Chapter 16

236 14 1
                                    

Savannah's PoV

"What the hell did you say!?" I asked. It's because of me? But why? So all this time ako pala ang dapat sisihin? But...why me?

Dahil ba doon sa ginawa ko sa kanya? Sinabi niya sa akin na ako ang first break up niya. How.. akala ko ay okay lang sa kanya yon at laro laro lang sa kanya ang samahan namin dati, kaya hindi ko rin iyon sineryoso.

Am I a bad person now?

"Because of me?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"I'm just kidding." aniya at tumawa ng malakas.

"What the fuck!" I hissed. Nagbibiro lang pala ang unggoy na ito. Akala ko naman ay totoo na. Wew, kinabahan ako ng kaunti doon. "Bwiset ka!"

"Sorry." sabi niya saka tumawa muli at pinagpatuloy ang kain. Tinginan ko naman siya. Bumalik na kasi ang pagiging seryoso niya.

"Did...Alexandria visit in your unit?" I asked suddenly na ikinatigil naman niya.

"Why? Are you jealous?" he said while smirking.

"Nope. Maybe you should date her." sabi ko na mukhang hindi naman niya nagustuhan.  I saw how he clenched his jaw.

"What? Parang nung isang araw lang ay ayaw mo siyang papuntahin sa unit ko tapos ngayon... fuck! your confusing me, Sav." sagot niya sa akin.

Nagiwas ako ng tingin sa kanya. What wrong with me? Hindi naman ako dati.

Okay fine. I admitted na nagseselos ako tuwing nandyan si Alexandria. Gosh! I like him na ba?

Maybe, Yes? Maybe, No. Argh! This is so frustrating! I should stop this feeling. Aalis siya, iiwan niya lang ako. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. I should stop! Masasaktan lang ako.

At ayoko na ulit masaktan, sa pangalawang pagkakataon. Iiwan na naman ako.

"Ma'am are you okay?" I look at Megan then I gave her a small smile para sabihin okay lang ako. Ilang araw na ang lumipas simula ng magusap kaming dalawa ni Nicko at ilang araw ko narin siyang iniiwan. Kahit doon sa anniversary ng company nila ay hindi ako magpunta. Hindi rin ako nag rereply sa mga messages niya sa akin. Tinatanong niya kung may problema daw ba, ano daw bang nangyari, may nagawa daw ba siya o nasabi.

Lahat nang iyon ay hindi ko sinagot. Ayoko lang na lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya ko siya iniiwasan. Hindi niya pwedeng malaman ang nararamdaman ko para sa kanya. Dahil sa una palang ako na ang talo.

Fuck! I even said that I won't fall for him, pero ito ako ngayon ako ang unang nahulog.

"Ma'am, nandito po si Sir Nicko, gusto daw po niya kayong kausapin." halos malaglag na ako sa sobrang gulat dahil sa sinabi ni Megan sa akin. What! Nicko's here?

Hindi pa man ako nakakasagot ng biglang pumasok si Nicko. Nasagi pa niya ng kaunti si Megan.

Lasing ba siya?

He's totally a messed! Halatang walang tulog, or kahit ligo man lang. Nagmamadaling nilapitan ko siya.

"Hey, anong nangyari sa iyo? Lasing ka ba?" agad na tanong ko sa kanya. Tinignan lang niya ako.

"Now your talking to me, huh? Kailangan ko pa bang magkaganito para kausapin mo ako." parang may hinanakit na sabi nito sa akin. "Tell me, Sav. Ano bang nangyari? Bakit hindi ko kinakausap? May nagawa ba ako? Then, I'm sorry." natahimik ako sa sinabi niya. Gustong gusto kong magsalita at sabihing wala, dahil ako ang problema at itong puso ko dahil nagkagusto ako sa iyo.

"I missed you." nag angat ang tingin ko sa kanya at sinalubong ang mga tingin niya sa akin.

"Lasing ka lang. Umuwi ka na." kahit gusto kong sabihin sa kanya na 'wag dito ka nalang' ay hindi ko magawa. Kailangan kong labanan ang nararamdaman ko sa kanya hangga't maaga pa.

"No, Sav. Dito lang ako. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. May problema ba tayo?" tanong nito ulit.

"Wala. Umuwi ka na." mabilis na sagot ko dito.

"Then why are you so cold?"

"No, ganito naman ako dati, hindi ba?" sagot ko sa kaniya.

