Chapter 7

240 17 0
                                    

Savannah's PoV

Six o'clock ng sinundo ako ni Nicko dito sa bahay. Sinabi ko naman sa kanya na wag na niya akong sunduin dahil may kotse naman ako at ako nalang ang pupunta doon. Pero sadyang makulit talaga itong Unggoy na ito. Paano daw kung may mangyaring masama sa akin? O kaya ay maaksidente daw ako papunta doon?

Anong akala niya sa akin kaskasero mag maneho kaya maaaksidente?

Tahimik lang kami sa sasakyan. Ayokong magsalita dahil napagod din ako dahil ako ang nag adjust sa susuotin ni Kelly para bukas. Kahit na naiinis ako sa babaeng iyon ay hindi ko naman pwedeng pabayaan lang ko.

Hindi ko lang talaga maiwasang hindi mainis kay Kelly kanina habang nasa rehearsal sila.

Pagkatapos naming mausap ni Nicko ay pumasok na kami. Bumalik ako sa pwesto ko para mapagmasdan ko ng mabuti ang models. Suot suot na nila ngayon ang mga designs na nagawa ko. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay suriing mabuti para kung may mali ay mabago ko ito.

Nagsimulang tumunog ang background music at pumasok ang unang rarampa.

Unang rumampa ang mga babae kasunod ang mga lalaki huling pumasok si Lance nagulat nalang ako sa biglang pagkindat nito sa akin. Natawa ako.

Ang pang huli naman nilang rampa ay kasama na nila ang mga lalaki. At ang pinaka highlight ay sina Kelly at Nicko na sabay na rarampa.

Hindi ko naman maiwasang mapairap ng marahang hinaplos ni Kelly ang dibdib ni Nicko, nagulat din si Nicko sa ginawa niya na iyo. Umikot pa ito habang nakatingin kay Nicko na para bang nagaakit.

Inis na tumayo ako. "Ms. Miller. Para sabihin ko sa iyo this is not a bar." natigilan naman siya sa ginawa niya. Umirap naman ito sa akin bago tumalikod.

Natawa naman sa gilid ko si Derek.

"Hindi ko gusto ang babaeng iyan. Hindi ko alam kung bakit siya ang naging mukha ng M&M Clothing." kumento ni Derek sa akin habang nakatingin kay Kelly. "Nagtataka nga ako kung bakit hindi ikaw ang kinuha nila. Hindi ba't Apo ka ni Mrs. Martinez?" tinutukoy niya si Grandma. Natatawang tumango naman ako sa kanya.

"Hindi ko po gusto ang pag mo-model. Mas gusto ko po ang maging isang fashion designer." sagot ko. When I was 15 year old inalok ako ni Granda na pumasok daw ako sa modeling pero tinanggihan ko iyon.

"Sayang iyang ganda mo, iha."

"Bakit hindi mo sinabi sa Black Knight ang tungkol sa Mommy mo?" tanong ko sa kanya. Masyadong tahimik sa sasakyan kaya ako na ang nag bukas ng topic.

Lumingon siya sa akin saglit at binaling muli ang tingin sa daan.

"Last year lang siya nagkaroon ng cancer. Hindi ko rin naman na sinabi sa kanila dahil alam kong mga busy sila. Like I said earlier." paliwanag nito. Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. Ibinaling ko nalang ang mga mata ko sa dinadaan namin.

"Matulog ka muna. Alam kong pagod ka." nilingon ko naman siya pero hindi siya nakatingin sa akin.

Tumango lang ako saka pinikit ang aking mga mata.

Nagising lang ako ng biglang may tumapik sa pisngi ko. "We're here." Nicko said. Nauna siyang bumaba pagkatapos ay pinagbuksan niya ako at inallayan bumababa.

"Thanks." ngumiti lang siya sa akin. pagkatapos non ay hinawakan niya ang kamay ko. Hindi na ako tumanggi, magpapanggap nga pala kami.

Pumasok ka kami sa mansion nila. Mas malaki ito kumpara sa amin. Nang makarating kami sa dinning area ay naabutan na namin sila doon mukhang pinapagalitan ang bunsong kaptid ni Nicko.

