" Hey sleepy head, wake up. We're here"" What?" I grumbled with my eyes still closed
" Andito na tayo. Gusto mo ba malate? Ako mismo mag dadala sayo sa Disciplinary office"
At dahil sa sinabi nya napilitan akong lumabas sa kotse nya
Ugh! Inaantok pa ako eh!
" Napuyat ka ba?" Mia asked me
" Hmm. Nanood ako ng K-drama eh"
" Tss, sinabi ng wag kang magpupuyat"
" Oo na po, last na yun"
"May vacant hours ka naman yata so dun ka na lang matulog"
" Yah. Dito na ako"
" Hmm. Bye"
Naghiwalay na kami ng daan ni Mia.
AFTER ng tatlong subject. May 2 hours vacant ako kaya andito ako ngayon sa rooftop
I dunno why pero nagugustuhan ko na ang lugar na to.
Naupo ako dun sa may kabilang side at saka sumandal sa may pader
Naglagay ako ng headset sa tenga ko bago ipikit ang mga mata ko
Ugh. Heaven.
NAGISING ako ng maramdaman kong may kakaiba.
At tama nga ako! Sa pagkakatanda ko, pinikit ko ang mga mata ko kanina ng wala akong kasama so kaninong balikat nakapatong ang ulo ko?
" Gising ka na?"
Shin? What the heck is he doing here?
Umayos ako ng upo at napatingin sa relo ko
Whoa! Halos isang oras at kalahati din pala akong nakatulog!
Tumingin ako kay Shin na kasalukuyang ginagalaw-galaw ang balikat
" K-kanina ka pa ba dito? " I asked him
" 1 hour ago? Ewan." he shrugged
What the... 1 hour ago?!
" Pagdating ko kasi dito nakita kita na pabagsak na saka hindi ka comfortable kaya naupo ako sa tabi mo at sinandal ang ulo mo sa balikat ko" mukhang nabasa nya ang kanina pa gumugulo sa isip ko
" U-uh ganun ba? Thank you"
He smiled
Tumayo na ako at nag paalam sa kanya
" I'll go ahead, may klase pa kasi ako"
" Hmm. Bye"
" Yeah, thank you ulit"
Tumalikod na ako at naglakad na paalis
Napapansin ko lang, parang lagi na kaming nagkikita or nagkakasama ni Shin
Wala lang naman siguro yun... Diba??
Malapit na ako sa room ng lapitan ako ni Sheena, one of my girl classmates
" Hoy Bree! Bilisan mo! Someone is waiting for you"
I looked at her with a curious expression
" Who?" She just shrugged and smiled at me
" Basta. Pumasok ka na lang sa loob"
Nagtataka man ay pumasok parin ako sa loob
Isang lalaki ang nasa loob, may hawak na malaking teddy bear at flowers
YOU ARE READING
Just A Dream (COMPLETED)
Teen Fiction" Do you regret it?" " Alin?" " Do you regret what happened between us?" " Y-yes....".... "I think...I think Falling inlove with you was a big mistake" "I-ikaw ba? Do you regret it? " " No.. " " Meeting you was the best thing that ever happene...