" Hoy bruha! Happy New year!"
[Happy New year din Bree! Pakisabi rin kay Tita at Tito]
Nasa Canada sya ngayon kasama ang family nya. Pero babalik din naman agad sila.
[ Hi Bree! I miss youu!]
" Hello Mayi! I miss you too!"
[ Hey! Alis jan! Kausap ko si Bree!]
[ Pero kausap ko din sya!]
[ Aish! Alis nga. Ikaw ang Bestfriend?]
[ Hindi. Pero lagi mo naman syang nakakausap eh kaya ako naman!]
Natawa na lang ako dahil nagsimula ng magtalo yung magkapatid.
Pinatay ko na yung laptop ko at lumabas ng room.
Bumaba ako at pinuntahan si Mommy sa dining room na hinahanda na yung mga pagkain
" Hi mommy"
Niyakap ko si Mommy sa likuran
" Bree. May ginagawa ako"
Ding dong~ Ding dong~ Ding dong~
" Oh. Baka si Shin na yan, ikaw na mag bukas at may ginagawa ang daddy mo"
Dahil sabik na akong makita si Shin, dali-dali akong lumabas ng bahay.
Pagbukas ko ng gate, si Shin nga ang bumugad sa akin
" Ukizawa!" lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit
" I miss you" I whispered
" Haha I know" He laughed then messed up my hair
" That's my line, Ukizawa"
" I miss you too, Bree"
" Tara, pasok na tayo sa loob"
Hawak ko parin ang kamay nya hanggang sa makarating kami sa loob
" Ang tamis naman nyan"
Tinawanan ko lang si Daddy dahil sa sinabi nya
I looked at my wristwatch
" Kayo jan, tara na sa labas at ilang minuto na lang new year na"
Lumabas kaming apat sa bahay namin at halos lahat ng kapitbahay namin ay nasa labas narin.
" 10......9.....8......7......6"
Napangiti ako ng halos sabay-sabay na sumigaw ang mga tao.
" 5......4......3........2.....1! HAPPY NEW YEAR!"
Sobrang happy ako ngayon. Feel na feel ko ang new year ngayon hindi lang dahil sa ingay ng mga tao sa paligid, hindi lang dahil sa mga fireworks na maingay na pumuputok , pero dahil ngayon..kasama ko si Shin. Kasama ko ang pamilya ko. At wala na akong ibang hihilingin pa bukod dun.
" Happy New year Bree"
" Happy New year Ukizawa"
Maya-maya lang ay pumasok na kami sa loob ng bahay.
" Shin ijo, kumain ka ng madami ah? Ako nagluto lahat nyan"
" Yes po Tita"
" Masaya ako at kasama ka namin ngayon" nakangiting sabi ni Mommy
" Ako rin po Tita"
" Sa totoo lang, naaalala ko sayo ang anak kong si Bryan"
" Po? May anak po kayong lalaki?"
" Oo."
Nakita kong nangingilid na ang luha sa magkabilang sulok ng mga mata ni Mommy kaya agad kaming nagkatinginan ni Dad.
" Siguro kung nandito sya ngayon, kasing laki mo na sya. Siguro gwapo rin sya gaya mo. Siguro mas.. m-masaya tayo ngayon"
" Mommy, Im sure naman po na kung nasan man si Kuya Bry ngayon, alam kong masaya na sya."
" At malulungkot yun pag nakita ka nyang malungkot at umiiyak" Daddy added
Natawa naman si Mommy kaya Napangiti ako
" Oo na. Dapat happy tayo ngayon para happy rin sya"
Pinilit kong panatilihing masaya ang bawat isa sa amin habang kumakain kami at mukhang tumalab naman.
" Uh, Mommy, Daddy, sa taas lang po kami ni Shin"
Kinindatan ko na lang si Mommy at Daddy para di na magtanong pa at mukhang nagets naman na nila.
" Kwarto mo to?" Tanong nya
I nodded then may kinuha ako dun sa cabinet
" Oh. Gift ko"
" Ano yan?"
" Buksan mo para malaman mo"
Kinuha naman nya sa kamay ko yung regalo ko at sinimulan ng buksan
" Matagal ko yang pinaghandaan. Sana magustuhan mo"
" Hmm. Ngayon gets ko na kung bakit lagi kang nagpupumilit na mag picture tayong dalawa" Natatawang sabi nya
Photo Album kasi yung gift ko sa kanya na ang laman ay pictures naming dalawa.
" So ano? Nagustuhan mo ba?"
He nodded
" Yes. Thank you Bree."
" So.. Ikaw?"
" Huh?"
" Yung gift mo sakin? Asan na?"
Inilahad ko pa sa harap nya yung kamay ko
" Ah yun ba?"
Napakamot sya sa batok nya.
" Sorry. Nakalimutan ko"
Bagsak ang balikat na tinignan ko sya
" Ganun ba?"
Hindi ko mapigilang hindi ma disappoint, kasi naman.. Ays. Pero okay lang. Sapat na yung kasama ko sya ngayon.
Binalik ko yung ngiti sa mga labi ko
" Okay lang yun! Basta andito ka okay lang" nag thumbs-up pa ako sa kanya
He chuckled
I looked at him confused
" What?"
May kinuha sya sa bulsa ng pants nya.
" Here"
My eyes widened
" Whoa! Akala ko ba.."
" Im just kidding" He said while messing my hair, AGAIN.
Binuksan ko yung gift nya at lumaki ang ngiti sa labi ko ng makita kung ano yun.
" Omo! Ang cute!"
Kinuha nya yung bracelet at sinuot sa braso ko
" Yan. Pareho na tayo"
Napatingin ako sa braso nya, at tama nga sya! Meron din syang bracelet na kapareho nong sakin!
" Couple?"
He nodded
Niyakap ko sya ng mahigpit
" Thank you"
" I love you"
My heart throbbed wildly
" I love you too, Ukizawa"
***
YOU ARE READING
Just A Dream (COMPLETED)
Teen Fiction" Do you regret it?" " Alin?" " Do you regret what happened between us?" " Y-yes....".... "I think...I think Falling inlove with you was a big mistake" "I-ikaw ba? Do you regret it? " " No.. " " Meeting you was the best thing that ever happene...