Chapter 33

250 14 0
                                    

Savannah's PoV

"Hindi ba masyadong madami iyang dala ninyo? Parang dito na ako titira, eh." reklamo niya nang makita niya kung gaano kadami ang dala nang Black Knights ngayon. Napailing nalang din ako.

"Pre, alam mo yun para ready." nakangising sagot ni Piolo.

"Sino kaya yung umiiyak nung nalamang may sakit si Nicko." natawa ako sa pagpaparinig ni Lorenze sa kanya. Yeah, halos masira na nga niya yung pader doon sa labas.

"Anong umiiyak? Hindi ako umiyak non. Napuwing ako, okay." depensa nito.

"Sus, alam ko namang mahal na mahal ninyo ako." sagot ni Nicko. Lumayo ako nang kaunti sa kanila para pagmasdan sila. Hanggang sa nag asaran nasilang lahat. Ang saya saya niya kapag kasama niya ang Black Knights.

"Pero alam mo ba, merong isa dyan na inakala na ikakasal ka na." agad na sinamaan ko nang tingin si Piolo dahil sa sinabi niya. "Muntik pa nga akong masampal." nag iwas ako nang tingin nang makita kong tumingin sa akin si Nicko na ngayon ay nakangiti sa akin.

Parang ewan.

"May pagka bitter din yan." agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Kuya. Aba! Parang kailan lang ay galit na galit siya kay Nicko.

"Hindi, ah." depensa ko agad.

"Sinunod namin yung utos mo, ah. Kaya lang ay hindi namin mapigilan yung...ano nga pala ulit pangalan non?" tanong ni Piolo kay Razam.

"Lance."

"Iyon nga. Masyadong matigas ang isang yon." Pagpapatuloy ni Piolo, dahil sa ginagawa niya ay lalo lang niyang pinapalaki ang kasalan niya sa akin. Argh! Konti nalang ay masasapak ko na talaga siya.

"Pwede bang lumabas muna kayong lahat?!" inis na sabi ko sa kanilang lahat.

"Okay, mukhang kailangan nilang dalawa nang quality time para sa naudlot nilang pagmamahalan." Piolo said. Akmang lalapitan ko na sana siya nang bigla nalang siyang nagmamadaling lumabas.

"Duwag."

"Take some rest, bro." Draze, Kuya Stephen, Kuya Ethan, Lorenze and Razam said.

Wala dito yung mga asawa nila dahil busy ang mga iyon. Baka daw sa susunod na araw nalang daw sila bumisita.

"So..." basag ni Nicko sa katahimikan. Umupo ako sa tabi niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito?" I asked. Nag iwas siya nang tingin sa akin.

"Dahil ayokong mag alala ka."

"Sa tingin mo ba hindi ako nag aalala ngayon?! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinag alala." yumuko ako para itago ang muka ko sa kanya.

"Umiiyak ka na naman." hinarap niya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko.

"Ikaw kasi..."

"Shhh....I'm okay now."

"Pano kung isang araw ay hindi ka nalang magising? Sumakit na naman iyang ulo na sinabi mong hindi ko dapat alalahanin? Matagal mo nang nararamdan iyan pero bakit hindi mo sinabi sa kin?" para akong batang hindi binigyan ng candy ngayon.

Hindi siya sumagot dahil niyakap niya lang ako.

"I'm sorry...hindi ko dapat ginawa iyon sa iyo." sabi nito habang nakayakap sa akin. Hikbi lang ako nang hikbi sa dibdib niya.

"Bakit ayaw mong magpagamot?" tanong ko sa kanya at tinignan siya. Umiwas naman siya nang tingin sa akin. "Look at me, Nicko." hinawakan ko ang mukha niya at iniharap ito sa akin. "Bakit ayaw mong magpa opera?" I asked again.

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now