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na wag na wag kang manlolo ko ng babae." galit na na sabi ni Tita kayLexter–Nicko's Little Brother.

"Hon, wag kang masyadong magalit. Baka sumakit ang ulo mo niyan." paalala ni Tito sa kanya na bakas ang sobrang pagaalala nito. Naka wheelchair na si Tita ngayon. At alam ko rin na sorang nanghihina na ito.

"Kausapin mo iyang anak mo." huminahon na si Tita at saka napahawak sa ulo nito.

Binitawan ni Nicko ang kamay ko saka nagmamadaling lumapit sa Mommy niya.

"Mom, are you okay?" tanong nito. Nagangat naman ng tingin si Tita sa kanya at marahang ngumiti at tumango.

Naiwan akong nakatayo dito sa gilid.

"Ikaw naman Lexter! ilang beses ko na bang sasabihin sa iyo na magpakatino ka na. Hindi mo ba alam na may sakit na si Mommy?" nagulat naman ako dahil napataas ang boses ni Nicko at galit na bumaling ng tingin kay Lexter na nakaupo sa isang tabi.

"Look who's talking. Hindi ba't ikaw ang may pinakamaraming nasaktang babae rito." sagot nito na para bang hindi niya kapatid ang kausap nito.

Alam ko naman na hindi magkasundo ang dalawang ito dahil sa states lumaki si Lexter.

"Watch your word, brat. I'm your older brother." gigil na sabi ni Nicko na halatang pinipigilan na huwag patulan ang kapatid niya.

"Whatever." sagot nito na umakyat na sa taas. Tinawag pa ito ni Tito pero hindi ito bumalik o nakinig man lang.

"Savannah your here, iha. I'm sorry sa narinig mo kanina." ngumiti ako kay Tita ng mapansin niya ako. Lumapit ako sa kanya.

"Good evening po. Tito, Tita." magalang na sabi ko dito.

"Mom, she's my girlfriend." nanlaki ang mga mata ko, kahit kailan talaga ay walang preno ang bibig nitong lalaking ito. Sinabi ko na sa kanya na sabay na naming sasabihin e.

Halata naman nagulat sila. "R-really? Wow." gulat na sabi ni Tita na nakatakip pa ang bibig. Tungkol kasi doon sa panggap 'thingy'namin noon ay hindi nila alam iyon. Kaya ganyan nalang ang reaksiyon nila.

I'm sorry, Tito, Tita. Lolokohin na naman po namin kayo. Ito kasing anak ninyo e. Idadamay pa ako.

"Mabuti naman kung ganon. Mukhang seryoso na sa iyo ang anak ko. Pasensya na nga pala iha, at naabutan mo kaming ganon." Tito.

"Okay lang po." nakangiting sagot ko dito at binalingan ng tingin si Tita Emma. "I heard your sick, Tita. Are you okay?"

"Okay lang ako. Mabuti at napadalaw ka. Matagal ka naring hindi nakakadalaw dito, inaayaw ka ba nitong anak ko? Sabihin mo lang sa akin at ako mismo ang papalo diyan." natawa ako sa sinabi ni Tita.

"Mom!"

"Medyo lang naman po, Tita." natatawang sabi ko at saka nginitian ng peke si Nicko na  inirapan lang ako.

Kalalaking tao eh.

"Ako pa ah, pag nga ikaw ang nagalit ay wala na akong laging palag, Amaso– Aray!" kinurot ko agad siya sa tagiliran niya.

"May sinasabi ka?"

"Kayo talaga, sige na sige na. Kakain na tayo. Dinner is ready." I heard Nicko 'tss' bago ako iwanan dito mag isa sa sala.

Napairap nalang ako sa sobrang childdish niya.

"Hayaan mo na iyan, ganyan talaga yan si Nicko." sabi ni Tita sa akin habang nakatanaw kay Nicko na papuntang dinner area ngayon. "Mauna ka na doon. Pupuntahan ko pa si Lexter, magtatampo na naman iyon sa akin pag hindi ko sinuyo." Napangiti ako sa sinabi ni Tita.

Tita Emma is a loving mother. I wish na sana hindi nalang siya magkasakit. Para ganon ay matagal niyang makasama ang pamilya niya.

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now