Chapter 22

236 14 0
                                    

Savannah's PoV

"Hey, what wrong?" agad na napahinto ako sa paglalakad ko ng makita ko si Nicko na papasok dito sa coffee shop. What is he doing here? Akala ko ba ang magpapahinga siya? Agad ko siyang nilapitan.

"What are you doing here? I thought you would rest?" kunot noong tanong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin dahil napatingin siya sa pisngi ko. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya.

"Blush on." mabilis na tanggi na lalong nakapagtaka sa kanya.

"Blush on? Bakit hindi pantay?" sarkastikong tanong niya sa akin. "Don't fool me, Sav. Sinong nanakit sayo." lalo akong napaiwas ng tingin sa kanya nang maramdaman ko ang galit sa boses niya.

"Look at me, Savannah. Sinong. Nanakit. Sayo" may diing sabi nito sa akin. He cupped my face para makatingin ako sa kanya.

"Si...Si Kelly." nahihirapang sabi ko sa kanya. Napansin ko naman ang pag kunot ng noo niya dahil sa sinabi ko, marahil ay hindi niya na naaalala si Kelly. "Yung model na naka partner mo sa fashion show last month."

"I don't care who the f*ck is she. Why the hell did she f*cking slap you!" nangigigil na sabi nito sa akin.

"Calm down, okay. Ginatihan ko naman siya." mahinang sabi ko sa kanya habang nilalaro ang kamay ko.

"Calm down! How can I calm down? F*ck! Kung hindi lang siya babae baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya. F*ck!"

Hindi ako makapagsalita at patuloy na nilalaro ang kamay ko. Napansin niya ang ginagawa ko kaya nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko. I saw how he clenched his jaw ng makita niyang namumula ang palad ko na agad kong itinago sa likod ko.

Parang akong batang napapagalitan ng tatay niya.

"F*cking hell!" he cursed saka ako niyakap ng mahigpit. "Baka makapatay ako kung malala ang nangyari sayo, Savannah. Makakapatay ako." he sighed bago ako pinakawalan sa yakap niya.

"Ano pang ginawa niya sa iyo?" finally, huminahon narin siya. I just nodded para sabihin wala na at niyakap ulit siya.

I want to hug him right now, because I feel safe with him. 

3 days.

I know na aalis na siya.

"Malapit ka nang umalis." mahinang sambit ko sa kanya at napangiti ng mapait.

"Yeah," iniisip ko palang na aalis na siya ay parang hindi ko na kaya. Alam ko namang napagusapan na namin ito. At wala na akong magagawa kundi ang tanggapin iyon.

"Hindi mo naman ako ipagpapalit diba?" kumalas ako sa yakap para tignan siya. He gently brushed my hair.

"Mahal kita."

***

"Hey, napapadalas na ata ang pagsakit ng ulo mo. Let's go to the hospital na kaya?" maaga akong nagpunta dito sa condo niya para dalhan siya ng breakfast dahil alam kong hindi na naman siya kakain ng umagahan. At pagkadating ko doon ay naabutan ko siyang nakahawak na naman sa ulo niya.

"I'm fine. Madami lang ginawa sa office." lumapit siya sa akin at niyakap ako at binaon ang mukha niya sa leeg ko. "Lalagnatin lang siguro ako." dagdag nito.

"Take your medicine."

"I'll already did."

"Are you sure na ayaw mong pumuntang hospital? Pupunta ako doon, sasamahan ko si Yuri magpa-check up. Wala kasi si Draze at hindi niya masasamahan si Yuri."

"Huwag na. Lagnat lang to. Saka may pupuntahan pa kami ng Black Knights mamaya." sagot nito saka naupo sa counter top.

"May sakit ka na tapos aalis ka pa?" naiinis na sabi ko sa kanya. Kakasabi niya lang na lalagnatin siya tapos aalis siya?

"Mawawala din naman ito mamaya." nakangusong sabi nito sa akin.

"Wag mo akong daanin sa pagpapa-cute mong 'yan, Nicko. Hindi ako natutuwa sayo." sabi ko sa kanya at tumalikod na para pumuntang sala. Naramdaman ko naman na sinundan niya ako.