"No, your not. Iba ka ngayon, ibang iba. And I can feel it!" muli kong iniwas ang tingin ko sa kanya ng makita ko ang sakit sa mga mata niya.

Why Nicko? Bakit ka ganyan? Wag kang magpakita ng ganyang emosyon dahil nasasaktan ako. Ayokong umasa lalo na sa taong katulad mo.

"Ano bang kailangan kong gawin para bumalik tayo sa dati? Ayoko ng ganito tayo, Sav." gusto kong umiyak pero sinasabi ng utak ko na huwag. Naawa ako sa kanya ngayon. Dapat sa una palang ay hindi ko na tinanggap ulit ang deal na iyon.

"Let's...let's stop this shit!" matapang na sabi ko at hinanap siya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

I'm sorry, Nicko. Ayokong umasa, kaya dapat na itigil na natin ito. Ayokong lumalim pa ang nararamdaman ko para sa iyo.

"What?"

"Let's stop."

"No." hinawakan niya ang balikat ko at pilit na iniharap sa kanya. "Ano bang nangyayari, Sav? Hindi ko maintindihan!"

Hindi mo talaga maiintindihan!

"Ano ba sa ayoko na ang hindi mo maintindihan, huh!" galit na sigaw ko sa kanya na ikinabigla niya. Nabigla rin naman ako sa sinabi ko. Gusto kong bawiin iyon pero, I can't.

Ilang minuto na naging tahimik kami at hindi nagsasalita.

"Iyan ba talaga ang gusto mo?" marahan akong tumango sa sinabi niya at pinigilang maiyak sa harapan niya. "Okay." malamig na sagot niya sa akin at saka ako tinalikuran.

"Wait." pigil ko sa kanya. Kaya mo yan, Sav. Sabihin ko na. Para rin sa kanya iyon

"You should date, Alexandria. Bagay kayo." pagkatapos kong sabihin iyon ay lumabas na siya. Tila nanghina ang tuhod ko napaupo ako sa sahig saka ibinuhos ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigalan habang nasa harap niya.

Ang sakit

Sobra.

Pero kailangan ko itong tiisin dahil ginusto ko ito. Kaya panindigan ko.

Lumipas ang ilang araw nang walang Nicko ang nagpaparamdam sa akin. Walang messages na natatanggap tuwing umuga at sasabihin. 'I need your help'  I smiled bitterly, ngayong umalis ay saka ko hinahanap hanap.

Haist! Ganon talaga yata ang mga tao. Kapag may umalis ay saka nila hahanaphanapin.

I heavy sighed bago pumasok sa isang fancy restaurant, may appointment ako kay Mr. Tan ngayong araw. Kasama ko si Megan na may dalang ipad.

"Ma'am, sigurado po bang okay lang kayo?" ulit na tanong nito sa akin. Simula nung nagkausap kami ni Nicko ay paulit ulit nalang niyang tinatanong sa akin iyan.

I smiled. "Yes, kaya wag ka ng mag alala." sagot ko bago pumasok sa loob.

Naabutan naman namin si Mr. Tan, kasama rin ang secretary niya at ilang bodyguard. Mr. Tan siya yung may ari ng isa sa mga sikat na clothing brand sa bansa. Im glad na pumayag ito sa amin para sa business deal.

"Goodmorning, Mr. Tan. I'm, Savannah Stone, designer from M&M Clothing." pagpapakilala ko dito. Tumayo naman ito at kinamayan ako.

Ilang discussion lang ang pinagusapan namin tungkol sa bussines. Pagkatapos nun ay tapos na. Mabait naman si Mr. Tan, at naging maganda ang usapan naming dalawa at nag kaintindihan.

"Ma'am si Sir Nicko po ba iyon? Sino po iyong kasama niya?" parang gusto kong sabunutan si Megan sa sinabi niya. Nangiinis ba talaga siya. Pero kahit ganon ay pinilit ko paring tignan.

Then I saw them entering. Nicko smiling dahil sa sinasabi ni Alexandria sa kanya. Sinunod nga niya ang sinabi ko. Ang ganda nilang tignan. I bitterly smiled nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Iniwas ang tingin sa kanila sa pinunasan ang luha ko. Nakita ko naman ang pagaalala sa mukha ni Megan dahil nakita niya akong umiiyak.

Ngumiti lang ako sa kanya. "Cancel all my appointment, Bar tayo." aya ko. Gusto kong magpakalasing para kailutan ang nakita ko. Gusto kong magpakalasing para makalimot kahit saglit. Gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya.

Fuck! I really like him. I really do.

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now