Chapter Eight, Part Two

230 13 0
                                    

NAKARINIG si Hush ng pagkatok mula sa pintuan ng kanyang silid. Maayos niyang tinupi ang kanyang damit.

"Bukas 'yan," sambit niya.

Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si JC. Nilapitan si Hush ng lalaki.

"Anong ginagawa mo?" tanong nito sa kanya.

"Oo nga pala, nakausap ko kagabi si Jane. Pwede na akong lumipat sa kanila. Kaya inaayos ko na 'tong mga gamit ko kasi after lunch ang alis ko," paliwanag niya sa lalaki. "Salamat nga pala sa pagpapatuloy mo sa 'kin dito."

"Bakit kailangan mo pang lumipat? Pwede ka namang mag-stay na lang dito sa condo ko. Dalawa naman ang kwarto dito kaya walang problema."

"Ayos lang. Saka malaking abala rin yung dalawang araw kong pag-stay dito."

"Hindi ka abala."

Tinitigan ni Hush si JC. Seryoso ang itsura nito. Napalunok si Hush. Mabilis na namang ang tibok ng kanyang puso. Pinilit niyang huminga nang malalim.

"Sabihin mo sa 'kin 'yan kung nasa hacienda ka ngayon. But thank you. I really mean it," aniya. Isinara ni Hush ang kanyang bag at tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Magluluto na muna ako ng tanghalian."

Lumabas siya ng silid at dumiretso sa kusina. Nasa kalagitnaan ng pagluluto si Hush nang bigla na lamang lumitaw si JC sa kanyang likuran. Nilingon ito ng babae.

"Bakit nandito ka? Mainit dito," sabi niya sa lalaki at pagkatapos ay ibinalik ang kanyang tingin sa niluluto.

"Panonoorin kitang magluto."

Napahigpit ang hawak ni Hush sa sandok. Pinipigilan niyang hindi maging pansinin ang panginginig ng kamay niya.

"Pwede mo bang ayusin ang lamesa? Matatapos na ako dito," sabi na lamang niya sa lalaki para naman mawala muna ito sa paligid niya.

"Okay."

Nakahinga lamang si Hush nang umalis na ang lalaki sa kusina. Balak niya ba akong patayin lagi?

Tinapos na lang ni Hush ang pagluluto at pagkatapos ay inilabas na niya iyon. She found JC sitting on the dining table. He was smiling at her as she walks. Nakagat niya ang kanyang dila. Why is he being weird today? natanong na lamang ni Hush sa sarili.

Inilapag ni Hush sa lamesa ang dala niyang kanin at ulam. Umupo siya sa upuan kaharap ng kay JC.

"Kain na tayo," sabi niya rito.

Tinikman ni JC ang niluto ni Hush at pagkatapos ay tumango-tango ito. "Masarap ka magluto. Magsisisi ang mga restaurants kung hindi ka nila tatanggapin," anito.

Natawa siya sa sinabi ng lalaki. "Sa tingin ko naman walang magsisisi. Nag-text sa akin ang HR ng Food Blaze. Pinababalik nila ako sa susunod na araw. May good news daw sila sa akin," kwento niya rito.

"Really? Wow. Tama lang ang ginawa nila."

"Ano na nga pala ang balak mo pag-alis ko dito? Babalik ka na sa Hacienda Fajardo?" tanong ni Hush sa lalaki. "Sayang naman ang pag-uwi mo ng Pilipinas. You must be with Sanji and Sean. Matagal din kayong hindi nagkita."

"Hindi ko pa alam. Pwede naman akong bumalik sa hacienda kahit bukas na."

Tumango-tango si Hush. Nang matapos silang kumain ay kumilos na kaagad siya. Bitbit ang kanyang bag, lumabas si Hush ng silid. Naabutan niya si JC na nanonood ng T.V. Napalingon ito sa kanya.

"Aalis ka na?" tanong nito sa kanya.

"Oo," sagot naman niya sa lalaki.

Tumayo si JC. "Ihahatid na kita."

"Huwag na. Ayos lang ako. Hindi naman masydong madami ang dala ko. Madali lang naman din ang magiging byahe ko."

Tinungo ni Hush ang pinto palabas. Paglingon niya ay nasa likuran na niya si JC. "Alis na ako," paalam niya rito.

But the man didn't respond. Nakatitig lamang ito sa kanya. Tinalikuran na ito ni Hush. She was about to take her first step when JC holds her left arm. Nilingon niya ito. Ngunit ang bumungad sa kanya ay ang mga labi ng lalaki. He kissed her. It was warm that she can't refuse.

Ah. When will she ever refuse?

"Bakit mo ginagawa ito?" tanong ni Hush kay JC nang maghiwalay ang mga labi nila.

Mabilis ang tibok ng kanyang puso. At pakiramdam niya ay lalabas iyon mula sa kanya ano mang oras. At isa lang ang tumatakbo sa kanyang isip nang dahil roon. She has to take a step back.

"Aalis na ako," paalam niyang muli sa lalaki.

Tinalikuran ni Hush si JC at mabilis na naglakad palayo rito. Napahawak siya sa tapat ng kanyang dibdib. She was scared. Ito ang iniiwasan niyang mangyari una pa lang.

Alas kwatro ng hapon nang makarating si Hush sa bahay ng kaibigang si Jane. Sinalubong siya ng kaibigan.

"Hi, Hush! I miss you," anito sa kanya at niyakap siya.

"Kaya pala hindi kita naabutan dito no'ng umuwi ako."

"Sorry na. Biglaan kasi yung naging lakad ko no'n. Nakaligtaan ko na parating ka. Saan ka nga pala tumuloy ng dalawang araw?" tanong nito sa kanya.

"Ha? Sa kaibigan ko. Oo, tama. Doon muna ako tumuloy sa kaibigan ko. Kaso babalik din siya sa Bicol kaya kailangan ko na lumipat."

"Bicol? Do you mean Spice?"

"Ah, hindi. May isa pa akong kaibigan na taga-Bicol."

"Ganoon ba? Mabuti na ring nandito ka para naman may kasama ako dito sa bahay."

"Bakit? Nasaan ang mga magulang mo?"

"Nasa Cebu sila ngayon. Nagbabakasyon. Kaya hindi ako patakas na naalis ng bahay ngayon," sabi nito sabay tawa. "So, what's up? Anong bago sa 'tin?"

Except from I'm not a virgin anymore?

Nginitian ni Hush ang kaibigan. "Pinababalik ako sa Food Blaze."

Sugar, Spice and Everything Hush:  HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon