Chapter Twelve, Part Three

267 12 1
                                    

IPINASOK ni Hush sa loob ng microwave oven ang pangalawang tray ng cookie mixture. Maliit lang ang oven nila sa bahay kaya kailangan niyang paghati-hatiin ang mixture na ginawa niya. Ipinangako kasi niya kay Blare kahapon na gagawa siya ng cookies para sa mga kaklase nito.

Ang mga nalutong cookies ay isa-isa niyang isinilid sa mga pakete at tinalian iyon ng ribbon. Maya-maya pa ay tumunog na ang oven, hudyat na tapos nang maluto ang cookies na isinalang niya. Kinuha niya ang cookies sa loob at ipinatong iyon sa lamesa.

Tumunog ang cell phone ni Hush na nakapatong sa lamesa. Sinilip niya kung sino ang tumatawag. Natigilan siya nang makita ang pangalan ni JC. Hindi niya alam kung sasagutin niya ba ang tawag o hindi. Kahapon ay bumalik ang lalaki sa kanilang bahay ngunit hindi niya ito hinarap. She acted like no one's home.

Hindi pa siya nakakapagdesisyon nang biglang natigil ang pag-ring ng kanyang cell phone. Nakahinga nang maluwag si Hush. Ngunit hindi iyon nagtagal nang bigla na namang tumawag si JC. Huminga ng malalim si Hush. She accepted the call.

"Hello?"

Walang ibang naririnig si Hush kundi buga ng hangin mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya.

"Hello?" ulit pa niya.

"Can you come in my office?" tanong ni JC.

"Ngayon na?"

"Oo."

"Sige. Pero tapusin ko lang muna itong ginagawa kong cookies. Dadalhin 'to ni Blare mamaya sa school nila," tugon niya sa lalaki.

"Okay. I'll wait."

Ipinatong muli ni Hush ang kanyang cell phone sa lamesa nang matapos ang tawag ni JC. Saglit siyang natigilan ngunit pinilit niya ang sarili na kumilos. Tinapos na lamang niya ang ginagawang cookies.

Kaagad na umalis ng bahay si Hush nang makapagbihis siya at tinungo ang Food Blaze. Nang makarating siya roon ay umakyat siya sa ikalawang palapag para makapunta sa opisina ni JC.

Napahinto si Hush sa tapat ng pinto ng opisina ng lalaki. Humugot siya ng malalim na hininga bago niya nakuhang kumatok sa pinto. Pumasok siya sa loob at naabutan niyang nakatayo at nakatingin sa labas ng bintana si JC. Inilibot ni Hush ang mga mata sa opisina ng lalaki. Napansin niyang halos kumpleto na ang gamit doon at mas maayos na tignan kesa sa unang punta niya roon.

Nilingon siya ni JC. Lumapit naman siya rito. Kinuha ng lalaki ang isang folder sa lamesa nito at iniabot sa kanya. Tinanggap naman iyon ni Hush at kaagad na binuksan para tignan kung ano ang laman niyon.

"Iyan ang mga profile ng mga na-hire ng recruitment para makasama mo sa kusina. They will be trained in Manila for a month. Pagkatapos niyon ay ipapadala na sila dito. Bago magbukas ang branch natin, ite-train mo sila. You have to deal with them because you are their head chef," ani JC.

Tumango-tango si Hush bilang tugon sa lalaki. Ibinalik niya ang tingin sa laman ng folder at isa-isang binasa ang mga iyon.

"May iba pa ba tayong pag-uusapan?" tanong ni Hush kay JC.

Itinaas niya ang tingin. Bago niya pa namalayan ay nasa harapan na niya ang lalaki at matamang nakatingin sa kanya.

"Bakit?" tanong niya pa rito.

"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong ng lalaki sa kanya. "May nagawa ba akong mali?"

Ipinatong ni Hush ang hawak na folder sa lamesa. "Hindi malayo ay magbubukas na ang Food Blaze. I realized that we should start to act the way we should. Pwede tayong mag-usap kapag may kinalaman lamang sa Food Blaze at sa trabaho ko. Mas maganda na 'yon para maging maayos ang takbo ng Food Blaze dito sa Victoria Island."

"Is this because of Angel?"

"Marami pa tayong aasikasuhin bago magbukas ang branch. Huwag nating kainin ang oras ng isa't isa para sa bagay na wala namang kinalaman sa trabaho natin," ani Hush kay JC. "Kung wala na tayong pag-uusapan, aalis na ako."

Walang lingon-lingong tinalikuran ni Hush si JC at naglakad. But something caught her ears. She heard him said those words.

"Mahal kita."

Natigilan sa paglalakad si Hush dahil sa narinig mula kay JC.

"Mahal kita, Hush," ulit pa ng lalaki.

Nanghihina ang mga tuhod ni Hush. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Pinipilit niyang igalaw ang kanyang mga paa ngunit hindi niya magawa. Ibang klaseng ingay ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.

"Stay away from JC."

Napahawak si Hush sa laylayan ng kanyang damit. Nahigit niya ang kanyang hininga.

"Of course, you cannot have what's not yours. Have some manners."

Sunud-sunod niyang naririnig na nagsasalita si Angel sa kanyang isipan. Napahawak siya sa kanyang ulo.

"Don't be such a baby. You were just a past time for JC. Good for nothing."

Nakagat ni Hush ang kanyang labi para pinigilan ang nagbabadyang pagtulo ng kanyang mga luha.

"I'll bring JC back in Italy. So, stay away from him from now on. Or you can get lost. I don't care."

Hush gathered all of her energy to take astep. Nagtagumpay siya at iniwan si JCsa opisina nito nang hindi lumilingon.

Sugar, Spice and Everything Hush:  HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon