Isla
Two nights away from my OR is not a bother at all. Unless ibalik ulit ako ni Mama sa opisina ibang usapan na 'yon. Nasa motor bangka na ako ngayon. Papunta na ako sa islang gusto kong bilhin. It is located in Guimaras. We don't have properties here in Panay but I really love this place. I also love the beaches here. Mahigit trenta minutos ang nilakbay namin bago narating ang Isla.
"Maligayang pagdating, Doc Menaid" Bati nang receptionist. I remember her, she's the girl from the shore.
"Aliyah?"
"Ako nga po, naalala niyo ako. Halika at sabik na sabik ka nang makita ni Madam Esmeralfa." Tumango ako bago ngumiti. Maraming sinabi sa akin si Aliyah, naikwento niya ang pagbago nang buong Isla. Malawak ang Isla at hindi na gaanong pinupuntahan nang mga tao. Maliban sa maganda ang buhangin dito ay tahimik rin. Ang dating mga kubo na nakatayo dito ay nakasemento na.
"Pinarenovate rin ni Madam ang kaniyang bahay, Doc Menaid." Her house is no longer made of woods, it's all made in bricks and her windows are now made in glass.
"Maraming nagbago." Tanging sabi ko. Pumasok ako sa bahay ni Esmeralfa at sinabihan ako ni Aliyah na hintayin munang makabihis ang kaniyang amo. The resort is short staff, isa sa mga rason kung bakit gusto kong bilhin ito at gawing pribadong isla. Mula sa isang silid ay lumabas si Esmeralfa, hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nang kaniyang mukha. Nakataas pa rin ang kaniyang kilay at may tabacco pa rin ang kaniyang bibig.
Kumikinang ang perlas nitong sout, magkapares ang kaniyang kwentas at hikaw. May ibinulong si Aliyah kay Esmeralfa at ilang sandali pa ay lumabas na ang receptionist niya. Kaharap ko na siya ngayon at masasabi kong matanda na nga si Esmeralfa, hindi lang halata.
"Bibilhin mo na ba ang Islang ito?" Direktang tanong niya. Sanay na ako na ganito siya.
"Opo. Alam kong matalik kayong magkaibigan ni Lola at isa sa mga gusto niyang bilhin noong nabubuhay siya ay ang islang ito." Sagot ko.
Umismid ito at humithit sa kaniyang tobacco.
"Bibilhin mo pa rin ba kung sasabihin ko sa'yong pitong bilyon ang islang ito?"
"Ho?"
"Pitong bilyon, hija. Ganito ko kamahal ang islang ito. Bibilhin mo pa rin ba?"
Ngumiti ako. Wala akong rason upang sumuko na huwag bilhin ang islang ito. Pitong bilyon rin ang lupang tinubos ko at pinagtayuan nang mismong bahay ko ngayon. Binuksan ko ang aking bag sabay kuha nang cheke. Isinulat ko ang pitong bilyon doon at ibinigay sa kaniya. Nagulat ito.
"At talagang bibilhin mo ito sa ganitong halaga? Dios mio, nagmana ka nga sa iyong lola. Hindi marunong tumawad, kahit anong halaga ay bibilhin niya. O siya, wala na akong pagpipilian dahil kailangan ko ang pera. Nakahanda na ang legal na mga papeles upang ilipat sa'yong pangalan ang islang ito. Gagawin mong pribado ito hindi ba, hija?"
Nakangiti akong tumango. "Oho, gaya nang sinabi ninyo ay importante ang islang ito. Ganoon rin po iyon sa akin, mahal ko ang aking lola at lahat nang mga ibenta niya noon ay tutubusin ko. Ayokong manghingi nang pera mula sa aking mga magulang. Ayokong isipin nilang nasa ganitong edad na ako ay umaasa pa rin ako sa kanila."
"Mapaka tuwid nang 'yong dila, hija. Taglay mo nga ang dugong Menaid. Nanalaytay, uhaw na uhaw upang may ipagmalaki. Kung buhay lamang si Andresita ngayon ay tiyak akong ikaw ang paborito niya. Manang-mana ka sa kaniya."
"Nako, salamat at pinayagan n'yo akong bilhin itong Isla na 'to."
She remove her tobacco and darted her eyes on me.
BINABASA MO ANG
Healer
RomanceThey're doctors. Seunjah Johania Menaid is a daughter of a wealthy family. She thinks the world is against her. She thinks her life is a massive mess because of her parent's choice. Siowojen Ailben Parkers, a good doctor who's surviving by himself...