Chapter Twenty-Two

2 0 0
                                    


Dalawang Linggo na ang nakalipas at balik na naman sa normal na araw.

"  Naku, sarap dukutin ng mga mata ng mga tsismosang to"

" Don't mind them. Inggit lang sila kasi akin si Shin Ukizawa"

" Wow ah. Maka akin ka jan?"

Tinawanan ko na lang si Mia.

Medyo nasasanay naman na ako sa mga presensya ng mga estudyanteng walang alam kundi ang pag tsismisan ako. Unti-unti na akong nasasanay sa mga tingin nila na halos gusto na akong patayin. Kumalat na kasi na Girlfriend na talaga ako ni Shin. Walang makapanakit sa akin, takot lang nila kay Shin no. Haha

" Hoy, Free ka mamaya? Tara sa mall"

" I can't. May plano na kami ni Shin mamaya"

Pinaningkitan nya ako ng mata

" Bakit?"

" Ang laki na talaga ng pinagbago mo"

Natawa ako dahil sa sinabi nya

Talaga?

" Dati, ikaw pa ang nag aaya sa akin tapos ngayon tumatanggi ka na?"

I shrugged

" Si Kenji na lang. Available yun"

" Bat nadamay ang lalaking yun?"

" Bakit nga ba? Ikaw Mia ah. Hindi ka nag kwekwento sa akin"

" Kasi wala akong ikwekwento sayo"

At tinapos namin yung lunch time namin ng puro asaran ang alam.

Dumating na ang time ng uwian at andito na ako sa kotse ni Shin.

" Daan muna tayo ng convenience store?" I asked him

" Sige."

Bumili lang muna ako ng mga chips at dumeretso na kami sa Condo nya.

Agad akong naupo sa couch at binuksan yung TV.

Yes, feeling at home ako. Haha sanay naman na ako dito sa Condo nya eh.

Horror ang pinapanood ko ngayon, si Shin nasa kitchen yata.

Naka focus lang ako sa panonood at nandun na ako sa scene na bumaba yung bata para tignan kung ano yung nasa ilalim ng higaan nya ng biglang...

" Bree---

" Waahhhhh! "

Dahil sa gulat ko, natangko ko yung kamay ni Shin na may hawak na orange juice. Ayun, basa tuloy ang damit ko.

Bat kasi nagsasalita bigla eh?

" Ow. Sorry"

" Hindi, okay lang. Pahiramin mo na lang ulit ako ng damit mo"

" Sige"

Umalis na ulit si Shin para siguro kumuha ng damit at ako naman ay pinatay na lang yung TV.

Sinaksak ko para mamatay. Char lang!

" Oh. Magpalit ka na."

Tumango na lang ako at pumasok sa CR.

Mga ilang minuto lang ay lumabas narin ako.

Nakita ko si Shin na prenteng nakaupo sa couch sa living room kaya naglakad ako papalapit sa kanya.

Handa na sana akong gulatin sya kaya lang mukhang ako ang nagulat

Inagaw ko yung phone nya sa kamay nya

Just A Dream (COMPLETED) Where stories live. Discover now