Chapter 32

238 14 2
                                    

Savannah's PoV

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay lumabas ang doctor sa ER ngayon. Si Alexandria naman ay kanina pa pabalik balik. Ang Black Knights ay nandito narin.

He...he had a Brain Tumor, bago pa siya umalis. Kaya pala sumasakit na ang ulo niya non. Bakit hindi ko naisip yon?! Ilang beses ko na siyang nakitang sumasakit ang ulo niya, pero wala akong ginawa. Kasalan ko to....

"Fuck! Bakit hindi niya sinabi sa atin 'to?!" Piolo said habang nakasandal sa pader. I know na nasasaktan siya ngayon. Siya ang pinakamalapit kay Nicko.

Napayuko ako at pinagmasdan ang nanginginig kong kamay. Kaya siya huminto sa pag aaral sa

"Shh....Sav, Everything will be okay." pagpapakalma sa akin ni Kuya.

"I hope so, Kuya..." umiiyak na sabi ko dito pagkatapos ay niyakap siya. "Nung mga panahon na magkasama pa kami, kaya pala sumasakit yung ulo niya nun....Kasalan ko 'to. Dapat noon pa lang ay may ginawa na ako...." hagulgol ko kay Kuya habang nakayakap.

Hindi ko kakayanin kapag nawala siya, hindi ko kaya.

Iyon ba ang ibig sabihin niya kanina? Na huminto siya sa pag aaral ay dahil may sakit siya?

"WHERE'S MY SON!" kumalas ako sa yakap ni Kuya nang makita kong paparating si Tita Emily. Tinignan niya lang ako at agad niyang nilapitan si Alexandria.

"What happened to my son? Anong sabi nang doctor?" tanong nito agad. Kami ay tahimik lang at nag aabang nang isasagot ni Alexandria.

"I don't know Tita, naabutan ko nalang po kasi siyang sumasakit na naman ang ulo sa office ni Savannah." napayuko ako.

"Alam mo bang bawal ma stress ang anak ko?!" ramdam ko ngayon ang galit sa akin ni Tita.

"I-Im s-sorry, Tita. I didn't know." mahinang sabi ko sa kanya. "Nag usap lang po kami kanina, then bigla nalang sumakit yung ulo niya. Tita, I'm so sorry." pag hingi ko ulit nang tawad sa kanya. I feel like, it's all my fault. Tinakpan ko ang mukha ko habang umiiyak sa harapan ni Tita. I don't know what to do... Naramdaman ko ang pag yakap ulit sa akin ni Kuya.

Si Tita na ang kuma usap sa doctor nang lumabas ito, kami naman ay nakatingin lang sa labas nang kwarto kung saan nandon si Nicko. Nahihirapan akong tinignan siya nang ganyan kaya minabuti ko nalang muna na maupo sa isang bench.

"Can we talk, Savannah?" tumango lang ako at umusog nang kaunti para makatabi sa akin si Alexandria.

Ilang minutong katahimikan, bago siya nag salita. "I'm so sorry for everything I did to you...." napatingin ako sa kanya, pero hindi siya nakatingin sa akin. I know she's sincere. "Bata pa lang kami ay minahal ko na siya...." tukoy niya kay Nicko, ako naman ay nakikinig lang sa kanya. " Sobrang saya ko nang malaman kong siya ang kasama ko papuntang US. Ginawa ko ang lahat para magustuhan niya ako. Habang nasa US kami pakiramdam ko ibang Nicko na ang kasama ko. Nagalit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa inyong dalawa..." tumigil siya at tumingin sa akin.

"Wala siyang bukang-bibig kundi ikaw, Sav. Minsan nga ay naiisip ko na 'Sana ako nalang si Savannah' para mahalin niya ako nang ganon."

"Hindi mo kailangang hilingin ang bagay na yon para mahalin ka lang nang taong mahal mo...." hinawakan ko ang kamay niya. "Huwag mong bulagin ang sarili mo, Alex...may taong naghihintay sayo at nag mamahal sa iyo. May taong para sa iyo." ngumiti ako pag katapos kong sabihin sa iyon. Pinunasan niya ang luha niya.

