Chapter 23

218 15 0
                                    

Savannah's PoV

"Ano okay na ba ang bebe loves mo?" natatawang tanong sa akin ni Yuri pagkapasok ko ng mansion nila. Wala dito si Draze dahil nasa Singapore siya ngayon para sa business meeting niya. Kaya si Yuri ay sa akin nag papasama para sa check up niya.

"Yes. Galing na siya. Sinabi ko sa kanya na wag munang pumasok dahil baka mabinat siya. Pero wala, eh. Wala tayong magagawa para sa taong makulit." kibit balikat na sabi ko sa kanya na ikinatuwa niya. Alam niya rin kasing makulit siya at hindi siya matanggihan ni Draze.

"Mamayang 10am daw tayo pumunta sabi ni Ate Athena."

"Okay. Wala naman akong masyadong ginagawa sa office ko." sagot ko sa kanya.

Anyways si Ate Athena ay isang doctor. At doon kami sa ospital na pinagtatrabahuhan niya mag papacheck-up. May kilala daw siyang magaling doon. At gusto niyang kasama din siya.

"So, kamusta ang pagiging buntis?" tanong ko sa kanya.

"Mahirap, lalo na pag morning sickness. Why? Gusto mo na bang magka-baby?" nakangiting sabi nito sa akin. Halatang nangaasar.

"No!" mabilis na tanggi ko. "I don't have plans to have a baby yet." I honesty said.

"Okay. Ikaw ang Ninang nito, ah."

"Of course, kahit hindi mo na sabihin ako parin ang Ninang niyan." tumawa ako. "So, anong gusto niyong maging gender niyan?"

"Weeks palang naman 'to, pero gustong maging babae. Gusto ko kasing masubukang i-braid ang buhok ng magiging baby ko." Yuri, really loves to braid a hair. Just like before.

"What about Draze?"

"Hmm....sabi niya okay lang kahit ano. Basta daw ang mahala ay magkakababy na kami." sabi nito saka humawak sa tiyan nitong wala pangasyadong bukol dahil weeks pa nga lang iyon.

"How sweet naman ni Daddy Draze." pangaasar ko sa kanya.

"May Nicko kana, nuh." I laughed.

"Yeah, I have Nicko naman na." hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng maalala ko kung gaano ko kaayaw sa kanya noon.

Tadhana nga naman.

Napahinto lang ako ng makatanggap ako ng message galing kay Nicko.

From: Nicko

Sweetheart? Are you in the hospital right now?

I smiled and immediately texted him back.

To: Nicko

Nope. Mamaya pang 10am.

Don't forget to drinks your meds

Paalala ko sa kanya dahil baka kalimutan na naman niya iyon. Baka lagnatin siya ulit. Mahirap na.

From: Nicko

Yes, Baby. See you later. I love you.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tawag niya sa akin. Paibaiba parin minsan ay tinanong ko siya kung bakit napakarami niyang tawag sa akin ang sagot niya ay.

Okay lang yun. As long as iisa lang ang taong iyon. Iyon ay kundi ikaw lang.

Sino ba naman ang hindi kikiligin doon diba?

"Aw, Mag reply ka na nga. Nahiya pa tong mag 'labyutoo babe' eh." agad kong iniwas sa kanya ang phone ko. Ang chismosa ng bestfriend ko.

"Shut up."

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now