Chapter 28

257 13 0
                                    

Savannah's PoV

"Tita Nana! You have a video call with someone!" tumatakbong hawak niya ang phone ko. It's Sunday, at napagkasunduan naming lahat na sa araw ng linggo ay walang papasok sa trabaho. Iyon kasi ang gusto ni Mommy simula ng magising siya. Wala na daw kaming time para makapag bonding.

Ibinigay ni Tantan sa akin ang phone ko nang makalapit siya sa akin. "Hi," I greeted and smiled. It's Lance. "Napatawag ka?" I asked.

"Nothing, I just want to see you." he answered, aware naman ako na he likes me. Nag confess siya sa akin years ago, but I rejected it. At tanggap niya iyon, kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya simula palang.

"Tita, sino 'yan?" Tantan asked while playing his favorite car that I brought yesterday. He said na yon na daw ang favorite car niya dahil ako daw ang nagbigay non. How sweet.

"Your Tito Lance. Come here greet him." nang marinig niya ang pangalang 'Tito Lance' ay nagmamadali siyang tumakbo papalapit sa akin. He really likes Lance.

"Tito Lance! Hello po." he said and then waved his hand.

"I'm okay, nakita mo ba yung car na pinili ko para sayo?" tanong ni Lance sa kabilang linya. He's smiling.

"Yes, Tito. Tita Nana said ikaw daw ang pumili nito. Thank you, Tito Lance." he answered at itinaas ang hawak niyang laruan para ipakita ito sa kanya pagkaraan ay saka siya bumalik sa paglalaro niya.

"My niece really like you." I said and then I heard him laughed.

"Yeah, I hope yung Tita din niya ay magustuhan ako." he said seriously. I looked at him para sabihing alam na niya ang sagot ko sa sinabi niya. I sadly look at him. "Forget it, I'm just kidding." the he laughed, actually it's fake. I know and I can feel it.

I want to say sorry to him, pero tila imurong ang dila ako. Gusto ko siyang matutunang mahalin kaulad ng ipinararamdam niya sa akin. Per hindi ko magawa. I tried, sinubukan kong buksan ulit ang puso ko. Pero wala eh, napagod na ata. I ended the video call may photoshoot pa pala siya.

"Tita Nana, can we go to the mall? Please~" pangungulit sa akin ni Tantan. Kanina pa niya gustong magpuntang mall, hindi naman pwede sila Kuya dahil may check up si Maureen sa OB niya. "Tita Nana...."

I sighed, Hindi ko talaga matatanggihan itong pamangkin ko. "Okay, change your cloths na huh," I tapped his head. "Pupunta muna tayo saglit kila Tita Yuri mo, bibisitahin natin yung baby nila." I said.

"Yes, Tita Nana." he said. Tinawag ko naman si Nanay Matilda para bihisan si Tantan.

I want to surprise Yuri, ilang weeks narin kasi kaming hindi nagkikita, dahil busy ako at busy rin siya sa pagalaga sa baby nila. She's Halsey Pearl Alford, 2 years old na siya. Ayaw naman niyang kumuha ng yaya, dahil sabi niya gusto daw niyang siya ang magaalalaga. Baka daw kasi lumayo ang loob ng anak niya sa kanya kapag naging malapit na ito sa Yaya niya. Aw~ hanggang ngayon ay selosa parin itong si Yuri.

Pagkatapos bihisan si Tantan ay agad na umalis na kami. Pinagpaalam ko pa siya kay Kuya dahil baka mamaya ay hanapin nila. Kinuha ko yung backpack na dala ni Tantan. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong tawagan ang magulang nitong batang ko, ang daming habilin sa akin bago kami umalis. Duh! Hindi ko naman papabayaan ang pamangkin ko, super love ko kaya si Tantan. Towel, cologne and sando lang naman ang laman nun, pampalit daw. Bala daw kasi mamaya ay maglaro sa arcade so Tantan at matuyuan ng pawis.

"Tita Nana, I'm going to see Baby Pearl na?" Tanong sa akin ni Tantan habang nag da-drive ako.

"Yes, doon muna tayo pupunta bago tayo pumuntang mall, okay lang ba?" I asked.

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now