Isang buwan na ang nakalipas simula ng maging kami ni Ukizawa.Yeah! 1 month na at 1st monthsarry namin ngayon! Yiiee!
Ito na nga ako at nag dra-drive na papunta sa Condo nya, dun kami mag cecelebrate kasama ang Level 4 at syempre hindi mawawala sa eksena ang Bestfriend ko.
Gamit ang isang kamay ko, nag text ako kay shin.
To : Ukizawa
Papunta na ako jan :)
Sent! 10:25 am
Shin's Pov~
( A/N : Extra natin si Ukizawa ^_^)
" Ano? Na contact mo na ba sya, Mia?"
Lumingon sa akin sa Mia, hawak parin ang cellphone
" Hindi eh. B-baka naman na traffic lang?"
Muli kong tinignan ang text nya sa akin kanina.
Alas dyes ko pa na received yun. Ala-una na ngayon
" Sana nga na traffic lang"
Sinubukan ko ulit syang tawagan pero wala parin.
" Bro, Chillax lang--
" Bree! "
Lahat kami ay napatingin kay Mia ng banggitin nya ang pangalan ni Bree
Tumingin sya sa akin at tinuro yung phone nya.
" Loudspeaker mo" I said then she nodded
" Bree! Where are you? Kanina ka pa namin iniintay dito! Nag aalala na kami sayo"
[ Ms. Mia?]
" Wait, you're not Bree. Sino to?"
Mas tumindi yung kaba sa dibdib ko.
Damn it Bree! Where the hell are you?
[ We called you to let you know that the owner of this number was caught in a car accident---]
Dumulas sa kamay ni Mia yung Cellphone nya.
" C-car accident? " Naiiyak na sabi ni Mia.
Nanatili lang akong nakatayo. Di makagalaw dahil sa narinig ko.
" Tara na sa Hospital!" sigaw ni Allen na kumuha sa cellphone ni Mia sa ibaba.
" BREE! OH MY GOSH! GISING KA NA!"
Tinakpan ko yung isa kong tenga dahil sa lakas ng boses ni Mia. Di ko naman magamit yung isa kong braso kasi may bali.
" Mia. Ang ingay mo. Manahimik ka nga" saway ko dito
Lumapit sya sa akin at niyakap ako
" Ano ba Bree?! Pinag alala mo kami! May masakit ba sayo huh? Ano?"
" H-hey... Get off... C-cant breathe"
Agad naman syang dumistansya sa akin
" Bali lang naman ang natamo ko. Di naman malala yung aksidente"
" Aish! Kahit na! Halos mamatay na kami sa pag aalala sayo!"
" Asan nga pala si Ukizawa---Oh. Ayan na pala"
" Gising na si Bree!" masayang anunsyo ni Mia
" Bree! Buti naman at gising ka na. Kanina pa di mapakali tong kaibigan namin eh" tinuro pa ni Allen si Shin sa likuran nya
YOU ARE READING
Just A Dream (COMPLETED)
Teen Fiction" Do you regret it?" " Alin?" " Do you regret what happened between us?" " Y-yes....".... "I think...I think Falling inlove with you was a big mistake" "I-ikaw ba? Do you regret it? " " No.. " " Meeting you was the best thing that ever happene...