"Totoo nga ang sinabi niya sa akin. Na kahit ganyan ka ay mabait ka." Napangiti ako sa sinabi niya.

Nicko...

Kahit papaano ay nabawasan ang kirot sa puso ko ngayon, dahil nagka ayos na kami ni Alexandria ngayon. Kung dati ay kumukulo ang dugo ko pag nakikita siya, ngayon ay nabawasan na.

"Mommy!" napalingon ako. "Mommy, kamusta na si Dada?" agad na tanong nito kay Alexandria.

"Anak nyo?" I asked.

"Alam ko yang nasa isip mo, Sav." mataray na sabi nito sa akin. "Hindi siya ang ama nito. Walang nangyari sa amin non." tumayo ito at hinawakan ang anak niyang ngayon ay nakatingin sa akin.

"Mommy! Diba siya yung kinukwento ni Dada na love na love niya?" nagulat ako sa sinabi nung bata. Lumuhod ako at pinantayan siya.

"Really? Love na love talaga ako nung Dada mo." natawa ako sa sinabi ko.

"Yes po. Umiiyak pa nga po siya minsan e." malungkot na sabi nung bata sa akin. "Love nyo po ba siya?" tanong ulit sa akin nung bata.

I smiled. "Sobra."

"Let's go na. Iniintay na tayo ng Daddy mo." diniinan pa talaga ni Alexandria yung word na 'daddy'. "Anyways. Kaya mo ko tinanggihan kasi akala mo si Nicko yung groom?" tanong nito sa akin napaiwas ako nang tingin. Eh paano totoo naman kasi. "Hay, Nako Savannah." naiiling na sabi sa akin nito bago sila umalis nung anak niya.

Aish! Eh malay ko ba kasi. Si Piolo naman ay hindi naman sinabi sa akin.

I sighed. Bago pumunta doon sa kwarto ni Nicko. Pag dating ko doon ay wala nang tayo, siguro ay nasa kumakain sila ngayon. Huminto ako sa salamin at tinanaw si Nicko ngayon. Bawal pang pumasok sa loob.

Mahal na mahal mo talaga ako. Ang sarap mong sapakin dahil doon. Nagawa mo pa akong ikwento sa bata. Pinag selosan ko pa naman iyon dahil sa iyo. Akala ko kasi ay nagkaroon kayo nang anak ni Alexandria. Kung pinakinggan sana kita ngayon ay nasa maayos pa ang relasyon natin.

"I love you. Sana ay maging maayos kana." I said.

"Iha," napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Tita Emily. Nagulat ako nang ngumiti ito sa akin, akala ko kasi ay galit ito.

"Tita. I'm sorry."

"No, it's okay. Hindi mo kasalan. Pasensya na kanina." nakangiting sabi nito sa akin pagkaraan ay tumingin kay Nicko.

"Ang tigas ng ulo nang lalaking iyan." panimula nito. "Sinabi ko na sa kanya na magpagamot na siya habang maaga pa." hindi ko maiwasang hindi maawa kay Tita ngayon. Lumuluhang pinagmamasdan niya ang anak niya ngayon. "Stage 2 na daw ang Brain Tumor niya...." napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ni Tita. Stage 2? Paano nangyari yon? Bakit lumala?

"Hindi ko akalain na siya ang magmamana....sana wala nalang nakakuha sa amin...sana sa akin nalang..." pinahid ko ang luha ko. Nasa lahi nga pala nila ang sakit na iyon. Hindi ko akalaing makukuha iyon ni Nicko.

"Nicko is a strong man. Naniniwala akong malalapasan niya iyan, Tita." pagpapagaan ko sa loob niya.

"Can you do me a favor, iha?"

"Ano po yun?"

"Can you convince him? Please, sabihin mo magpa opera na siya. Ikaw, ikaw lang ang iniintay niyang mag sabi niyan." hinawakan ni Tita ang kamay ko. "Mahal na mahal ka ng anak ko...." tumingala ako para pigilan ang pagbagsak nang luha ko. "Ilang beses ko na siyang pinilit noon..."

"Can you do that, iha?"

"Yes po. Para po kay Nicko." ngumiti ako pagkatapos tinignan si Nicko. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong gumalaw siya.

"Tita, gising na po siya."

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now