3 days na ang nakalipas ng huli kaming mag usap ni Shin. Kalat narin sa school na wala na kaming dalawa, hindi ko narin sya sinubukang lapitan o kausapin pa gaya ng gusto nya. Kaya nga sobrang gulat ko kasi after 3 days, heto sya at nasa bahay." Bree, gising ka na pala" nakangiting sabi ni daddy
" Hindi na namin nasabi sayo ang tungkol dito. Gusto kasi namin makausap si Shin"
Tumango na lang ako sa parents ko at naglakad palapit sa kanila.
Hindi sya nakatingin sa akin at hanggat maaari ay yun din ang gusto kong gawin.
Naupo ako sa tapat nya.
11:30 am na. siguro kanina pa sya andito? Ewan. Napuyat kasi ako kagabi.
" Shin ijo, natawagan na namin ang parents mo, nasabi na nila sa amin ang lahat, kung paano ka napunta sa kanila at sinabi rin nila na babalik sila dito para mapag usapan ang tungkol dito, at kung maaari.. Gusto sana namin na dito ka na muna tumuloy sa bahay"
O_________O
" Hindi pa naman sure na sya talaga si Kuya Bryan"
Ramdam kong sa akin sila nakatingin.
Sh*t ka talaga Bree! Dapat sa isip lang yun eh! Kinarer mo teh? Kadaldalan lang talaga.
" Bree, nasa kanya yung kwintas. Alam kong sya si Bryan, ang kuya mo"
Kuya ko.
" What if napunta lang pala sa kanya yun? Hindi pa tayo sigurado mommy"
" Sa akin yun"
Gusto ko syang tignan ng magsalita sya pero pinigilan ko ang sarili ko.
" Bat di tayo magpa DNA test para maka sigurado?" dagdag ni Daddy
" Dad , hindi natin kailangang gawin yun---
" Bridgette"
Napa 'shut up' ako dahil sa tono ng pananalita ni Mommy.
" Fine. DNA test" I said
" Sige, mag papa DNA test tayo, pero gusto ko na habang hindi pa lumalabas ang result ay dito muna titira si Shin, nagkakaintindihan ba tayo?" Maowtoridad na sabi ni Mommy
" Shin ijo, okay lang ba sayo yun?" Tanong ni daddy kay Shin
Shin stayed quiet
" Shin, sana maintindihan mo tong ginagawa namin. Para sa akin hindi na kailangan ng DNA test na yan kasi nong una kitang nakilala sa hospital, magaan na agad ang pakiramdam ko sayo, nakita ko na agad ang anak kong si Bryan sayo. Saka mas mabuti ng masanay ka dito sa bahay kasama kami kasi sigurado na ako sayo"
" S-sige po"
Napangiti si Mommy at Daddy samantalang ako ay hindi na alam ang gagawin.
Sa iisang bahay na kami titira, pinangarap ko to. Pinangarap kong tumira sa isang bahay kasama sya hindi bilang kapatid kundi bilang asawa.
After a few minutes...
" Sige na po, aalis na po ako para makuha ang mga gamit ko"
" Sige, take care okay?"
" Yes po Tita---
" Mommy. From now on, I want you to call me, Mommy. "
" O-okay po... Mommy"
Sa halip na matuwa ay mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko.
Kung panaginip lang po ito, sana gisingin nyo na ako.
" Sige, iintayin ka namin dito"
Umalis na si Shin kaya kami na lang tatlo ang naiwan.
" Oh, kaninong phone to?"
Napatingin ako sa hawak ni Daddy
" Kay Shin po ata yan" I said
" Nasa labas pa yun. Ibigay mo muna"
Tinuro ko yung sarili ko
" A-ako po, dad?"
Daddy nodded at me
" Yes, go. Habulin mo na"
I sighed.
Kinuha ko yung phone ni Shin at patakbong lumabas sa bahay.
Saktong bukas ko ng gate ay ang syang pagpasok nya sana
" A-ah. Di ka pa nakakaalis?"
Katangahang tanong. Syempre hindi! Gaga Bree? Kung nakaalis na yan edi sana wala na sya sa harapan mo.
Bago pa sya makapag salita ay inunahan ko na sya
" Here. Nakalimutan mo" Binigay ko sa kanya yung phone nya na agad naman nyang tinanggap. Kaya siguro pabalik sya sa loob para balikan yung Cellphone nya.
Mabuti pa ang Cellphone, binabalikan. Samantalang ako, iniwanan lang.
Okay, tama na sa hugot, ako lang din nasasaktan eh.
Naglakad na sya paalis.
" Shin!" I said when he was already several meters away from me
Tumigil sya sa paglalakad pero di naman sya humarap sa akin
Naglakad ako papalapit sa kanya
" Bat pumayag ka sa gusto ni Mommy?" Tanong ko ng nasa harapan nya na ako
" What?"
Oh. I miss his voice
" P-pwede ka namang humindi diba? Hindi ba dapat tumira ka lang dito sa bahay kung sigurado na?"
Okay. Alam kong sobrang obvious na masyado na ayaw ko syang makasama sa bahay, pero aaminin ko naman na GUSTO ko talaga syang makasama pero hindi naman bilang magkapatid no!
" Hindi ko rin alam" he spoke calmly
Great! Buti naman at hindi na sya cold.
" Magaan ang pakiramdam ko sa Mommy mo" He added
Maglalakad na sana ulit sya pero nagsalita ulit ako.
" Gusto mo bang maging kapatid ako?"
Hindi sya sumagot
" Kasi ako.. Ayokong maging kapatid ka"
Nanatili parin syang tahimik. Sinubukan kong hulihin ang mata nya pero mailap sa akin ang mga ito
" M-mahal parin ki--
" Enough, Bree. Enough for this damn thing"
Umalis na sya pagkatapos nun. Hindi ko narin sya pinigilan.
I was not the type who cries easily but I couldn't help it.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago pumasok sa loob. Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa kwarto.
Mga ilang minuto na akong nakadapa sa kama ko ng bumukas ang pinto.
" Baby? You okay?"
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at humarap kay Daddy
" Sinusubukan kong maging Okay daddy. Pero ang hirap eh"
Naupo si daddy sa kalapit ko
" Alam kong mahirap, alam kong masakit. Pero kailangan nating tanggapin ang katotohanan"
" Alam ko naman po yun Daddy. Masaya dapat ako kasi Finally! After ng ilang taon, nakita na natin sya. Okay lang naman sana kaya lang...." tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha sa pisngi ko. Agad akong niyakap ni Daddy na mas lalong nagpaiyak sa akin " K-kaya lang bat si Shin pa? Bakit.. B-bakit yung taong mahal ko pa? "
" Daddy... Ayoko.. a-ayoko syang maging kapatid...ayoko daddy.. P-please? M-mahal ko sya eh.. M-mahal ko si Shin"
****
YOU ARE READING
Just A Dream (COMPLETED)
Teen Fiction" Do you regret it?" " Alin?" " Do you regret what happened between us?" " Y-yes....".... "I think...I think Falling inlove with you was a big mistake" "I-ikaw ba? Do you regret it? " " No.. " " Meeting you was the best thing that ever happene...