Chapter Fourteen

377 16 6
                                    

TILA napipi si Hush mula sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang magsalita ngunit para bang puro hangin ang nalabas mula sa kanyang bibig.

Si JC ang unang bumali sa titigan nila. Nakahinga si Hush dahil doon ngunit hindi nabawasan ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay bibitayin siya sa mga oras na iyon.

Naglakad ang lalaki at dumampot ng isang baso. Dumiretso ito sa refrigerator at kumuha ng tubig. Pinapanood lang ni Hush si JC habang umiinom ito ng tubig na dapat ay umaalis na siya sa lugar na iyon. Ngunit hindi ata nakikisama ang sistema niya dahil tila napako ang kanyang mga paa sa kinatatayuan. Naglakad si JC palapit sa kanya. Nagawa niyang humakbang ng kaunti paatras kahit na nanginginig ang kanyang mga paa. Ipinatong ng lalaki ang baso sa lababo at pagkatapos ay nilingon siya nito.

"Ano pang ginagawa mo dito? Gabi na," sabi ni JC kay Hush.

Napalunok si Hush bago siya nakasagot sa lalaki. "Gusto ko lang i-check itong kusina," tugon niya rito.

Naglakad si JC at nilagpasan siya.

"Thank you," sambit niya na nakapagpatigil sa lalaki sa paglalakad. "Hindi ako nakapagpasalamat sa 'yo kanina."

Nilingon ni JC si Hush. Walang bakas ng kahit anong reaksyon mula rito.

"You should be careful next time," anito. "Go home. Magsasara na rin ako mamaya."

Tumalikod nang muli si JC at naglakad patungo sa pintuan ng kusinang iyon. Ang tangi na lamang nagawa ni Hush ay ang titigan ito. Napapikit siya. At bago pa lumabas si JC doon, ay nagawa niya muli itong mapatigil. Ang palad nitong nakalapat sa pintuan ay unti-unting bumaba.

"Trap," wika ni Hush.

Nilingon siya ni JC nang may pagtataka. "What do you mean?"

"Trap," ulit niya. "Iyon ang dahilan kung bakit kita iniiwasan. I felt like I fell into a trap again like I did seven years ago. And it was lonely. I fell for you, but things didn't worked out the way I wanted. Now that I fell for you again, sabi mo mahal mo ako, dapat naging masaya ako, but things aren't the same anymore. Well, it got a lot more complicated."

Mapait na napangiti si Hush. "Kung babalikan ko ang lahat ng nangyari, wala akong ibang sisisihin kung hindi ang sarili ko. Kaya nagdesisyon na ako. Gusto kong bumalik ang lahat kung saan man sila nararapat. But it was hard. I thought my hand just touched the lips of the fiery pit. Huli na nang ma-realize ko na buong-buo kong itinapon ang sarili ko."

Hush genuinely smiled at JC. "Sana nagtagpo tayo sa ibang paraan. Sana hindi ako nagpaka-immature dati para nagkita tayong muli nang magkaibigan pa rin. Pero ito tayo ngayon. But I wish you to be happy," aniya at awtomatikong tumulo ang kanyang luha. But she remained smiling at him. "Kapag naghiwalay na ulit ang landas natin, sana maging masaya ka. I mean it."

Nanatiling nakatitig si JC kay Hush. No word from him. At tatanggapin niya iyon.

Ngunit tila bumagal ang takbo ng oras nang humakbang si JC palapit kay Hush. At para bang umihip ang malamig na hangin. The last thing she knew, their lips met.

Matagal-tagal ding hindi nagtagpo ang kanilang mga labi. But his lips felt like home. It was never different to her.

Hindi maintindihan ni Hush ang nangyayari ngunit sigurado siya sa pagtugon sa mga halik ni JC. Tila ba ang mga tanong niya ay nasagot sa pamamagitan ng mga labi ng lalaki.

Bahagyang natawa si JC nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Nagtataka siyang tumingin rito.

"You're really clueless, huh?" anito.

Walang naisagot si Hush doon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o maski ang itatanong.

Tinitigan siya ni JC sa mga mata. "Whatever you do, you're still the same to me. Don't lose that innocence, Hush. I know it because your eyes tell me so," sabi pa nito at pagkatapos ay hinalikan siyang muli sa kanyang mga labi.

"At ano ang sinasabi mong maghihiwalay ng landas?" tanong ni JC kay Hush. "Sa tingin mo ba pakakawalan kita?"

Binuhat siya ng lalaki. Napahigpit ang kapit niya sa leeg ni JC. Inabot muli nito ang mga labi ni Hush ngunit saglit lang ang paglapat ng mga labi ng lalaki sa kanya dahil kaagad niyang inilayo ang kanyang mukha rito.

"Aalis ka na sa susunod na linggo," aniya sa lalaki.

"Walang aalis," ani naman ni JC at pagkatapos ay inilapit nitong muli mukha sa kanya.

Mabilis na nakaiwas si Hush sa lalaki. Napatitig sa kanya si JC ngunit ngumiti din ito.

"Bakit naman ako aalis? I'm the reason why there's Food Blaze in Victoria Island," sabi nito. JC brushed her hair with his fingers. "I won't go. Pinagsisisihan ko ang pag-alis ko noon. I shouldn't have left in the first place. I can't leave you now, Hush."

Matamang tinitigan ni Hush si JC sa mga mata nito. Sigurado siya sa pagkakataon na iyon. He has his eyes only for her. Napangiti siya. At sa pagkakataon na iyon ay siya na mismo ang humalik sa lalaki.

Ang mga labi ni JC ay dahan-dahang naglakbay pababa hanggang sa makarating iyon sa leeg ni Hush. Napaliyad siya nang lalo pang bumaba ang mga labi nito. His warm lips warmed her heart. With her body pressed against his, it secures her. At wala nang hihilingin pa si Hush.

Her name...she had never taken responsibility of it. Her moans filled the air. Isinisigaw niyon ang pangalan ni JC. When she's with him, she can never go hush.

Sugar, Spice and Everything Hush:  HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon