Chapter Thirteen, Part Two

330 16 0
                                    

MATAMANG nakatitig si JC sa labas ng bintana ng kanyang opisina. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hanggang sa mga oras na iyon ay malakas pa rin ang kaba sa kanyang dibdib. Seeing Hush like that earlier, he just can't accept it. He was really terrified seeing her crying for help.

Hindi siya makatulog kagabi hanggang sa abutin na siya ng madaling-araw kaya napagpasyahan niya na maglakad-lakad kanina. Hindi niya namalayan na malayo na pala ang nalakad niya sa sobrang dami ng tumatakbo sa kanyang isipan. Hanggang sa makita niya si Jake na may hinihilang babae. Sa una ay naisip nya na wag mangialam sa lalaki. Ngunit napadaan ang mga ito sa isang poste ng ilaw. Kaagad niyang namukhaan ang babaeng hila-hila nito. It was Hush. He froze upon seeing her face.

Napalingon si JC nang tumunog ang kanyang cell phone. Tinungo niya ang kanyang lamesa kung saan nakapatong ang kanyang cell phone at kinuha iyon. Vincent is the one calling him. Sinagot niya ang tawag ng kaibigan.

"Oh, hi, Vince. Napatawag ka?"

"I'm on my way," sabi nito.

Natigilan siya nang maalala na may meeting nga pala sila ni Vincent. Ang kaibigan na ang nagtungo sa kanya. They were interrupted by a sudden incident when he was in Manila.

"Oh, right. Just come right in my office," tugon ni JC sa kaibigan.

Bumukas ang pintuan ng opisina ni JC matapos niyang makarinig ng maikling katok. Iniluwa niyon ang bago niyang secretary.

"Sir?"

"Yes? Do you need anything?"

Tuluyan nang pumasok sa loob ang babae. "Nasa labas po si Chef Hush. Gusto niya daw po kayong makausap."

Hindi kayang harapin ni JC sa Hush ngayon. Until now, he was frightened enough thinking that he couldn't have saved her.

"I have an appointment. Tell her I'll just call her later," ani JC sa kanyang sekretaya.

Lumabas na ng kanyang opisina ang babae. Pabagsak na napaupo si JC.

"What are you thinking? You didn't even realize that I'm here."

Nag-angat ng tingin si JC. Angel is standing in front of him. Hindi man lang niya napansin ang pagpasok nito sa kanyang opisina.

"What are you doing here? I have an appointment. You should go," aniya sa babae at pagkatapos inalis rito ang tingin. Hinarap niya ang kanyang computer.

"I'm just here to check if you are ready for our flight next week."

Sugar, Spice and Everything Hush:  HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon