Chapter Eight, Part One

246 11 2
                                    

IT was a gentle kiss. Napapikit si Hush nang dahil doon. 'Di nila alintana na nasa pampublikong lugar sila. But Hush grabbed her breath. Pinilit niyang ilayo sa kanya si JC.

JC looked at her straight in the eyes. He looked at her with his irresistible eyes. Nakagat ni Hush ang kanyang labi. Ikinawit niya ang magkabilang braso niya sa batok ng lalaki. She decided to let go of it. Kaya siya na mismo ang humalik sa lalaki. She gave him a kiss that she never gave to any man.

At biglang bumagsak ang ulan. Iyon lamang ang nakapagpahiwalay sa kanilang dalawa. Itinaas ni Hush ang dalawa niyang kamay at hinarang iyon sa kanyang ulo.

JC grabbed one of her hand. Hinila siya nito papunta sa may silong. May kalayuan ang tinakbo nila bago sila nakarating sa may silong kaya naman basang-basa sila nang makarating doon. Napayakap si Hush sa kanyang sarili. Cold air started blowing.

"Nilalamig ka ba?"

Nilingon ni Hush si JC. Tumango siya sa lalaki bilang tugon.

"Let's get inside the car. Nando'n ang jacket ko," anito.

Bago pa maka-tugon si Hush ay inakbayan na siya ni JC. Nilingon niya ang lalaki. Bakit ang sexy niya pa rin tignan kahit na basang-sisiw na kami?

Tinungo nila ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ng lalaki. Pagkarating nila roon ay kaagad silang pumasok sa loob ng sasakyan. Hush can't stand the cold. Iyon ang pinaka-ayaw niya. Mahina siya sa lamig.

Inabot ni JC ang jacket nito sa likuran. Tinulungan siya ng lalaki na isuot ang jacket dahil nanginginig na siya sa lamig.

"Okay ka na?" tanong nito kay Hush.

Umiling siya. "Medyo matagal bago ako maka-move on sa ganitong lamig. Bakit naman kasi bigla na lang bumagsak ang ulan," aniya sabay silip sa labas. It's still raining heavily.

"Ngayon mas lalo ko nang naintindihan."

Nilingon ni Hush si JC. Napakunot-noo siya dahil sa sinabi nito.

"Ang alin?" tanong niya sa lalaki.

"Kung sa lamig pa nga lang matagal ka na maka-move on, sa ginawa ko pa kaya sa 'yo," sabi pa ni JC.

Halos magpulupot na ang dalawang kilay ni Hush dahil sa pagtataka. "Ha? Ano bang sinasabi mo diyan?" tanong niya pang muli sa lalaki.

Tinitigan siya nito sa mga mata. "Alam ko kung bakit galit na galit ka sa 'kin, Hush."

"Alam mo na?"

Tumango si JC. "Of course. You thought that I resisted you because I don't like you. The truth is I like you that's why I resisted you. Magkaibigan tayo noon at ayokong maging komplikado ang sitwasyon natin. I didn't mean to hurt you that way. Nasabi ko ang mga iyon para pigilan ka. I don't want to hurt you more. But I guess it's too late to say sorry. Hindi ko alam na ganito pala ang kahihinatnan ng mga sinabi ko. Kaya pumayag ako sa gusto mo. Kung iyon lang ang paraan para mapatawad mo ako, gagawin ko," anito.

"Binalaan na ako dati ni Spice. But I was too blinded. Ito lang..." Tinuro niya ang kanyang puso. "...ang kaya kong paganahin dati. The rest of my body was shut. Ang bata ko pa noon para maramdaman 'yong gano'n. Hindi ko pinangarap na maging ganito ang takbo ng buhay ko. I was really furious and there's no way to turn back down."

"I'm sorry, Hush. Pero sa tingin ko ay may dahilan kung bakit talaga nangyari iyon. You had the purest heart when I met you and I don't. But people change, Hush. We can never be the same person seven years ago."

That's what she also thought. Tumango-tango siya.

"Siguro nga tama ka. We can never be the same person seven years ago," aniya at pagkatapos ay pumatong siya kay JC.

Sugar, Spice and Everything Hush:  HushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon