" Bree"I looked at her blankly
" What?"
" Have you seen this?"
Ipinakita nya sa akin yung cellphone nya at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang isang post.. Ang post nong babae kahapon.
She's the b*tch who stole Shin from us, Bridgette Callante.
Tapos dun sa baba nong caption nya ang ay picture namin ni Shin kahapon nong time na hila-hila nya ako at ang letseng babae sinundan pala kami so ayun. Nakuhanan din ng picture yung scene na nag uusap kami ni Shin.
Ayoko ng lumabas sa kotse ni Mia ng makita ko kung gaano karami yung likes, comments, and shares.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
" Hey, we're here" Mia said
" Mia. I-im scared" I said.
" Don't be. Im here, ako bahala sayo" She smiled at me softly
I sighed then nodded
" Let's go"
Bumaba na kami sa kotse nya at naglakad na papasok sa School
" Hmm. Himala? Bat wala yata akong nakikitang mga estudyante ngayon?" Mia asked
I looked at my wristwatch
" 6:35 am. Maaga pa naman ah?"
" Wait, baka naman walang pasok ngayon?" I added
" Edi dapat alam ko yan"
Nagtataka man ay nagpatuloy parin kami ni Mia sa paglalakad
" Hey, dito na ak--"
Mag hihiwalay na sana kami ng daan ni Mia ng pareho kaming matigilan sa nakikita namin ngayon sa harapan namin
Masama to. May naaamoy na agad akong masamang mangyayari.
" B*tch"
" Hey! Watch your mouth" Mia said
Okay lang sana kung isa, dalawa, o tatlo lang ang nasa harapan ko ngayon pero.. Pero andami nila!
5.
10.
15.
20.
25.
25 plus ang estudyanteng nasa harapan ko ngayon.
Dahil ba to dun pinost nong ipokritang yun? Oh wait. Andun sya sa unahan. May napakalaking ngiti sa kanyang labi na para bang tuwang-tuwa sya sa nangyayari
" Kung ano man ang binabalak nyong gawin, wag nyo ng ituloy" Nagbabantang sabi ni Mia
" Huh! Wala na kaming paki sa mangyayari sa amin! Inagaw nya si Shin sa amin!"
" Oo nga! Malandi sya! Nilandi nya si Shin!"
Halos di ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila ng magsabay-sabay silang sumigaw
Hanggang sa may maramdaman akong tumama sa balikat ko.
Basag na itlog.
" Batuhin nyo na sya! "Sigaw pa nong isa at sinimulan na nila akong batuhin ng kung anu-ano
" Aish! Yari sa akin ang mga yan after ni--aww"
Agad akong pumunta sa harapan ni Mia para maicover ko sya
YOU ARE READING
Just A Dream (COMPLETED)
Teen Fiction" Do you regret it?" " Alin?" " Do you regret what happened between us?" " Y-yes....".... "I think...I think Falling inlove with you was a big mistake" "I-ikaw ba? Do you regret it? " " No.. " " Meeting you was the best thing that ever happene...