"Saglit lang naman ako doon. Promise, hindi ako iinom." parang bata sabi nito at itinaas pa ang kanyang kanang kamay.

"No," mabilis na tanggi ko dito at umupo sa sofa, kinuha ko ang remote saka binuhay ang tv.

"Sige na Sav, hindi naman ako iinom don." sabi nito saka umupo sa tabi ko. Hindi ko parin siya pinapansin nakatutok lang ako sa tv.

Ang aga aga kong pumunta dito tapos aalis din pala siya. Humarap ako sa kanya saka ko inilay ko ang likod ng kamay ko sa noo niya para tignan kung may lagnat nga siya.

Mainit.

"May lagnat ka. Huwag ka nang umalis." tumayo ako at hinanap ang thermometer niya.

"Here, lagay mo sa armpit mo." sabi ko na agad naman niyang kinuha. Ilang saglit lang ay binigay niya ito sa akin hindi niya iyon tinignan, maski ako ay hindi tinitignan.

"37.5 degree celsius." I said saka binaba ang hawak na thermometer at tumingin sa kanya. "Dito ka nalang." mahinahong sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya. Umusog naman siya ng kaunti na para bang may nakakahawa akong sakit.

I sighed.

"Nicko." tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin, tinawag ko ulit siya pero di niya ako pinansin.

I sighed, before I get up and grab my phone in my bag. I need to inform Megan na hindi muna ako papasok ngayon. Pagkatapos kong tawagan si Megan ay si Yuri naman.

"Hey, bukas nalang kita samahan sa check-up mo, pwede ba?" bungad ko sa kanya.

"Why? May nangyari ba?"

"Yeah, may sakit kasi si Nicko ngayon." I said while brushing my hair.

"Yeah, sure. Alagan mo muna ang bebe loves mo. See you tomorrow. Bye labyu , Sav."

Natawa nalang ako ng binaba agad nito ang tawag. Mag kaka-anak na siya't lahat napaka jolly niya parin. Pagkatapos ng tawag ay bumalik na agad ako sa sala at naabutan ko si Nicko na may kausap sa phone.

"Wala, hindi muna ako makakasama.... May sakit ako.....Gago! Bahala ka." inis na sabi nito saka pinatay ang tawag. Baka si Piolo o si Lorenze ang tumawag sa kanya.

"Inom mo muna 'to." inabot ko sa kanya ang gamot, tinignan muna niya ako bago kinuha ang hawak kong gamot at tubig.

"Kapag gumaling kana saka ka nalang sumama kila Piolo. Hindi kita pipigilan." mahinahong sabi ko sa kanya. "Pumunta ka na sa kwarto mo at doon mag pahinga. Mabibinat ka kapag nanood ka pa ng tv." kinuha ko ang remote saka iyon pinatay.

"Akala ko ba sasamahan mo si Yuri ngayon? Bakit nandito ka pa?" agad akong napatigil sa paglalakad ko papuntang kusina dahil sa sinabi.

What? Don't tell me ayaw niyang nandito ako?

"I told her na bukas nalang kami pumunta." sagot ko sa kanya.

"Why?"

"Hello, may sakit ka kaya. Sinong mag babantay sayo rito? Wait, ayaw mo bang nandito ako? Sabihin mo lang at tatawagan ko si Alexandria para siya ang mag bantay sayo. Gusto mo yon diba?"nakaramdam ako ng inis ngayon. Para kasing ayaw niyang nandito ako eh.

"No, hindi naman sa ganon. Baka kasi nakakaistorbo na ako ngayon. May pasok ka pa diba?"

"Hindi ka istorbo sa akin, and will never be." mabilis na sagot ko.

Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko saka ako hinarap sa kanya at marahang hinalikan sa labi

I was about to turn his back when he held my wrist and then he kissed me. Nung una ay nabigla ako pero ng kinalaunan ay sinagot ko ang mga halik niya.

"I'm sorry, wag ka nang magalit. Susunod na ako. And please, stop mentioning Alexandria's name. You know that you're the one I loved. So, please trust me. Iyon lang ang kailangan ko."

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now