Chapter One, Part Two

417 14 0
                                    

NAKATAYO lamang si Hush sa labas ng Hacienda Fajardo. Nakatitig. It reminded her of her late father. Nagtrabaho ang kanyang ama sa hacienda bago ito mamatay. Tatlo na lamang sila sa buhay ng kanyang ina at kapatid na si Blare. Sampung taong gulang pa lamang si Hush nang mamatay ang kanyang ama at kapapanganak pa lamang noon ng kanyang ina kay Blare. Dahil rin sa pagta-trabaho ng kanyang ama sa hacienda ay nakilala niya si Spice, ang anak ng may-ari ng hacienda.

Magkaiba man ang estado nina Hush at Spice sa buhay, hindi iyon naging hadlang upang maging matalik silang magkaibigan. At dahil ayaw nilang mawalay sa isa't isa, sabay nilang dinayo ang Maynila upang doon mag-aral ng kolehiyo. Pareho silang pumasok sa Decorus Exclusive School for Girls. While Spice's tuition was paid by their wealth, Hush worked for her scholarship. Nagpart-time siya sa coffee shop na pagmamay-ari ng pamilya ni Spice para matustusan ang pag-aaral niya. Hindi problema iyon para kay Hush dahil iyon rin naman ang ginagawa niya noong nasa Bicol pa sila nag-aaral. At nang makatapos sila ng pag-aaral, umuwi silang dalawa sa Victoria Island upang magbakasyon at saka na lamang nila pag-iisipan kung anong gagawin nila sa kanilang buhay. Well in her case, she has the shortest vacation because she has to work for her family as soon as possible unlike Spice who can actually take her time.

This place also reminded her of that scene seven years ago. It reminded her of someone. Hinding-hindi niya iyon makakalimutan. Iyon ang naging dahilan kung ano siya ngayon. It's been a long time. Pero dala-dala niya pa rin ang sama ng loob.

"Naku! Nandito na naman pala iyang babae na 'yan!"

"Magkakalat na naman ng lagim 'yan dito sa lugar natin."

Napalingon si Hush sa mga nagsalita. Nakataas ang kilay ng mga ito sa kanya. Ni walang balak ang mga ito na umiwas ng tingin. Manhid na siya sa mga gano'ng klase ng tingin. Iyon ang naging paligid niya sa loob ng pitong taon.

Papalit-palit ng nobyo, ikinakama ng kahit na sino, mang-aagaw ng nobyo, at babae ng kahit na sinong lalaki. Ilan lamang iyan sa mga katawagang nakakabit sa pangalan niya. Ano pa nga ba ang dapat niyang gawin? Bigyang-katotohanan ang mga salitang ikinakabit sa kanya ng mga tao sa paligid niya. Lahat naman ng lalaki ay iisa lang ang gusto--to put their heads between every woman's thighs. Kaya siguro lahat ng mga naging boyfriend niya maparito sa VictoriaIsland o sa Maynila ay iisa lang ang bukam-bibig, that they already had sexwith her. If they will not do that, itwill look like she stepped right into their balls. Pero wala siyang pakialamkung anuman ang isipin ng mga tao sa paligid niya.

Kung may totoo man sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya, 'yon ay ang papalit-palit niya ng nobyo. Of course, she's not a whore. No one can ever prove that she is a whore. Wala sa kahit kaninong naging nobyo niya ang nakagalaw sa kanya. What a nice way to live, huh? Pero siya ay kaya niyang patunayan na meron tayong mundo na mapanghusga at mapagpaniwala sa mga bagay na hindi totoo. And she is the living proof. Hindi siya nagpapalit-palit ng nobyo para lang sa kalandian, kundi dahil wala pang nakapagbibigay ng mga bagay na gusto niya. Maaari na sanang pumasa si Jake sa kanya, ngunit pinatunayan lamang ng lalaki na kayang bulagin ng pagnanasa ang pagmamahal. Pare-pareho lang naman pala. Hindi siya naiiba. Kaya naman nagtataka siya hanggang ngayon kung bakit iba ang naransan niya seven years ago...from the only person she wanted. So, here she is. Unlike her name, hush doesn't suit her. Hindi siya nase-settle sa iisang lalaki.

"Magkakalat ka na naman ba ng kalandian mo dito kaya ka bumalik?" tanong ng isang babae. "Naubos mo na lahat ng lalaki dito sa Victoria Island kaya dapat hindi ka na bumalik dito!"

"Siguro kaya ka nandito sa hacienda kasi binabalak mong landiin ang kapatid ng kaibigan mo," sabi pa ng isa.

Pinilit ni Hush na pakalmahin ang sarili. Nilapitan niya ang babaeng unang nagsalita.

