11 :30 am ng magising ako. Buti na lang at Saturday ngayon kaya walang pasok.Pumunta muna ako sa CR para tignan ang sarili.
Ugh. Sabi ko na nga ba.
Sobrang pugto ng mata ko.
Napabuntong hininga na lang ako bago mag hilamos.
Lumabas ako ng banyo at Kinuha yung phone ko na nasa ilalim ng unan ko
Tinawagan ko agad si Mia, mga ilang ring pa lang ay sinagot narin nya agad.
" Mia, pwede ba akong pumunta jan?"
[ Sure. Gusto talaga kita makausap about dun sa kagabi. May dapat kang ipaliwanag sa akin]
" Hmm. Intayin mo ako jan"
Pagkababa ko ng phone ay agad narin akong nagpalit ng damit.
Pagdating ko sa baba, agad akong dumeretso sa kitchen at dun ko naman nakita si Mommy, daddy at Shin.
Busy silang tatlo sa pagluluto at di ko alam kung anong meron.
" Ah, Mommy? Daddy? " pagkuha ko sa atensyon nila na success naman kasi pati si Shin ay napalingon sa akin
" Oh? Morning Baby. Mabuti naman at gising ka na" nakangiting sabi ni Mommy sa akin
" Mukhang may pupuntahan ka yata?" dagdag ni Daddy
I nodded
" Ah. Kina Mia po sana?"
" Sige. Pwede naman. Basta make sure na andito ka na sa dinner okay? Dadating ang parents ni Shin"
" Oo nga nak. May surpresa din kami sa inyong dalawa" dagdag ni Mommy sa sinabi ni Daddy
" Sige po. Una na po ako"
Agad na akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko.
Pagdating ko sa bahay nila Mia, agad nya akong sinalubong.
" Tara sa kwarto ko"
Agad akong dumapa sa kama nya Pagdating namin sa loob ng room nya.
" May dapat ka pang ikwekwento sa akin, anong nangyari kagabi? Bat umalis ka kasama si Clyde? Akala ko nag tanan na kayo eh"
I sighed
" Nakita ko na yung result ng DNA test namin ni Shin"
Dumapa rin sya sa tabi ko.
" Oh? Anong result? Positive or negative?"
Isinubsob ko yung mukha ko sa unan nya ng maramdaman kong tutulo na naman ang mga luha ko
" Di mo na kailangang sagutin. Sa reaction mo pa lang alam ko na agad, halika dito"
Hinikit nya ang braso ko at agad naman nya akong niyakap kaya mas lalo akong napaiyak.
" Mia, bat s-sya pa? Bat si S-shin pa?"
Patuloy nya lang akong inaalo.
" Ang sakit. Ang s-sakit-sakit"
" Nagsisisi ka na ba?" She suddenly asked
" A-about what?"
" About sa nangyari sa inyong dalawa, pinagsisisihan mo na ba?"
Mas lalo akong naiyak dahil sa tanong nya
" Di ko alam Mia. Di ko alam"
Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon at aaminin ko, naisip ko narin naman na WHAT IF? What if di naging kami? What if di nangyari ang lahat ng to? Siguro di ko mararanasan ang nararanasan ko ngayon, Siguro di ko mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon, siguro...siguro masaya kami, siguro masaya ako.
YOU ARE READING
Just A Dream (COMPLETED)
Ficção Adolescente" Do you regret it?" " Alin?" " Do you regret what happened between us?" " Y-yes....".... "I think...I think Falling inlove with you was a big mistake" "I-ikaw ba? Do you regret it? " " No.. " " Meeting you was the best thing that ever happene...