Chapter One, Part One

542 15 0
                                    

"HUSH?"

Napalingon si Hush sa tumawag sa pangalan niya. Nang makita niya kung sino iyon ay nakagat niya ang kanyang labi. Tsk. Hindi niya akalain na makakaharap niya ang lalaki sa unang linggo ng pagbabalik niya sa Victoria Island.

Nginitian niya ito ng pilit. "Hi, Jake. I heard you made such a great story about me," bati niya rito.

Nagkibit-balikat ang lalaki. "You want to hear the rest of it? Halika. Let's have lunch."

Bahagya siyang natawa sa alok nito. Nangangati ang mga palad ni Hush. Pero sige, makikipagbasagan siya rito hanggang sa matunaw ang lalaki.

"What made you think na papayag ako sa alok mo?" tanong ni Hush rito.

"Hindi ba siya 'yon? Bakit nagkikita pa rin sila?"

Napalingon si Hush sa nagbubulungan. Nagbubulungan ngunit rinig na rinig ng dalawang tenga niya.

"Hindi ba siya nahihiya."

"Hindi siya nakakaganda ng imahe ng isla natin. Sana mawala na siya rito."

Tinitigan ni Hush ng masama ang mga babaeng pinag-uusapan siya nang harap-harapan. Ngayon, sino ba ang mas hindi nakakaganda sa lugar na ito. This kind of people are the ones who need to disappear.

"Kilala kita, Hush," sambit ni Jake kaya napalingon siya rito. "Kaya mong lumuhod sa simpleng alok. Kahit noong hindi pa tayo, kahit kaninong lalaki, gagawin mo ang lahat malaglag lang sila sa bitag mo."

Totoo nga. Maganda nga ang kwento. Walang masabi si Hush.

"Kilala mo ako? You don't know even half of my ankle, Jake. And don't try to get in my way or you'll really get to know me."

"Wag ka nang magpakipot, Hush. Hindi bagay sa 'yo. Sumama ka nalang ulit sa akin. We have an unfinished business, you know," sabi nito sabay hawak sa braso niya.

Tumawa nang malakas si Hush. She pointed out her finger all over Jake's face. "Wash off that perverted look on your face or I will chop off your balls. Kahit anong sabihin mo, hinding-hindi mo ako makukuha."

Kitang-kita niya ang pigil na pigil na inis sa mukha ng lalaki. "Hindi pa ako tapos sa 'yo, Hush."

Ngumiti si Hush. "Para sa akin, matagal na tayong tapos, Jake. Pero kung sakaling magtagpo ulit ang mga landas natin, siguraduhin mong hindi ka mapapahiya."

Tinalikuran niya ang lalaki. Napabuga siya ng hangin. Way to go, Hush, aniya.

Napatigil sa paglalakad si Hush nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Pagtingin niya sa screen ay pangalan ni Spice ang nakarehistro. Sinagot niya ang tawag ng kaibigan.

"Hello, Spice? Napatawag ka?"

"Hi, Hush. Pwede bang ikaw na lang ang sumundo sa akin bukas? Hindi daw kasi ako masusundo ni Sean. Ewan ko ba doon. Nakakainis! Parang mas lalo siyang naging busy ngayon. Nagkita na ba kayo?"

Mas naunang umuwi si Hush sa Victoria Island ng isang linggo kesa kay Spice. Mauuna rin naman siyang bumalik ng Maynila kesa sa kaibigan.

Tinawanan ni Hush si Spice. "Sige, Spice, ako na ang susundo sa 'yo bukas. And no, hindi pa kami nagkikita ni Sean. Hindi naman ako nagpupunta sa hacienda kung wala ka doon."

"Since hindi naman ako masusundo ni Sean, pumunta ka sa hacienda bukas at hiramin mo ang sasakyan ko. Tatawagan ko na lang siya para maibilin na niya 'yong sasakyan. Anyway, I'll see you tomorrow, Hush."

"Alright. See you."

Napailing na lang si Hush nang matapos ang tawag. Napabuntong-hininga siya. Kailangan niyang matulog nang maaga dahil maaga ang dating ni Spice bukas.

Kung maaari lamang na hindi siya lumabas ng bahay ay ginawa na niya. But the training must continue. She guessed that this is a real life good-girl-gone-bad story. And every bad girl, of course, has their bad guy.

And, nope, hindi siJake ang dahilan ng lahat ng ito.

Sugar, Spice and Everything Hush:  HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon