Epilogue

509 23 10
                                    

Nakangiting inilapag ko ang bulaklak at tinignan ang lapida niya.

"Hi, pasensya ka na at ngayon lang ako nakadalaw sa iyo. Ang dami ko kasing ginagawa ngayon." umupo ako sa damuhan at sinindihan ang kandila.

"Ang daming nangyari sa akin nung nawala ka. Akala ko nung una ay ikaw na..., halos lahat na ata nang problema ay nasalo ko na." tumawa ako dahil sa sinabi ko. "Pero masaya ako dahil nalagpasan ko iyon. At ngayon ay alam mo bang malapit na akong ikasal.....Jirus." pinulot ko yung dahon na nahulog sa lapida niya.

"Siraulo talaga yung lalaking iyon...akala ko talaga ay nakalimutan na niya ako...." Napangiti ako nang maalala ko yung araw na nagising siya matapos ang dalawang buwan nang operahan siya.

"Gising na ang pasyente." agad akong tumakbo sa kwarto niya nang marinig ko ang balitang iyon. Hindi ko na rin tinapos and pagkain ko. Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Yuri per hindi ko pinansin.

Gusto ko siyang makita at kausapin. Gusto kong itanong sa kanya kung naaalala ba niya ako. Ang dami kong gustong ikwento sa kanya sa loob ng dalawang buwang pagkakatulog niya.

Sobrang namiss ko siya.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang tanong niya sa Black Knights.

"Sino kayo?" gusto kong umiyak sa harapan niya pero naubos na ata iyon nung mga panahong natutulog pa siya.

Nakita ko ang gulat sa mga mata nila.

Hanggang sa hindi ko napigilang lapitan si Nicko at hampasin siya.

"Bwiset ka! Sinabi mo na hindi mo kami kakalimutan! Pero anong ginawa mo?" inis na sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagkakunot nang noo niya. "Ah hindi mo ako kilala? Ano gusto mo pa bang isampal sa iyo yung picture natin at yung diary na ginawa mo?!"

"Ah, Sav. Huminahon ka muna, kakagising palang niya." Pigil sa akin Sara.

"Nag iinit ang ulo ko sa lalaking iyan, eh."

"GUYS GOOD NEWS!" bukas ang pinto at pumasok si Piolo. "Wala daw naging damage sa utak niya, kaya hindi nawala ang memorya niya." agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Piolo.

"Anong sabi mo?" pag uulit ko dito at sinamaan ng tingin si Nicko na ngayon ay nag iwas nang tingin sa akin.

"Ah..hindi daw...nawala...yung...memorya niya." mabagal na sabi nito dahil napansin niyang nakatingin kami sa kanya. "Bakit anong meron?" takhang tanong nito.

Agad naman siyang binatukan at inakbayan ni Lorenze. "Fuck you, sagad. Piolo. Ito na ata ang pinakamagandang nasabi mo."

Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Lorenze dahil seryosong nakatingin ako kay Nicko habang naka kruss ang mga kamay ko sa dibdib.

"Ah...ang BK lang dapat ang lolokohin ko, eh. Pero dumating ka." sagot nito sa akin na lalong ikinataas nang kilay ko.

"Damn bro, nung nagising ka alam ko nang naaalala mo kami, mukha ka kasing tae kanina." Razam said.

"Maiwan ninyo muna kami." seryosong sabi ko habang hindi inaalis ang tingin kay Nicko. Agad namang sumunod ang mga iyon.

"Sorry na...hindi ka naman kasi dapat kasali doon, sila lang." parang batang sabi nito sa akin. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Wag ka nang magalit." sabi nito at niyakap ako. Hindi parin ako nagsasalita dahil nabubwiset ako sa kanya. "Makakalimutan ko ba yung sinabi kong 'papakasalan kita'."

"Kita muna, ang mais niya talaga kahit kailan." nakangiting sabi ko. Maya maya lang ay naramdaman kong mag vibrate ang phone ko.

To: Bebeluvs

Nasan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito?

Napailing nalang ako, kahit na ang pangalan niya sa contacts ko ay pinalitan niya. Childdish talaga.

"Sige na, aalis na ako. Pupuntahan pa namin yung wedding organizer namin."

Ngayon ang araw kung kailan namin bibisitahin yung wedding organizer namin. Hindi pa man ako nakakaalis ay tumawag na agad ang mokong na yon.

"Bakit ang tagal mo kanina pa ako nandito." agad na reklamo niya sa akin.

"Ang sabi ko sa iyo ay 2pm natin sila kikitain. 1pm palang ngayon,masyado kang maaga kaya magtiis ka."

"Ano pag hihintayin mo ako dito? Mahal mo ba talaga ako?" napairap ako sa tanong niya.

"Papakasalan ba kita kung hindi kita mahal? Umayos ka Nicko Harvey kapag ako ang nasura mo ikaw ang magpakasal mag isa." naiinis na sabi ko sa kanya.

"Ito naman hindi mabiro. Sige na iintayin na kita dito. Mrs. Walt. Bye, labyu muah."

Pagkatapos non ay binaba na niya ang tawag.

Sa loob nang isang taon ay sinimulan na naming ayusin ang kasal. Iyon din ang sabi nang parents namin. Sabi nila tumatanda na daw kaming dalawa ni Nicko kaya kailangan na naming magpakasal. Duh! 27 palang kaya ako at nasa kalendaryo pa ang age ko.

Pagkadating ko doon ay saktong nakita ko si Nicko na nilapitan ng mga estudyanteng babae.

"Hi, Kuya. Crush ka nitong kaibigan ko, pwede daw pong malaman kung ano ang pangalan ninyo?" natawa ako dahil sa sinabi nung babaeng estyudante.

Hindi nagsalita si Nicko dahil tinaas niya yung kamay niya at pinakita doon yung singsing niya. Nakasimangot na umalis yung mga estyudante.

Natatawang lumapit ako kay Nicko.

"Hanggang ngayon ay lapitin ka parin nang mga babae." I said.

"Yeah, masyado kasing gwapo ang mapapangasawa mo." mayabang na sabi nito.

"At mayabang." dagdag ko tumawa lang ito pagkatapos ay inakbayan ako.

"I can't believed na mapapangasawa na kita." He smiled at me.

Me too. Nicko.

"Nagsimula sa pagpapanggap, mauuwi sa kasalan." dagdag pa nito.

"No more pretends?" I asked.

"No more pretends." he said and kissed me.

Sa lahat nang pinagdaanan namin, ito ang pinakamagandang nagyari sa lahat.

I Savannah Bright Stone, soon to be Walt....

And this is our story.

Let's Pretend There's usWhere stories live. Discover now