"Naubos ko na ang lahat ng lalaki dito?" tanong ni Hush at kunwari ay tila nag-isip. "Sa tingin ko ay hindi pa. May boyfriend ka ba ngayon? Pakilala mo naman ako sa kanya," nakangiting sabi niya sa babae.

Nakita ni Hush ang panggigigil sa reaksyon ng babae. Lalong lumapad ang ngiti niya.

"Huwag mong lalapitan ang boyfriend ko!" sigaw ng babae sa kanya.

"P'wes tigilan mo ang pandadamay sa mga kaibigan ko!" bulalas ni Hush.

Umalis na lamang ang dalawang babae sa takot na totohanin niya ang pag-agaw sa boyfriend ng isa sa kanila.

Kaya niyang tiisin ang pangmamata ng mga tao sa kanya. She can even bite and chew those rumors. Pero ang idamay ang pamilya at mga kaibigan niya? Hindi niya kayang manahimik.

Kahit na marami ang nakakaaway niya dahil sa mga kumakalat na hindi magagandang bagay tungkol sa kanya, nananatili namang mabuting kaibigan si Hush. At kapag naging kaibigan niya ang isang tao, pinaninindigan niya iyon. Her friends never turned their backs on her. Ang mga humuhusga sa kanya ay ang mga taong hindi siya lubos na kilala.

Napabuntong-hininga siya. Nagpasya na lamang siyang pumasok sa loob ng hacienda. Sinalubong siya ni Manang Solidad, ang mayordoma sa Hacienda Fajardo.

"Hi po, Manang. Nandyan po ba si Sean?" tanong niya sa matanda.

"Kanina pa siya nakaalis, Hush. Pero ibinilin niya sa akin na ibigay sa iyo 'yong susi ng sasakyan dahil hihiramin mo nga raw para sunduin si Spice. Saglit lang, iha, at kukunin ko lang 'yong susi sa loob. Pumasok ka muna sa loob."

"Hindi na po, Manang. Dito na lang po ako sa labas para mabilis din po akong makaalis. Mahaba-mahaba po kasi ang ibabyahe ko."

"S'ya sige, antayin mo lang ako saglit diyan."

"Salamat, Manang."

Naupo si Hush sa hagdan sa tapat ng pintuan. Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig niyang may paparating kaya tumayo na siya. Ang akala niya ay si Manang Solidad na iyon ngunit nagkamali siya. Isang babae na sa tingin niya ay kaedaran niya lang. Napatigil ito sa paglalakad nang makita siya.

"Hi," bati niya sa babae at nginitian ito.

Tumango lang ito kay Hush at naglakad nang muli dala-dala ang sketch pad nito. Napatitig na lang siya sa babae habang palabas ito ng hacienda. Napakunot ang noo niya.

"Hush, ito na ang susi."

Napalingon si Hush kay Manang Solidad. Iniaabot nito sa kanya ang susi. Kinuha niya iyon mula sa matanda.

"Salamat po, Manang. Aalis na po ako," sabi niya rito.

"Mag-iingat ka."

Tinungo ni Hush ang garahe kung nasaan ang sasakyan ni Spice. Napabuntong-hininga siya nang makita ang hilera ng mga sasakyan. But she knew Spice's car. Pinuntahan niya kaagad iyon at sumakay doon.

Malayo-layo ang ibabyahe ni Hush mula sa Hacienda Fajardo papunta sa airport. Kaya kailangan niyang magdala ng sasakyan dahil hindi biro ang bumyahe sa lugar nila. Mabuti na lamang ay tinuruan na siya ni Spice na magmaneho ng sasakyan.

Pumarada muna si Hush sa parking lot ng airport. Nakarating siya roon ng pasado alas otso ng umaga. Tamang-tama lang dahil maya-maya lang ay dadating na ang kanyang kaibigan.

Kinuha ni Hush ang cell phone niya. Pagkakita niya ay may text galing sa kanyang ina. Binasa niya iyon. Hinahanap nito ang test permit ng kapatid niya. Naalala niyang inabot nga pala sa kanya ni Blare iyon. Kinuha ni Hush ang wallet sa kanyang bag. Ang alam niya ay doon niya nailagay ang permit. Hinanap niya iyon sa loob ng wallet. Ngunit iba ang nahanap niya. Isang litrato. Inilabas niya iyon.

Tinitigan ni Hush anglitrato. Lahat sila, siya, si Spice,Sean at JC, ay may malalapad na ngiti sa mga labi. Kuha iyon sa tabing-dagat. Huling gabi iyon ng pananatili ni JC saVictoria Island. Ah, si JC Lizardo. Si JC na siyang unang nakapagpatibok ng pusoni Hush at siya ring unang nanakit sa kanya sa mismong huling gabi ng lalaki saisla.

Sugar, Spice and Everything Hush:  HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon