I'm on my way to Westwood Estate Village. Pupunta ako sa bahay ni Louie para itanong kay Yaya Adelia kung saan ang condo nila ni Ash. Hindi naman ito ganon kalayo kaya narating ko agad ang bahay ni Louie. Nagdoorbell ako at bigla naman may nagsalita sa maliit na speaker sa tabi ng doorbell.
"JLPM's Haven. Sino po sila?" Nabosesan ko naman na si Yaya Adelia yun.
"Yaya, si Liam po. Yung boyfriend ni Louie."
"Ay! Ikaw pala hijo! Pasok ka. Bukas na yang gate." Excited na sagot ni Yaya Adelia.
Agad naman akong pumasok at nasa pintuan naman si Yaya. Hindi na ako mag-aaksaya ng oras gusto ko lang malaman kung asan ang condo nila Louie at Ash. "Good Morning Yaya! Naku Yaya, hindi rin ako magtatagal. Gusto ko lang malaman kung saan ang condo na tinutuluyan ni Louie at Ash. Nag-away kasi kami kagabi eh." Sabay kamot ko ng batok ko. Sana mapaniwala ko sya sa gawang kwento ko.
Mukha namang convince si Yaya dahil sa simpatya na nagpapaliwanag sa mukha nya. "Hijo, pagpasensyahan mo na ang alaga ko ha? Ganoon lang talaga iyon. Hmm, ang condo nila ay sa Vista Vera Heights. Alam mo ba yun Hijo? Sa Penthouse sila doon." Grabe! Vista Vera? Ang mahal ng isang unit doon! Dont get me wrong. Mayaman din naman kami. Pero nasanay lang ako kay Misexy na gumastos kapag kailangan, hindi kapag ginusto lang. Ang tanging luho ko lang ay ang aking pananamit, sasakyan at aso. Yun lang. Bukod pa don wala na.
"Opo yaya! Sa likod lang yun ng Sanford University diba? Doon po kasi ako dating nag-aaral."
"Iyon nga iyon Liam!" Sabay ngiti ni Yaya. "Oh sya puntahan mo na ng magkabati na kayo. Mag -ingat ka sa pagmamaneho."
"Osige po yaya! Maraming salamat po!" Nakalabas na ako ng bahay ni Louie ng biglang nagring ang cellphone ko.
Baby Lianna calling..
"Yes baby?"
"Kuya! Hindi natuloy yung violin practice ko! Nakakainis talaga yung tutor ko! Huhuhu!" Maktol ng kapatid ko sa kabilang linya.
"Lianna, wag mo na iyakan yan. Mukha naman may sapak yang tutor mo eh! And besides you're sixteen! Gumimik ka na lang!" I get my car keys on my pocket tapos binuksan ko ito at sumakay na. Binuhay ko ang makina, tuluyan na akong umalis sa Westwood.
"Duh! Kuya, i'd rather watch cartoons and read a book than go to the club and get wasted. At saka i'm still a baby noh!"
"Good. You're still a baby. Glad you know. I'll bring you a new books to read pag-uwi ko. But for now let's end this call. Nagda-drive pa ako."
"Yehey! Osige. Bye! Ingat! I love you kuya damuho!"
"I love you too baby. Bye."
Nadaanan ko na ang Sanford University. Medyo malaki ito kaya talagang maiikutan mo sya dahil nasa likod lang nito ang Vista Vera Heights. Makikita mula dito ang building na iyon dahil sa sobrang taas nito. 30 storey building ang meron ang Vista Vera. Paano ko nalaman? Because Ethan Nikolai used to live here! Convenient daw kasi malapit sa school. Pero binenta nya din yung condo nya kasi daw gusto nya ng bagong environment. Ganun po sya kagastos!
Narating ko na ang Vista Vera. Agad naman akong bumaba at binigay ang car keys sa Valet parking. Pagpasok ko, wala pa din pinagbago ang lugar.
Si Liam yun di ba?
Oo! Liam James Adriano! Grabe ang gwapo nya talaga! Gusto ko tuloy magpabata para maakit sya. 21 lang sya eh!
Wow! At 21 sobrang masculine na nya!
Ganyan lagi kapag pupuntahan ko noon si Ethan. Kaya sanay na din ako. Dumiresto ako sa Receptionist.
"Good Morning Miss."
"G-good Morning din p-po Sir Liam."
"May I know kung sa West Wing or East Wing ba ng Penthouse nakatira yung asawa ko?" Tulala lang sya habang nagsasalita ako pero nung sinabi kong asawa nanlaki naman ang mata nya.
"Y-you're m-m-married Sir Liam? To Miss Montiedad? But sh-she's living with Sir Ash. Sakanila po ang buong penthouse!!" Ako naman ang nagulat dahil sa pagtaas ng boses nya.
