Chapter Four, Part One

291 16 1
                                    

"HOW are you, Hush?"

Lumingon ang babae kay JC. Inaasahan niyang sasagutin nito ang tanong niya dahil wala itong kahit anong ekspresyon sa mukha. Ngunit nagpakawala lamang ng pekeng tawa si Hush at ibinalik ang tingin sa dagat.

"I'm serious, Hush. Gusto kong malaman," seryosong aniya.

"I wanted to say, same old Hush. Pero siguro naman alam mo nang hindi," tugon nito.

"No. Hindi ko alam. You're still the same Hush I knew."

Parusahan na si JC ngunit gusto niyang malaman kung kumusta na si Hush matapos ang ilang taon. Gusto niyang marinig iyon galing mismo kay Hush.

"Nanggigigil talaga ako sa babaeng iyon! Alam mo ba na gusto akong hiwalayan ng boyfriend ko dahil sa kanya? Napakalandi talaga ng Hush na 'yan!"

"Ha? Eh iyan din ang naging dahilan ng ex-boyfriend ko kung bakit nakipaghiwalay siya sa akin!"

Napalingon si JC sa dalawang babae na kasalubong niya habang naglalakad pabalik sa Hacienda Fajardo.

"Para siyang linta. Isa siyang salot sa bayan natin!" ani pa ng isang babae.

He's been hearing the same thing since he came back. Noong una ay ayaw maniwala ni JC sa mga naririnig pero nakakarami na siya ng nasasagap. Kaya gusto niya ring malaman talaga kung ano ang naging buhay ni Hush simula ng umalis siya sa isla. At base na rin sa naging sagot ni Hush sa kanya kanina, mukhang malaki ang ipinagbago ng takbo ng buhay nito sa mga nakalipas na taon.

Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa si JC na wala na ang Hush na nakikilala niya noon. Marahil ay nag-a-adjust lamang ang babae dahil matagal na rin silang hindi nagkita. Iyon ang nasa isip niya ngayon.

"HUSH, ikaw na muna ang bumili sa palengke ng uulamin natin. Sumasakit ang likod ko ngayon," sabi ng ina ni Hush pagkagising niya.

"Sige po. Ano pong gusto niyong ulam?" tanong niya sa ina.

"Siguro sinigang na baboy na lang."

"Sige po. Mag-aayos lang ako."

Dumaan muna si Hush sa banyo para maghilamos bago bumalik sa kanyang kwarto. Nagpalit lang siya ng damit at kaagad ng umalis para mamalengke.

Pagkalabas niya ng bahay, katulad ng palagi niyang nararanasan, naroon ang mga tao para titigan siya. Hindi para purihin, kundi para husgahan. Alam niyang wala siyang ginawang mali sa mga taong iyon. Nakarinig lamang ang mga ito ng mga salitang ikasisira ng pagkatao niya. These people don't know the weight of their words. At siya naman, ginamit iyon para sa kanyang galit. And she couldn't get away from it anymore.

Dumaan na lamang si Hush sa tulay kung saan wala masyadong tao. May daan naman doon papunta sa palengke.

"Hush..."

Nilingon ni Hush ang tumawag sa pangalan niya. Kumunot ang noo niya nang makita niya kung sino iyon.

Si Jake ang naging simula ng mga usap-usapan tungkol sa kanya. At ang lalaki ang pinaka-worse sa lahat.

Tinalikuran niya ang lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hush, wait!" pigil pa sa kanya ni Jake.

Napalingon si Hush sa lalaki dahil hawak nito ang braso niya. Pilit siyang kumawala rito.

"Pwede ba, Jake, layuan mo ako," aniya.

"Gusto sana kitang makausap."

"Wala tayong dapat pag-usapan."

"Hush!"

Tinalikurang muli ni Hush ang lalaki at nagpatuloy na sa paglalakad. Ngunit natigilan siya. Napako ang tingin niya sa taong paparating.

It was JC. Hindi pa siya nito nakikita. Natatarantang hindi malaman ni Hush kung ano ang kanyang gagawin. Tumalikod siya at nakita niyang naroon pa rin si Jake. Nilapitan niya ito.

"Bakit, Hush?" tanong sa kanya ni Jake.

Nilingon ni Hush si JC hanggang sa mapalingon na ito sa direksyon niya. Kaagad niyang ibinalik ang tingin kay Jake. Nakatitig lang sa kanya ang lalaki. And there, she kissed him.

