Chapter Eighteen

1 0 0
                                    


" Aalis na kayo Dad?"

Hinalikan muna ako ni Dad si pisngi bago sumagot

" Yes baby, may imemeet akong kliyente mamaya"

" Ah. Si Mom po? Kasabay nyo na?"

" Yup baby! Sasabay na ako sa Dad mo"

Biglang nagsalita si Mommy sa likuran ko

Gaya ng ginawa ni Daddy kanina, hinalikan nya rin ako sa pisngi

" Mauuna na kami ng Mommy mo, huh? Pag maypupuntahan ka text mo na lang kami"

" Yes dad. Actually may pupuntahan nga po ako"

" Okay baby, take care okay? I love you"

" I love you too Mom"

Nag paalam na sila sa akin pareho at saka umalis na.

Ako naman pumunta sa kwarto ko at pumili na ng damit na maisusuot ko sa date namin ni Shin.

Napangiti ako ng makita yung isang dress na gift ni mommy sa akin nong nakaraang birthday ko.

Ito na lang siguro.

After ng ilang minuto, nakaligo na ako at nakapag bihis.

Kunting powder lang ang nilagay ko sa mukha ko then, yun na.

Kinuha ko yung phone sa ibabaw ng kama ko ng mag ring ito

Ukizawa Calling...

[ Morning Bree]

' Good morning, Ukizawa'

[ Are you ready?]

' Yup. Ikaw?'

[ Andito ako sa labas ng bahay nyo]

' Wait, what?! Anjan ka sa labas?'

Agad kong kinuha yung sling bag ko at lumabas ng bahay

[ Yup]

' Intayin mo na lang ako jan'

Ibinaba ko na yung phone at dali-daling lumabas ng bahay.

Pagkabukas ko pa lang ng gate, bumungad na sa akin si Shin na prenteng naka sandal sa kotse nya

I looked at him from head to toe.

He was just wearing a plain T-shirt and jeans.

Hindi ko na lang namamalayan, nasa harapan ko na pala sya.

" Ang ganda mo" He whispered in my ear while hugging me.

" I know"

Humiwalay sya sa akin at tinignan ako sa mukha

" Why? May problema ba? Nakasimangot ka"

" Nah. Naisip ko lang kasi, ang simple ng suot mo pero ang gwapo mo. Asan ang hustisya dun?"

He let out a little laugh then ginawa na naman nya ang paborito nyang gawin.

" Inayos ko tong buhok ko ng ilang minuto tapos guguluhin mo lang?" nakabusangot na sabi ko sa kanya habang inaayos ang buhok ko

" So, let's go? "

I nodded

" Tara. "

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya at saka ako sumakay.

Sa Mall lang naman kami punta. Okay lang naman kahit saan basta sya ang kasama ko okay lang.

Pagdating namin sa Mall, agad kong hinikit si Shin papunta sa isang store.

Just A Dream (COMPLETED) Where stories live. Discover now