan ang bibig nya habang si Joey ay umiling iling na lang.
"Then. Ayun. Sabi ko kay Ash break na kami. Ayun. Tapos na. Naisip ko lang ang panget lang kasi pakinggan at tignan na sinasabi nya sa lahat na boyfriend nya ako pero ganun madadatnan ko. Nakakahiya din sa nakakakita na ako ang boyfriend nya pero sa iba sya lagi nakakapit." Paliwanag ko sakanila.
"That bitch! Crush ko pa man din sya! Hmm. I think Liam you should go back to your old self. Tama na yang pagla-lie low mo. Okay naman na si Antonina, gumawa lang naman sya ng paraan para makaganti at ipagkalat sa buong Sanford na nabuntis mo sya. Kahit hindi." Kunot noong sabi ni Ethan na tila nang gigil sa nalaman nya. Ganito sya saamin. Sya kasi ang bunso saming tatlo, pero baliktad. Sya ang protective samin tatlo. Kaya nung nalaman nyang nabuntis ni Joe si Candice binugbog nya ito dahil hindi naman daw sya nagkulang sa pagpapaalala.
"Getting back? For what?" Tanong ko sakanya.
"Nang malaman nya na maling tao ang tinapakan nya. You are Liam James Baltazar Adriano. Soon-to-be the CEO of Bateman-Adriano Group of Companies. Mas malaki ka kesa sa mga Montiedad. Bateman and Montiedad were big enemies when it comes to business." Ngayon ko lang ito nalaman dahil hindi naman ako nakikialam sa business na kung ano meron kami. Oo, alam ko ibibigay sakin ni Dad ang trono nya. Pero alam din nyang hindi pa ako handa.
"You sure Ethan?" Lumingon naman sya saakin at pinakita ang kanya infamous smirk.
"Very, very sure."

BINABASA MO ANG
Treacherous.
RomanceThere this girl who is self-centered bitch, she never wants anyones opinion,she is always right. Until he met a guy who will turn her world upside down.