Katulad ng inaasahan niya, tumugon sa mga halik niya ang lalaki. At dahil maituturing na pinaka-worse si Jake sa lahat ng mga naging boyfriend niya, kung saan-saan na nakakarating ang mga kamay nito. Walang pakialam ang lalaki kung nasaan sila ngayon. Hanggang sa mapadpad ang palad ng lalaki sa dibdib ni Hush. Natigilan siya. But the next thing she knew, she saw Jake on his knees.

Mabilis ang pangyayari. Nakita niyang may dugo sa labi si Jake. Nilingon niya ang lalaking katabi niya. JC was standing there. Matalim ang tinging ibinigay nito kay Jake.

Nilingon ni JC si Hush. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng lalaki. Hinawakan nito ang braso niya at hinila siya.

"Ano ba, JC, bitiwan mo nga ako!" pagpupumiglas ni Hush.

Ngunit parang hindi siya naririnig ng lalaki. Patuloy lang ito sa paglalakad at paghila sa kanya.

"JC, nasasaktan ako!" bulalas pa ni Hush.

Binitiwan siya ni JC nang makarating sila sa dulo ng tulay. Matalim pa rin ang tingin nito sa kanya. Mabigat ang buntong-hiningang binitiwan nito.

"What are you trying to do, Hush?" sa wakas ay sambit nito. "Bakit mo kailangang gawin 'yon? He could've sex with you right there!" litanya ni JC.

"Ano namang pakialam mo?"

Natigilan ang lalaki dahil sa tanong ni Hush. "What?" hindi makapaniwalang tanong nito. Bumuntong-hininga ito at nagbago ang ekspresyon ng mukha.

"Simula ng dumating ako dito, lagi kang galit sa akin. Anong ikinagagalit mo, Hush? Tell me."

Siya naman ang nagbigay ng matalim na titig sa lalaki. Hindi siya makapaniwala sa tanong nito sa kanya.

"Tanga ka ba o makakalimutin?" tanong ni Hush kay JC.

"Ha?" nagtatakang balik-tanong ng lalaki.

Hush rolled her eyes. Hindi niya sinagot ang lalaki at naglakad na lamang.

"Anong gusto mong gawin ko?"

Tumigil si Hush sa paglalakad nang marinig ang tanong ng lalaki.

"Anong gusto mong gawin ko, Hush, para mawala ang galit mo sa akin?"

Alamin mo kung bakit ako nagalit sa 'yo. Alamin mo kung bakit sa hinaba-haba ng panahon, ganito pa rin ang nararamdaman ko.

Nilingon ni Hush si JC. "Then pay me," aniya rito.

"What?" nalilitong tanong ng lalaki.

"Lend me your body. Kahit man lang doon ay makabawi ka sa pananakit mo sa akin."

Napanganga lang si JC dahil sa sinabi ni Hush. Halos hindi makapagsalita. Naguguluhan.

"Seryoso ka ba diyan?" maya-maya pa'y tanong ni JC sa kanya na may halong tawa. "Pananakit? What do you mean? Ano bang mabigat na nagawa ko sa 'yo para tratuhin mo ako ng ganito?"

Hush crossed her arms. "Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako siniseryoso. You're still the same. I see." Tumango-tango siya. "Well, JC, live with my crankiness. Ngayon pa lang ay ipinapaalam ko na sa 'yo. Masanay ka nang makita ako sa bawat sulok ng Victoria Island. Get used to hearing my name from every mouth you see within this town. That's how I've been for the past seven years, JC. I thought you wanted to know," litanya niya at pagkatapos ay tumalikod na.

Sunud-sunod ang paghinga ni Hush nang makalayo siya sa lalaki. Pakiramdam niya ay tinanggalan siya ng karapatan na huminga.

Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para masabi ang lahat ng iyon kay JC. Everything that happened earlier wasn't planned. Pero sa tingin niya ay dapat na rin siyang magpasalamat na nangyari iyon dahil sa totoo lang ay hindi niya alam kung saan magsisimula sa plano niya. Nawalang saysay ang lahat ng iyon dahil sa biglaang pagdating ng lalaki sa hacienda. But it doesn't matter anymore. Ngayon na ang opisyal na simula ng kanyang plano.

You just wait and see, JC.

Sugar, Spice and Everything Hush:  HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon