Chapter Nine, Part Two

233 12 0
                                    

"NASAAN ka?" tanong ni Hush kay JC na nasa kabilang linya.

Nasa labas siya ng Food Blaze. Katatapos lang niyang makausap ang chairman ng kompanya at pumirma ng kontrata.

"Here," tugon ng lalaki sa kanyang tanong.

"Hmm?"

Itinaas ni Hush ang kanyang tingin. And there she saw JC standing outside his car looking gorgeous as ever. Quite tempting. Nginitian ni Hush ang lalaki at nilapitan ito.

"Kanina ka pa nandito?" tanong niya sa lalaki.

Umiling si JC. "Kararating ko lang. Tatawagan sana kita kaso naunahan mo ako. Are you done for today?"

Tumango siya. "I'm hired," aniya kay JC sabay ngiti nang malapad dito.

"Wow, Hush! Congrats!" tuwang-tuwang bati sa kanya ng lalaki at pagkatapos ay niyakap siya nito. "Let's celebrate. Tara!"

"Celebrate? Naku, hindi na kailangan."

"Anong hindi na kailangan? You are now part of Food Blaze. We should celebrate."

"Okay, fine," natatawang sagot niya sa lalaki. "Pero ako ang mamimili kung saan tayo pupunta."

"Saan mo naman balak pumunta?" tanong ni JC kay Hush.

Nginitian niya ang lalaki. "Basta hindi sa parking lot."

Napatikhim si JC. Natawa nang malakas si Hush dahil sa naging reaksyon ng lalaki sa sinabi niya.

"Give me your keys," sabi niya kay JC at inilahad ang kamay rito.

Napakunot ang noo ni JC.

"I'll be the driver," tugon niya sa reaksyon ng lalaki.

"Do you know how to drive?" tanong nito sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Not really."

Tumawa ang lalaki. "I think I'm going to like this trip," anito at inabot sa kanya ang susi ng sasakyan.

Sumakay na sila ng sasakyan at bumyahe papunta sa lugar kung saan gustong pumunta ni Hush.

Inabot ni JC kay Hush ang isang lata ng softdrinks at hotdog sandwich. "Bakit mo naman naisipang pumunta rito?" tanong sa kanya ng lalaki matapos nitong umupo sa kanyang tabi.

Tagaytay ang naisip ni Hush na puntahan. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang buong lugar.

"Yung kubo ko, alam mo namang iyon ang naging sanctuary ko buong buhay ko. Since wala ako ngayon sa Victoria Island, gusto kong pumunta sa isang magandang lugar."

"Pero sa kubo mo, lagi kang mag-isa. Ayos lang sa 'yo na may mga tao sa paligid mo ngayon?" tanong sa kanya ng lalaki.

Nilingon ni Hush si JC. "Masaya naman ako ngayon. Tama na yung magandang lugar na 'to para sa kasiyahan ko," sagot niya rito. "Do you like it here?"

Tumango-tango ang lalaki at ngumiti sa kanya. "It makes me smile."

Matamang tinitigan ni Hush ang lalaki. "Siguro naman pwede ko ng tanungin ang dahilan ng biglaang pag-uwi mo dito sa Pilipinas," aniya.

"Hmm?" nagtatakang nasambit na lang ni JC.

Nginitian niyang muli ito. "Kahit naman galit na galit ako sa 'yo no'ng dumating ka, gusto ko pa rin malaman kung ano bang dahilan ng biglaang pag-uwi mo. I'm still curious about your story. Akala naming lahat hindi ka na babalik."

Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ng lalaki. Iniwasan nito ang mga tingin ni Hush.

"Siguro iniisip mo na deserve ko naman ang nangyari sa akin," sambit ni JC.

Sugar, Spice and Everything Hush:  HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon