Chapter 34

289 14 0
                                    

Savannah's  PoV

"Yah! Hindi yan pwede ibalik mo yan. Kung ano ano ang pinagkukukuha mo." saway ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa grocery, namimili nang lulutuin namin mamaya sa condo niya.

"Bakit hindi pwede? Healty naman ito." parang batang tanong niya sa akin.

"Alam kong healty yan, pero hindi naman pwedeng isahog iyan." turo ko soon sa upo na kinuha niya. Nakasimangot na binalik niya iyon.

"Kayo talaga mga babae ang aarte." reklamo niya habang hinahatak ang cart namin.

"Kayo kasing mga lalaki, kung ano ang makita ninyo na bago sa paningin ninyo ay kinukuha niyo na kahit hindi naman kailangan." sabi ko habang kumukuha nang bell paper at carrots.

"Oo na, wag ka nang magalit." sabi niya, humarap ako sa kanya at nakita ko namang nakanguso siya.

"Hindi ako galit."sabi ko sa sa kanya. "Tara na sa baking section. Nagtatampo pa ang baby ko." nakangiting tinulak ko siya.

Gusto niyang magluto kami nang menudo at mag bake kaya naman ngayon ay kailangan namin mamimili. Hanggang nagyon talaga ay napakakulit parin nitong lalaking ito.

Nakangiting pinagmasdan ko siya habang nakakunot ang noo niya. Pinagmamasdan kasi niya mga lipstick ang sabi ko pupunta kami sa baking section. Naiiling na lumapit ako sa kanya.

"Ang dami naman niyan, eh halos pareparehas lang naman ang mga iyan." tukoy niya doon sa mga lipstick.

"Syempre, kaming mga babae ayaw namin nang may kapareha." komento ko sa kanya.

"Tara na don."

****

"Ilalagay ko na ba itong harina?" tanong niya sa akin.

"Sige ilagay mo na." sabi ko habang hinahalo ang menudong ginagawa namin. "Kalahati lang, ah." paalala ko pa sa kanya habang tumitingin sa receipt book at sinusundan kung paano gawin ang menudo.

Tinikman ko ito. Bakit parang ang tamis ata?

"Nicko.." Tawag ko sa kanya lumingon naman siya sa akin. "Tikman mo nga ito." agad naman siyang lumapit sa akin. Hinipan ko muna iyon bago isubo sa kanya.

"Ah."

"Anong lasa?" tanong ko sa kanya.

"Bakit parang hindi lasang menudo? Saka ganyan ba talaga iyan? Parang sinigang?" sunod sunod na tanong niya sa akin. Napairap nalang ako bago ibalik yung kutsara sa sink.

"Hindi ko alam. Sinunod ko naman yung instruction sa book." sagot ko sa kanya habang siya ay tinikman ulit iyon.

"Hindi ata menudo iyan." natatawang sabi nito sa akin.

"Sinabi ko naman sa iyo na wag nalang iyan ang lutuin natin." nakangusong sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Tulungan mo nalang akong mag bake. Tignan mo itong ginawa ko. Hindi ata icing ito. Kanina pa ako nag mixer dyan." reklamo niya.

"Nilagyan mo na ba iyan ng asukal?" tanong ko sa kanya.

"Oo nilagyan ko na." lumapit ako doon at sinubukang i-mixer ulit pero bula lang ang nangyayari.

Bakit ganon?

Nilapitan ko yung asukal at tinikman iyon.

Maalat.

Sabi na nga ba at nagkapalit kami.

"Asin itong nilagay mo paano magiging icing yan?"

"Huh? Asukal iyong nilagay ko, ah." kunot noong sabi nito sa akin.

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now