"S-sorry po Sir. Akala ko kasi.. Uhm.. Si-single ka pa." Nauutal na sambit nya.
"It's okay. I'm just kidding that she's my wife. Girlfriend ko pa lang sya. Anyway, thankyou Miss."
Naglakad na akong patungong elevator. Everything in this building is so Elegant. Kaya ayaw kong nagtatagal dito, mas gusto ko yung simple lang. Pagpasok ko ng elevator. Maswerte ako na wala akong kasabay kaya sinara ko agad yun. I press the 30th flr. button. Grabe 20th pa lang nahihilo na ako! At siyam na floor pa bago ako makarating ng Penthouse! Hindi ba nahihilo si Louie? At gusto nya dun sila sa pinakamataas? Tiniis ko na lang dahil ginusto ko ito. Tiis kagwapuhan na lang ang ginawa ko.
Nang tumunog na ang elevator hudyat na narating ko na ang 30th floor agad akong lumabas dito. Kinalma ko ang sarili ko at umupo sa malapit na upuan. Nakakahilo talaga! Para din akong nabingi sa pressure! Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Puro glasses nanaman pero natatakpan ito ng puting kurtina. Tumayo na ako at tinungo ang pinto. Nagdoorbell ako pero walang sumagot. Inulit ulit ko ito pero wala pa din. Nakakainis ha! Baka wala pang tao. Tnry kong kumatok at laking gulat ko ng biglang gumalaw ang seradura ng pinto at niluwa nun si Ash na mukhang bagong gising dahil nakapikit pa ang mata at magulo ang buhok.
"Riv. I've already told you i'll go to your mom's birthday! Of course she's my aunt and mom wil probably kill me if i dont go to that party." Tuloy tuloy nyang sabi habang nagkukusot ng mata.
"Where's Louie?" Yun lang ang tanging sabi ko. Naiinis ako dahil sya ang sumagot. It means dito talaga sya nakatira at natutulog. Mukha naman syang hindi nagulat na ako yun. Inangat lang nya ang mukha nya at nag-smirk.
"On the bed. Still asleep. Napagod kasi kami kagabi eh." Tinulak ko sya paloob at pumasok na ako ng tuluyan. Hindi na ako na-amaze na parang nasa langit na ako dahil pati pala ang kisame ng penthouse nila ay yari sa salamin kita mo ang buong kalangitan! Tumungo agad ako sa isang kwarto na nakabukas at laking gulat ko ng bumungad saakin si Louie ay topless at naninigarilyo sa queen size bed! Napansin ko din ang tattoo sa tagiliran nya, gulo gulo pa ang buhok nito at diretso lang ang tingin nya sa bintana na halos kita ang buong syudad!!
"I told you Ash to come back to bed! I'm not even starting!" Hindi nya ako nililingon kaya siguro hindi nya alam na si Liam ako. Nagsalita naman sa likod ko si Ash.
"How can we start? You're Prince Charming is here." Parang nang-aasar ang tono ni Ash sa pagkakasabi nya non. Napalingon naman agad si Louie at tinakapan ang dibdib nya.
"Li-Liam? H-how'd you get here?" Gulat at tila kinakabahan nyang sambit.
Kung wala pala ako rito ay malamang wala silang istorbo. Mukha naman lagi nila itong ginagawa dahil casual lang sila sa isa't isa. At mas mukha pa silang magboyfriend-girlfriend kesa saamin. Nag-asaya lang ako ng panahon para sorpresahin sya at ayain sya labas. "It doesnt matter. I gotta go." Sabay talikod at lakad palabas ng kwarto.
Di kalayuan ng hablutin ni Ash ang balikat ko, paglingon ko sakanya natatanaw ko naman si Louie sa kwarto na tulala at halos hindi makagalaw. "Let her explain pare. Or just let me explain."
"No need Ash. Siguro mali din naman kasi kung paano naging kami. Kaya hindi ako magtataka na ganito din ang mangyayari. Tell her i'm done. I'm really done." Akmang tatalikod na ulit ako ng magsalita ulit si Ash kaya hinarap ko sya. Hindi ko sya tinitignan, si Louie pa din ang tinitignan ko habang tulala pa din.
"Patience, pare. Yan ang kailangan mo." Buong buo ang boses nya ng sinabi iyon.
"Marami ako no'n Ash. Pero nagpapasensya lang ako sa mga TAONG MAHAL KO." Binigyang diin ako ang pagkakasabi ng huling tatlong salita at napansin ko may tumulong luha sa mata ni Louie nya agad naman nya itong pinunasanan at nagsalita..
"Let him be Lucas Ashley. Let him go. " Parang magic word naman ito saakin kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras para manatili pa doon.
BINABASA MO ANG
Treacherous.
RomanceThere this girl who is self-centered bitch, she never wants anyones opinion,she is always right. Until he met a guy who will turn her world upside down.