Chapter Twenty-Four

1 0 0
                                    

" Bree, ayusin mo na sarili mo. Gusto mo sya makita diba?"

Pinahid ko yung luha sa pisngi ko at saka tumango

" Edi puntahan natin sya. Mag usap kayo"

Naikwento ko na kay Mia lahat kagabi. Nagpunta sya sa bahay dahil lang dun.

Tumango-tango ako ng ilang beses sa kanya.

Ilang minuto lang at andito na kaming dalawa ni Mia sa harapan ng Hideout ng Level 4.

" Oh? Tara na ng makapag usap na kayo"

Hinawakan ko sa braso si Mia

" Kinakabahan ako"

" Ano ka ba Bree? Kaya mo yan. Mag uusap lang naman kayo eh"

I exhaled heavily

" Kakatok na ako ah?"

Bago pa ako makasagot ay bigla ng bumukas ang pinto at iniluwa nun si Samuel

" Oh. Samuel! Hi! Si Shin ba anjan?"

Tinuro lang nya yung likuran nya bago nya kami lampasan

" Tara Bree. Nasa loob daw"

Pagpasok namin sa loob, nadatnan namin yung tatlo na nakaupo sa couch at may kanya-kanyang ginagawa

" S-shin."

Nanatiling nasa gitara ang atensyon nya

Alam kong naririnig nya ako pero mas pinili nyang hindi ako pansinin

" P-pwede ba tayong m-mag usap?" sinubukan kong kumalma pero hindi ko kaya.

" Ah, Labas na muna kami. Tara Kenji!" tatayo na sana si Allen at Kenji ng magsalita si Shin

" May gagawin pa ako." He said coldly.

My chest felt heavy. Ang cold nya.

" O-okay lang! Vacant naman ako sa next subject ko. Makakapag intay ako" pinilit kong pasiglahib ang boses ko

" Next time na lang" Cold parin na sagot nya

" S-sige." I said, trying to hold in the tears

Tumalikod na ako at dere-deretsong umalis sa lugar na iyun. Agad namang sumunod sa akin si Mia.

NEXT DAY.

" Wala dito si Shin eh"

" A-ah ganun ba? Alam mo ba kung nasaan sya?" Tanong ko pa ulit kay Allen

" Hindi. Pero alam kong andito lang yun sa school"

" Sige Allen. Salamat"

Hindi ko sya nakita. Mahirap matagpuan ang taong nagtatago sayo.

Isang araw na naman ang lumipas at halos lahat ng Vacant hours ko ay ginagamit ko para hanapin sya.

Sana makita ko sya. Halos umaga na ako nakatulog dahil nagluto ako ng pagkain para sa kanya. Andami ko ding nasayang na pagkain kasi laging hindi tama sa templa ang gawa ko.

Napatigil ako sa paglalakad. Finally! Nakita ko rin sya.

Andito lang pala sya sa may Gym.

Naglakad ako palapit sa kanya

" Ukizawa!"

Naging blanko ang mukha nya ng marinig ang boses ko

" Here. I made this for you"  sabi ko at iniabot sa kanya yung food na nasa paperbag

Just A Dream (COMPLETED) Where stories live. Discover now