Chapter Eight, Part Three

236 13 1
                                    

"HUSH, may naghahanap sa 'yo sa labas!"

Napalingon si Hush sa pintuan ng silid ng kaibigang si Jane dahil sa pagsigaw ng huli. "Ha? Sa akin?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan.

Inikot niya ang tuwalya sa basang buhok niya. Katatapos niya lang maligo at naghahanda na para sa pagpunta niya sa Food Blaze. Tinungo ni Hush ang bintana para silipin kung sino ang naghahanap sa kanya. Natigilan siya nang makilala niya kung sino iyon. She saw JC outside of her friend's house.

Anong ginagawa niya rito?

Biglang sumulpot sa tabi niya ang kaibigan. "Sino siya? Ang gwapo! Ikaw talaga, Hush, hindi pa rin talaga nawawala ang kamandag mo," pang-aasar ni Jane sa kanya.

Marahan niyang siniko ang kaibigan. "Kaibigan ko lang 'yan. Kaibigan siya ng kuya ni Spice," aniya rito

"Really? May iba pa bang kaibigan ang kuya ni Spice?" tanong nito sa kanya.

Napailing na lang si Hush dahil kay Jane. Tinanggal ni Hush ang pagkakapulupot ng tuwalya sa kanyang ulo at pagkatapos ay sinuklay ang kanyang buhok. Nang matapos siya ay doon lamang siya lumabas ng silid at tinungo kung saan naroroon si JC. Naabutan niyang nakaupo sa may halamanan ang lalaki.

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko bumalik ka na sa hacienda?" sunud-sunod na tanong niya sa lalaki.

Nilingon siya ni JC at nginitian. Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo nito at nilapitan siya.

"Hindi muna siguro ako makakabalik kaagad sa hacienda. May mga tao pa akong kailangang kausapin dito sa Manila," sagot nito sa kanya.

Napakunot-noo si Hush. "Sino naman?"

"Nandito ang family ko, Hush. Sino pa ba ang pupuntahan ko rito? At saka may mga aasikasuhin ako."

Tumango-tango na lang siya ngunit bigla rin siyang natigilan. "Saglit lang, hindi mo pa sinasagot ang isa ko pang tanong. Anong ginagawa mo rito sa bahay ni Jane?"

"Ngayon 'di ba ang balik mo sa Food Blaze?" tanong nito sa kanya. "Ihahatid na kita."

Bahagyang tumawa si Hush. "Ihahatid mo ako? Pumunta ka dito para lang ihatid ako? Gusto mo ba akong mabaon sa utang na loob sa 'yo? O baka naman sa bandang huli may hingin kang kapalit."

"I have business to do in Alabang," sabi ni JC. "And I already got the payment, right?" dagdag pa nito sabay kindat sa kanya.

Muntik nang makagat ni Hush ang dila niya. Kung maaari lang siyang magpalamon sa lupa ay kanina niya pa hiniling.

Pinanlakihan niya ng mata si JC. Lumingon siya sa paligid at pagkatapos ay ibinalik kay JC ang tingin.

"Nababaliw ka na ba?" pabulong na tanong niya rito.

Tumawa ang lalaki. "Kunin mo na ang gamit mo. Sumabay ka na sa akin."

Iniwanan ni Hush ng matalim na tingin si JC bago niya ito tinalikuran para bumalik sa loob ng bahay. Pagkapasok niya ay naabutan niyang nasa sala si Jane at sinalubong siya nang may ngiting aso sa mga labi.

"Bakit ganyan ka makangiti? Alisin mo nga 'yan. Nakakatakot ka," aniya sa kaibigan.

"Sino ba talaga yung poging lalaki sa labas?"

Hush rolled her eyes. "'Di ba sabi ko kaibigan ko nga lang siya? Kaibigan lang. Friend. Entiendes?"

"Speaking of friend..." biglang pagsasalita ni Jane. Inilagay nito ang isang kamay sa ilalim ng baba nito at tila ba nag-iisip. "...siya ba yung friend mo kung saan ka tumuloy?"

Sugar, Spice and Everything Hush:  HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon