Chapter Twenty-Six

2 0 0
                                    


Isang linggo na ang nakalipas simula ng tumira si Shin dito sa bahay. Ang laki ng pagbabago, sobrang sumaya si Mommy. Masaya naman sya dati pero iba yung saya ngayon. Lagi syang nakangiti, hindi ko na sya nakikitang umiiyak.

Welcome na welcome si Shin dito sa bahay, talagang pinaparamdam ni Mommy at Daddy na family na talaga kami.

Ako? Palagi akong tahimik. Palaging nasa kwarto. Lumalabas naman ako pag kakain or yung dapat lang talagang gawin. Alam kong nahahalata na yun ni Daddy at Mommy pero siguro, binibigyan lang nila ako ng time para makapag isip.

Kaya lang bat ganun? Ang hirap eh. Kahit anong gawin ko di ko magawa, di ko matanggap. Di ko kayang matanggap.

Bumuntong hininga ako ng makitang wala ng laman ng tubig yung baso ko.

Nauuhaw ako.

Ayoko man pero napilitan akong lumabas sa kwarto ko. Natatakot akong lumabas kasi magkatapat lang kami ng kwarto ni Shin, ayokong makasalubong sya.

Pagdating ko sa kitchen agad kong binuksan ang ref at kinuha yung isang pitsel na tubig.

Plano ko na sanang bumalik sa taas sa kwarto ko ng may mapansin ako sa trashcan.

Ipinatong ko muna sa table yung pitsel at lumapit dun sa trashcan

Boom.

Wala na. Sumabog na naman ang puso ko. Hindi pa nga nabubuo, binomba na naman.

I wipe away the single tear that falls down my cheek.

Ganun na ba nya ako ka hate para pati yung bracelet nya ay itapon nya?

Damn it Ukizawa! Hanggang kailan mo ako planong e-torture ng ganito?

KINABUKASAN

Pagdating ko sa Dining room, andun na si Mommy, daddy at pati sya.

" Good morning baby! Breakfast na tayo" Daddy said

" Ah." I accidentally glanced at Ukizawa. Kumakain lang sya at parang walang pakialam sa presensya ko. Ibinalik ko ang tingin ko kay Daddy " Hindi na po daddy, dadaanan ko pa po kasi si Mia."

" Are you sure? Sabayan mo na kaya kami? Baka malipasan ka ng gutom--"

" Hindi na po Mommy! Uhm.. Kasi po may gagawin parin po kami pareho at saka sa Cafeteria na lang po kami kakain, sige po. Una na ako! Bye"

Bago pa ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang sabi ni Daddy na "Take care"

Agad akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho na papunta sa bahay nila Mia

" Nice. Ang ganda ng timing mo" nakangiting sabi ni Mia habang naglalakad papalapit sa akin

" Bakit?"

" Flat kotse ko eh. Tara na"

Habang nag dra-drive papunta sa School...

" Kamusta bahay nyo?"  Mia asked, breaking the silence

" Ayun, di pa naman nagiging bahay nyo"

" Ha-ha. Funny"  She laughed sarcastically

I take a deep breath

" Here"

Binigay ko sa kanya yung bracelet ni Shin na partner nong bracelet ko.

" Bat nasayo to? Diba kay Shin to?"

I nodded

" Tinapon nya na eh" I said, smiling sadly at her

I chuckled

Just A Dream (COMPLETED) Where stories live. Discover now