Chapter Ten, Part Three

253 13 0
                                    

"MABUTI naman at tinanggap mo na ang offer ng dad mo. He must be furious when you left the country. We all thought it was for good," ani Vincent. "What made you decide to go home?"

"Some things didn't work out."

Vincent is his good friend from Brit International School. Bumalik ng Manila si JC para makipagkita kay Vincent nang malaman ng kaibigan na nasa Pilipinas na siya. He thought that it's good to meet again with old friends once in a while.

"Dahil nandito ka na rin naman, baka pwede tayong mag-sosyo sa isang business. We can also have Roel invest, and Sanji and Sean. We can talk—"

Naputol ang sinasabi ni Vincent. Hindi na ito sa kanya nakatingin kaya naman sinundan niya ang direksyon ng mga mata nito. He saw a woman standing beside him. He couldn't see her face clearly but she looks like someone who could kill that instant.

Ipinatong ng babae ang tuhod nito sa upuan. Unti-unti nitong inilapit sa kanya ang mukha nito. And then he was dumbfounded when he got a clear look at her face.

Hush?

Bago pa makapagsalita si JC ay kaagad dumampi ang mga labi ni Hush sa kanya. Na-estatwa na lamang siya mula sa kanyang kinauupuan. Tama nga siya. This woman killed him that instant.

Lumayo na si Hush kay JC. Tinapik-tapik siya ng babae sa kanyang balikat.

"Thanks," sabi nito sa kanya at pagkatapos ay tumayo na.

Tinalikuran siya ng babae. Gano'n na lang ang bilis ng kilos ni JC nang mapansin niyang matutumba si Hush. Tumayo kaagad siya mula sa kanyang kinauupuan at dinaluhan ang babae. She passed out.

"Hush!"

Lumapit ang dalawang babae at dalawang lalaki sa kanila. Itinaas ni JC ang tingin sa mga ito. Namukhaan niya ang isang babae. Ito ang kaibigan ni Hush kung saan ito nakikituloy ngayon.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni JC kay Jane.

"We had a little game. Medyo naparami ang inom niya," sagot naman ng babae.

"Ano yung ginawa niya kanina?"

"Ah. Iyon? Consequence niya 'yon kasi hindi niya nau—"

"Paano kung hindi ako ang nilapitan niya?" putol ni JC sa pagsasalita ng babae. Binuhat niya si Hush. "Ako na ang maghahatid sa kanya."

"Saglit," pigil ni Jane sa kanya. Inabot nito sa kanya ang susi. "Ito ang susi ng bahay. Wala naman doon ang parents ko kaya walang magtatanong sa 'yo."

Kinuha ni JC ang susi mula kay Jane at pagkatapos ay naglakad na siya. Ngunit nang makalagpas siya sa babae ay huminto siya sa paglalakad. Nilingon niya ito.

"I'll let this pass. So, don't tell her you saw me," aniya sa babae at pagkatapos ay tuluyan na niya itong tinalikuran. Tinungo niya ang daan palabas ng naturang bar.

Iniupo muna ni JC si Hush sa may bench sa labas ng bar para tumawag ng taxi. Mabuti na lamang ay maraming dumadaan doon kaya nakahanap kaagad siya ng masasakyan sa loob lamang ng dalawang minuto.

Binalikan ni JC si Hush. Naabutan niya itong nakahiga na sa upuan.

"I'm suppose to meet you again in a sexy way. Why do I have to see you like this?"

Napabuntong-hininga na lang si JC. Binuhat niyang muli si Hush at isinakay sa taxi.

Nilingon ni JC si Hush na nasa kanyang tabi. The car was filled with silence, but he can hear his heart drumming, and his mind wanting to gamble. Ngunit ano nga ba ang maibibigay niya? If he would try to do something right now, he will hurt Hush again.

Will you wait for me?

Why would he ask her that? It's not like Hush will wait for him. Alam niya kung gaano kabigat ang sakit na naidulot niya sa babae. Asking her for a favor is like asking her to jump in the river. At hindi niya alam kung ang nararamdaman ni Hush para sa kanya ay tulad pa rin ng dati.

Nakarating sila sa bahay ng kaibigan ni Hush at diniretso niya ang huli sa isa mga silid doon. Inihiga ni JC si Hush sa kama. Umupo siya sa tabi ng babae. Tinitigan niya ito at napabuntong-hininga.

"What should I do to you?" tanong niya sa walang malay na babae.

You're making me crazy. Wala siyang nagawa kung hindi matawa na lang sa sarili.

Dinukot ni JC sa bulsa ang kanyang cell phone nang tumunog iyon. An unknown number was registered on the screen. At sa tingin niya ay tawag iyon mula sa ibang bansa. Nakukutuban niya kung sino iyon. Nagpalit na siya ng number dalawang buwan na ang nakakalipas ngunit gusto niya pa ring makasiguro. Sinagot ni JC ang tawag.

"Hello?"

"Hi, babe. Did you miss me?"

Tama nga siya. He knew it after hearing her voice. Kahit hindi ito magpakilala ay kilala niya ang boses ni Angel. Alam niya kahit ang pagbuka ng bibig nito. He knew almost everything about her. He was just too dumb to not know her real intention.

"What do you want?" matigas na tanong ni JC kay Angel.

"You."

"Don't you ever call me again."

"Why? Do you think I'm joking? Babe, do you want me to go there just to prove to you—"

"Don't you..." Mahigpit na napahawak si JC sa kanyang cell phone. "...dare appear before me!"

Kaagad na tinapos ni JC ang tawag. Nanginginig ang mga kamay niya. Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha.

Sugar, Spice and Everything Hush:  HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon