Chapter 8

240 15 0
                                    

Savannah's PoV  

"Hurry up, Guys. Magsisimula na tayo. Always wear your smile, okay?" sigaw ni Derek sa mga models. In five minutes ay magsisimula na event. Marami naring media sa labas.

"Goodluck, Guys. You can do it." nakangiting sabi ko sa kanila. "Okay lang na kabahan, basta huwag pahalata, okay? Confident dapat kayo." dugtong ko dito

"Ma'am, punta na daw po kayo sa seat ninyo." Tumango ako kay Megan. Bago ako lumabas ng dressing room ay nginitian ko muna sila at lumapit kay Nicko na hanggang ngayon ay inaayusan pa rin. Hindi ko alam pero sadyang nag init ang ulo ko ng mapansing tinatagalan talaga ng make-up artist ang pag aayos sa kanya.

"Pwede bang pakibilisan mo naman, magsisimula pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos iyan. Mamaya na kasi ang landi." nagulat naman yung make-up artist dahil sa sinabi ko. Agad naman itong napayuko at humingi ng tawad.

"Jealous?" nakangiting tanong sa akin ni Nicko.

I glared at him. "Why would I?" I crossed my arms.

"Sweetheart, ang init naman ng ulo mo. Galit ka pa ba sa akin?" nakangising tanong niya sa akin.

Ang tinutukoy niya ay yung kagabing napagusapan namin. Bago niya ako ihatid sa bahay.

"Hindi ako natutuwa sa mga sinasabi mo kanina sa harap ng Mommy mo, ah." bungad ko sa kanya pagpasok niya sa kotse.

"What? Tama naman yung sinabi ko hindi ba?" na ngising sabi nito sa akin saka binuhay ang engine ng sasakyan.

"Sige nga pano mo naman na sabi na, inakit kita kaya ngayon ay boyfriend na kita? My gosh! Nicko ang kapal ng mukha mo. FYI lang ah, nagpapanggap lang tayo." I said ang crossed my arms.

"Kaya nga nagpapanggap para hindi mahalata diba. Sinabi ko lang iyon para palusot."

"Palusot my ass, ang dami daming pwedeng sabihin. Doon sa part na yon. Ang kapal ng mukha mo. You're not my type kaya." I said. Inakit? Gross. Wala sa dictionary ko ang salitang 'mangakit'

"Sus, sabihin mo nagustuhan mo naman."

"What the f*ck. Baka ang sabihin mo patay na patay ka sa akin kaya ako ang pinipilit mong maging pretend girlfriend mo. So, tell me. May gusto ka ba sa sa akin?" gusto kong matuwa sa itsura niya ngayon.

Gusto ko lang naman siyang asarin kaya mo sinabi iyon.

Saglit na nanlaki ang mga mata niya at napalitan iyon ng ngisi.

"Paano pag sinabi ko sa iyong gusto kita, anong gagawin mo?" nagulat ako ng bigla niyang nilapit ang sarili niya sa akin at muntik na niya akong mahalikan. Napaiwas ako ng tingin.

Gosh! Thank God. My seatbelt.

Pilit kong nilakasan ang loob ko at sinalubong ang mga mata nitong mapupungay.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Mayamaya ay tumawa ito ng malakas at saka lumayo sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nang makahinga ako ng maluwag ay inis na tinignan ko ng masama si Nicko na kulang nalang ngayon at himatayin na sa sobrang tuwa.

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now